Chapter 62

359K 13.5K 5.7K
                                    

SUPER DUPER IMPORTANT NOTE. PLEASE READ!!!

Hi dears. Marami po akong na-receive na comments last chapter (chapter 61) na hindi niyo mabasa ng maayos yung update dahil putol putol yung words and may nauulit na sentence. May bug po kasi ang Wattpad app kaya nasira ang update. I suggest na i-update niyo ang Wattpad app niyo OR basahin niyo na lang ang chapter 61 sa browser niyo, o laptop/desktop. Hindi niyo po kasi pwede i-skip ang chapter na yun kasi important chapter yun. 

Ayun lang. And yes, sira po ang wattpad kaya naging ganun ang update ko AT HINDI PO IYON TYPO. Wahaha hindi naman ako lasing nang isulat ko yun lol



Chapter 62


[Jillian's POV]

Halos mapatumba ako sa sobrang panlalambot dahil sa sinabi sa akin ni Ayesha. Ayaw mag function ng utak ko. Ayaw i-absorb nito ang lahat ng mga nalaman ko.

Si West ang nakatadhana sa akin. Isa akong Goddess. Gagawin akong apprentice ni Cupid?

Paanong nangyari yun?! Hindi yun totoo! Imposible! Hindi ako lolokohin nang ganoon ni Cupid!

Hindi niya kayang gawin sa akin ang bagay na yun. May tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya magagawa yun!

Hindi nga ba?

Napailing ako.

"Tama na! Please Ayesha tama na! Wag mo nang guluhin ang utak ko! Wag mo nang sabihin sa akin ang mga kasinungalingan na 'yan!"

"Jillian, nagsasabi ako sa'yo ng totoo."

"Pero bakit?! Sige nga! Paano ako magiging goddess?! Mortal pareho ang mga magulang ko!"

"Sigurado ka Jillian? Nakilala mo ba ang iyong ina?"

Napailing ulit ako.

"Hindi batayan 'yun Ayesha!"

"Walang mortal ang makakagamit ng kapangyarihan ng compass Jillian."

"Hindi ko naman nagagamit ang kapangyarihan ng compass eh!"

"Sigurado ka?"

"Oo! Sigurado—"

Natigilan ako.

Naalala ko dati nung nasiraan ng kotse si West. Hiniling ko na sana maayos na 'to. Nagulat ako nang biglang umilaw ang compass at naayos ang kotse ni West.

At nung time na nalasing ako. Nakapag teleport ako nun sa condo ni West.

"Ano Jillian?"

Napahawak ako sa ulo ko.

"Naguguluhan ako. Hindi ko na alam!"

"Naiintindihan kita Jillian. Alam kong magulo peero sana makinig ka sa akin. Kayo ni West ang nakatadhana Jillian. Pero binago ni Cupid ang book of soulmates at idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron at si West naman ay kay Ana."

"Bakit niya gagawin yun? Kung buburahin lang din naman niya ang pangalan ko sa book of soulmates, bakit kailangan pa niyang iduktong si Zyron sa akin?!"

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now