Chapter 57

387K 13.6K 5.9K
                                    

Chapter 57


[Jillian's POV]


Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at iniintay si West na dumating. Nakatingin ako sa bank account ko at paulit ulit kong minumura si Cupid sa isip ko.

Lecheng god of love talaga ito! Leche!

Ang lakas ng loob niya para sabihin na siya na ang bahala sa trip namin ni West papuntang Cebu para dalawin si Ana. Dahil daw nasasaktan na ako, unfair naman daw kung mas pahihirapan pa niya ako sa pagaayos. Kaya siya na raw ang bahala. Wala na raw akong dapat isipin.

Aba'y siya nga ang nagasikaso lahat pero ang ginamit naman niya na pera ay ang savings ko. Walanghiya talaga! At nagbook nga ng hotel! Sa mamahaling hotel pa! At mamahaling hotel room pa ang kinuha niya para sa amin ni West!

At syempre hindi naman kami pwede magsama sa isang kwarto, tig-isang room ang kinuha niya.

8,000 per night. Two nights kaming naka-book. Tig 16,000 kami ni West. All in all, 32,000 ang babayaran ko para sa kwarto namin. WALANGHIYA.

Tapos ang libre lang doon eh breakfast! Saan na ako kukuha ng pang lunch at dinner namin?!

At syempre hindi pa kasama dyan ang airfare namin na sa savings ko rin kinuha.

WOW CUPID! WOW!

I think I got swindled!

Seryoso! Eto ako ngayon papunta sa Cebu para i-match make ang lalaking mahal ko sa best friend ko tapos wow, ako pa ang sumagot lahat.

Well, hindi ko naman pwedeng hingan si West ng pera. Nakakahiya dahil alam niya nagpapasama lang ako sa kanya. Hindi siya aware na nandito ako para gamutin ang pagiging broken hearted niya by matchmaking him to Ana.

Hayop ka talaga Cupid!!!! Humanda ka sa akin pag nakabalik ako! Ibebenta ko ang katawan mo nang mapalitan naman lahat ng nagastos ko!

"Jillian?"

Napa-angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni West. Papalapit siya sa akin habang ang ganda ganda ng ngiti. He's wearing shades, a blue checkered polo and black maong pants.

Parang nabura ang galit na nararamdaman ko.

Ano ba 'to? Ba't ang gwapo niya?! Dati naman hindi gwapo ang tingin ko sa kanya! Dati inis na inis ako sa kanya kasi ang sungit sungit niya. Lagi niya akong binubulyawan at pinapagalitan. Para siyang matandang babae na nasa menopausal stage.

Pero ngayon...

Oh damn it!

Ano ba Jillian! Wag mo na siyang pagnasahan. Kahit pa mag laway ka dyan, hindi siya magiging sa'yo okay?

You don't deserve a guy like him.

Bwiset na buhay 'to.

"Hi Jillian. I'm so sorry napag-antay kita."

"O-okay lang ano ka ba! Pareho naman tayong maaga."

He checked his watch, "medyo maaga pa nga tayo pero tingin ko okay na rin yun para hindi tayo nagmamadali. Let's go?"

Tumango ako at tumayo na. Kinuha naman ni West ang bagahe ko at siya ang nagdala.

"Ah West okay lang ano ka ba! Ako na mag dadala ng maleta ko."

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon