Chapter 40

420K 14.6K 4.2K
                                    

Chapter 40


[Jillian's POV]

Ang hirap mabuhay sa mundong ibabaw! Ang hirap mag mahal at masaktan! Bakit ganun? 23 years old na ako pero NBSB pa rin ako?! Wala pa akong nagiging jowa! Yung dalawang lalaking pinaka minahal ko pa eh kinakailangan kong ipares sa iba!

Ayoko nang mabuhay!

Magpapakamatay na lang ako!

Kainin ko kaya 'tong sabon sa harapan ko? Makakaya kayang tapusin ng sabon na 'to ang paghihirap ko?!

Napa-buntong hininga ako at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng bathroom ng hotel room namin.

Shet! Ang ganda ko pa rin kahit namamaga na mata ko kakaiyak!

Naghilamos ako. Makalabas na nga lang bago ko pa maisipang patayin ang sarili ko sa loob ng bathroom na 'to. Baka nasa may dalampasigan pa si Cupid at nag s-senti. Mapuntahan na nga lang ulit.

Palabas na sana ako ng bathroon ng makarinig ako ng mga boses na naghahagikgikan.

"Ano ba Luke! Nakakakiliti! Itigil mo 'yan!"

Boses ni Elise.

Ay anak naman ng mga---!!

"Love you so much!" dinig kong sabi ni Luke and then Elise giggled.

Mga walanghiya!

Ang sarap sumigaw ng go get a room kung wala lang kami sa isang room!

Lumabas ako sa bathroom at bumungad sa akin yung dalawa. Nakaupo sa kama si Luke at naka-kandong naman si Elise sa kanya.

"Mga bastos!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Parehong napa-tingin sa akin yung dalawa at nginitian naman nila ako.

"Oh nandyan ka pala Jillian!" sabi ni Elise.

"Nahuli mo kami sa sexy time namin!" naka-ngisi namang sabi ni Luke.

"Sige na ituloy niyo na yang ginagawa niyo!" sigaw ko sa kanila.

Agad kong kinuha yung camera ko at tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto.

Sana kung gagawa man sila ng kababalghan eh bilis-bilisan nila. Ayokong madatnan ko silang gumagawa ng milagro mamaya pag balik ko!

Inikot kong mag-isa ang buong resort habang nagkukukuha ako ng mga photos. Nakita ko na rin yung iba kong mga ka-opisina na nasa infinity pool at nag su-swimming na.

Pero napahinto ako nang makita ko si Edgar na naka-upo sa isang gazeebo. May kausap siyang babae.

Medyo lumapit ako para tignan ang kausap niya.

Maganda, matangkad, morena.

Anak ng tokwa! I know that girl! Sumali siya dati sa binibining Pilipinas!

Masayang nagkukwento yung babae kay Edgar at nakita ko naman si Edgar na parang nahihiya-hiya ang itsura.

WOW.

Marunong pala mahiya ang isang 'to! WOW! Ang epic!

Natatawa-tawa kong kinunan ng picture si Edgar at yung babae. Ipapakita ko mamaya kay Cupid nang ma-goodvibes naman ang isang yun!

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon