Chapter 43

351K 14K 2.6K
                                    

Chapter 43


[Jillian's POV]

Friends... friends... friends...

I should be happy right? Hindi man nag work out ang sa'min ni West dahil sa lecheng tadhana na 'yan, at least pwede pang maging maayos ang relasyon namin sa pamamamagitan ng pagiging magkaibigan.

Pero shit na 'yan, ang sakit. Hindi ko matanggap.

Iniisip ko, sana maka move on na si West para hindi na siya nahihirapan sa akin. Para hindi na siya nasasaktan.

Pero ngayon na sinasabi na niya sa akin na handa na siyang mag let go, parang ayoko. Hindi ko tanggap. Hindi ko kaya.

Ang selfish kong tao.

Ako itong hindi maka-move on.

"Hindi ko na pwedeng isisi sa'yo kung bakit 'di mo ako magawang magustuhan," sabi ni West at nilingon niya ako atsaka ako nginitian. "Tanggap ko na na hanggang magkaibigan na lang tayo, Jillian. Tanggap ko na."

Huminga ako ng malalim at pilit kong nginitian si West.

"O-kay. T-thank you West! I-I'm really h-happy!"

Liar! Liar!

Nilahad ko ang kamay ko, "friends?"

He took it at nakipagkamay siya sa akin.

"Friends!" ngiting-ngiti niyang sabi at bumitiw na siya sa kamay ko.

Sana may kakayahan akong pahintuin ang oras para ititigil ko ito doon sa part na hawak niya ang kamay ko at nakangiti siya sa akin.

Kakalimutan ko na lang ang salitang friends.

"West!"

Pareho kaming napalingon sa tumawag sa kanya at nakita kong papalapit si Sasha.

Isang plain black na spaghetti strap dress lang ang suot niya pero ba't sobrang ganda niya?

"Oh Sasha."

"I'm looking for you. I want to buy something in the souvenir shop."

"Alright! I'll accompany you," naka-ngiting sabi ni West dito.

Nanikip ang dibdib ko.

Gusto kong sabihin na wag siyang sumama kay Sasha. Wag niya akong iwan dito. Gusto ko pa siyang makausap. Scratch that. Kahit hindi siya magsalita. Kahit tahimik lang kami. Basta dito lang siya sa tabi ko, masaya na ako.

Please West. Please.

I'm really selfish, huh?

"Una na kami, Jillian," sabi ni West.

Nginitian ko lang sila.

"Bye Jillian!" masigla namang sabi ni Sasha.

Sige lang! Maging masaya ka! Swerte mong bruha ka eh! Kasama mo ngayon ang buong buhay ko leche!

Pagka talaga ikaw hindi nakatadhana kay West, hahalakhak ako. Pareho tayong masasaktan.

Napakamot ako ng ulo.

Bwiset.

Ang bitter ko.

Napa-buntong hininga ako at tumayo na rin ako.

Wala naman akong mararating kung mag s-senti lang ako dito. Mas okay pa kung maglasing na lang ako.

Pumunta ako doon sa bar na nasa loob nitong resort. Wala masyadong tao bukod doon sa magbabarkada na nasa gilid at nag tatawanan.

Naupo ako sa may barstool at um-order ng cocktail drink na unang nahagip ng mata ko.

Hindi ako pala-inom talaga. Pero gusto kong maglasing ngayon.

Wala na akong paki kung sumugod ulit ako sa kwarto ni West pag nalasing ako.

Bahala na si Batman.

"Hi miss. Mag-isa ka lang?" dinig kong sabi ng isang lalaki.

Jusko. Cliché.

Jusko. Sa dinami-rami ng manuscript na pinroofread ko, ilang beses ko nang nabasa ang ganitong sitwasyon.

May lalapit na guy, tatanungin kung mag isa lang si girl. Medyo mababastos si girl. Tas may susulpot na knight in shining armor sa tabi niya.

So sa akin ba meron?

Sana naman kung may sumulpot eh yung nakatadhana na sa akin ano?

"Obviously wala. Nakita mo ba na meron akong katabi? Wala 'di ba?!" irita kong sabi nang 'di ko siya nililingon.

Bwiset. Mainit ulo ko ah!

I heard him chuckled, "taray mo naman, Ms. Jillian."

Napalingon ako bigla at halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita ko si Zyron.

"S-sir! I-ikaw pala yan! Oh my gosh! I'm sorry!"

Napa-ngisi ng malawak si Sir Zyron, "nakakatuwa ka. Kaya mong ihandle ang sarili mo sa ganung sitwasyon."

Napa-yuko na lang ako habang nahihiya hiya.

Anak nang! Naman Jillian eh! Lingon-lingon kasi muna bago mag taray!

Naupo si Zyron sa bar stool na katabi ko.

"So, why are you here? At ba't mag-isa ka lang na umiinom dito?"

Napailing ako, "ah wala po. Wala lang."

"Hmm. Mind if I join you?"

"O-okay lang po."

"Wag mo na ako i-po pag tayong dalawa lang," he winked at me tapos tinawag na niya ang bartender para sa order niya.

"Banana chocolate milkshake please," sabi ni Zyron.

Napalingon ako, "milkshake?!"

"Why? Anong masama sa milkshake?" natatawa-tawa niyang sabi.

Napailing naman ako, "wala lang po. Nakakagulat lang."

"Hindi na ako umiinom. Madali kasi akong malasing," sabi ni Zyron. "At ayoko naman malasing sa harap ng isang magandang babae."

"E-eh? Maganda?"

Nginitian ako ni Zyron, "oo. Maganda. So Jillian, matanong ko lang, pagbalik natin sa Manila...can I ask you to go out with me?"

This time, tuluyan na akong nahulog sa kinauupuan ko.

To be continued....


Author's Note:


Guys sorry super short update lang! Mag uupdate po ulit ako sa FRIDAY don't worry. Pasensya na talaga. Salamat po sa pagbabasa <3

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon