Chapter 26 (2/16/15)

521K 15.3K 2K
                                    

Chapter 26

 

[Jillian’s POV]

 

Basahin mo na Jillian. Sige na. Paki proofread mo. Paki edit. May dapat ba akong tanggalin? May dapat ba akong dagdagan?”

            Tinignan ko ang mukha ni Luke at kitang-kita ko ang nerbyos dito habang iwinawagayway niya ang isang pirasong papel sa mukha ko.

            I rolled my eyes at him, “for pete’s sake Luke, hindi mo kailangan ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangan ng script kapag magtatapat ka. Sabihin mo sa kanya kung ano ang nararamdaman mo that moment. Mas effective yun.”

            Napahinga ng malalim si Luke at kita ko ang nerbyos sa mukha niya.

            Matagal na kasi kaming gumagawa ng plano dalawa. He’s going to take Elise on a date at doon niya sasabihin ang lahat. Kaso ito namang si Luke, sukat gumawa ng script sa kung ano ang sasabihin niya kay Elise.

            Hindi ko akalain na ganito pa lang ka-torpe ang isang ‘to.

            Mas cool at mas confident pa siyang tignan kay West pero pagdating sa pagpapakita ng feelings talong-talo siya ni West!

            Syempre alam na alam ko ang bagay na yun.

            “Kaya ko ba ‘to? Parang ayoko na eh,” mahinang bulong ni Luke sa akin.

            “Luke, listen ‘to me. I know it’s terrifying na mag sabi ng nararamdaman mo sa isang ‘to. There are million reasons na magsasabing hindi worth it ang risk na yun. Pero kung lagi kang tatakbo at magpapaka-torpe at magpapaka duwag, eh habang buhay mo na lang tititigan si Elise.”

            Iniwas ni Luke ang tingin niya sa akin.

            “W-what if ayaw niya pala sa akin? What if may gusto siyang iba? What if ma-basted ako?”

            I smiled at him, “at least you tried at wala kang magiging regret doon.”

            Napangiti bigla si Luke, “thank you Jillian ah? I don’t know why you’re doing this pero sobrang thankful ako na nandyan ka at pinapalakas ang loob ko.”

            “Ay sus! Nag drama pa! Basta pag naging kayo, kailangan ilibre mo ako!”

            Ipinatong ni Luke ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ito, “oo naman, my little cupid!”

            Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko, “ano ba! Ang tagal kong inayos ang buhok ko, guguluhin mo! Mukha na tuloy akong bruha!”

            “Okay lang yan! Maganda ka pa rin. May manliligaw pa rin sa’yo!”

            “Ewan ko sa’yo!”

            We both laugh.

            “Good morning.”

            Napaangat ang tingin namin ni Luke sa dumating at nakita namin si Elise.

            “Good morning!” medyo hyper na sagot namin ni Luke.

            We both shoot each other a meaningful look at bumalik na si Luke sa table niya.

            Sana talaga maging sila na.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon