Chapter 18 (12/17/14)

520K 17.2K 8K
                                    


Dedicated to DatGuyStoryMaker :)

Salamat sa mga meaningful at mahahabang comments! Nag eenjoy ako sa pagbabasa ng comments mo sa mga stories ko :D

***

Chapter 18

 

[Jillian’s POV]

 

Hindi mawala ang pag-ngisi ni Cupid habang naka-upo ako sa dining table ko at umiinom ng kape habang naka-busangot ang mukha.

            Kanina ko pa talaga gustong batuhin ng kung ano ang bwisit na God of Love na ito!

            Paano kasi, pag-mulat ko ng mata ko, bumungad sa akin ang pagmumukha ni Cupid na ang lawak ng ngiti habang titig na titig sa amin ni West sabay sabi ng: “Huling-huli kayo sa akto!”

            Oo nakatulog kaming dalawa sa sofa ko. Nakapulupot ang braso ko sa tyan niya habang naka-akbay naman siya sa akin. At nang mahuli kami ni Cupid sa ganoong posisyon, matingkad pa sa kulay ng sili ang mukha ni West.

            Kaya ayun si West, nasa banyo ko ngayon at naliligo. Buti na lang at may damit si Cupid na pwedeng ipahiram sa kanya. Hindi ko lang alam kung saan niya ito nakuha.

            “O Jillian, ba’t ka nakasimangot? Disappointed ka ba dahil hindi ka niyaya ni West na sabayan siyang maligo?”

            Kinuha ko yung kutsara sa harap ko at ibinato ko ito kay Cupid. Bwiset lang at nasalo niya.

            “’To naman! Ang pikon mo. Pero kung makikita mo lang itsura niyo kanina. Ang cute-cute mo. Para kang koala na naka-yakap sa puno.”

            Tinignan ko ng masama si Cupid, “pag hindi mo pa ako tinantanan ng pang-aasar mo, hindi na kita pakakainin dito!”

            Ngumisi naman siya, “para namang may kakayanan kang pigilan ako.”

            Mas sinamaan ko ang tingin ko sa kanya pero hindi na ako nag-salita. Kasi naman! Tama naman siya! Wala akong magagawa kung gusto niyang tumambay sa bahay ko, o kainin ang mga pagkain ko or to wreck havoc in my life. Because I am just a mortal and he’s a freakin’ god!

            “Anyway, paalala lang Jillian,” medyo naging seryoso ang mukha ni Cupid. “Wag kang mai-inlove kay West ah? Alam mo naman na iba ang para sa kanya.”

            “O-oo naman! Hindi ako ma-i-inlove ‘no! Hinihintay ko na nga ang para sa akin eh.”      

            “Good.”

            Bigla kong ipinako ang tingin ko sa tasa ng kape na iniinom ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong na-depress sa sinabi ni Cupid.

            May ibang tao ang para kay West. Alam ko naman ‘yun eh. Pero in some ways iniisip ko, kung sakaling si West ang nakatadhana sa akin, siguro ayos lang sa akin. Nakita ko kung paano siya magmahal. Baka nga hindi pa niya pinapakita masyado eh pero halata nang sobra-sobra siya kung mag mahal.

            Naisip ko dati, ang malas ng kung sino mang babae ang nakatadhana kay West. Pero ngayon, sa nakikita ko, ang swerte-swerte ng babaeng ‘yun.

           

 

            Maya-maya lang din ay lumabas na si West sa CR na fresh na fresh at bagong paligo. Simpleng kulay puting v-neck shirt lang ang suot-suot niya at maong pants pero bakit ang lakas ng dating niya sa paningin ko ngayon ha? Alam kong gwapo si Sir West dati pa pero wala akong paki sa looks niya noon dahil nakaka bwiset siya. Pero ngayon, bakit napapansin ko lahat ng magagandang bagay sa kanya?

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon