Chapter 30 (4/2/15)

480K 14.8K 2.9K
                                    

Chapter 30

 

[Jillian’s POV]

 

‘Yung tampalasang god of love na ‘yun, talaga nga naman! Hindi talaga nagpakita sa akin! Magaling na bata! Hay naku!

            Tinignan ko ang orasan. It’s 3:45am. Ready na ang mga gamit ko at inaantay ko na lang si West na dumating. Inaasahan kagabi na magpapakita sa akin ang kumag na si Cupid pero wala. Hindi.

            Napa-buntong hininga ako.

            “Cupid, kung sakali mang may powers ka na marinig itong sinasabi ko, gusto ko lang malaman mo na bwiset ka. Makikipag date lang ako kay West kahit hindi siya ang nakatakda sa akin. Sana sa araw na wala ako eh wag mong maisipang kainin ang stock ng pagkain ko kundi patay ka talaga sa akin! Ima-matchmake kita kay Edgar!”

            Pinakiramdaman ko ang paligid. Baka kasi bigla siyang sumulpot. Kaso wala.

            Napabuntong hininga ulit ako.

            “Well, sana narinig mo ang sinabi ko.”

            Just to be sure, nag iwan na lang din ako ng note sa lamesa ko.

            Maya-maya lang din ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. Ilang ulit muna akong tumingin sa salamin bago ko pinagbuksan si West.

            “Good morning,” bati niya sa akin while smiling brightly.

            My heart did a somersault.

            “G-good morning.”

            “Are you ready?”

            Tumango ako.

            “Yep. Let’s go?”

            “Let’s go!”

            Ni-lock ko na ang pinto ng bahay habang si West naman ay kinuha sa akin ang bag ko para ilagay sa kotse.

            “Ang gaang ng bag mo ah?” sabi nya habang isinusukbit niya ito sa balikat niya.

            Tinaasan ko siya ng kilay habang naka-ngiti, “expected mo ba na dala ko ang buong bahay ko sa lakad natin?”

            Napatawa siya ng mahina, “kaya kita gusto eh.”

            Natigilan ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang dapat kong i-react.

            Magbibiro ba ako? Sasabihin ko thank you? Sasabihin ko ang haba ng hair ko?

            O sasabihin kong I like you too?

            “U-uhmm, d-dalhin ko na ‘to sa kotse,” sabi niya at bago pa ako makapag salita, tumalikod na siya.

            Medyo madilim. Pero kahit ganun, alam kong namumula na naman ang tenga niya.

            Napangiti na lang ako at sinundan ko na siya.

~*~

 

“Gusto mo bang mag breakfast muna? Pwede tayong mag stop over if you want,” tanong sa akin ni West habang nasa byahe na kami.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon