Chapter 14 (12/1/14)

474K 16.5K 3.1K
                                    

Chapter 14

 

[Jillian’s POV]

 

“Oh my gaaasssh!!! Oh my gosh! Hala! Patay! I’m dead! Patay! Anong gagawin ko?! Saan na ako pupulutin!” natatarantang sigaw ko habang pabalik-balik akong naglalakad sa harapan ni Cupid.

            “Calm down,” chill na chill niyang sabi habang naka-hilata siya sa sofa at busy kumain ng chichirya.

            Tinignan ko ng masama si Cupid. Maayos na ang istura niya. Mukhang napagaling na rin niya ang sarili niya doon sa mga tumamang bola ng ilaw sa katawan niya. Isa pa, tuyong damit na ngayon ang suot niya.

            Maayos na rin naman ako ngayon. Naka t-shirt at pajama na nga ako eh. Ang kaso lang…

            ANAK NG PANA NAMAN OH! Nakalimutan kong may trabaho ako ngayon! At nag AWOL ako nung dalhin ako ni Cupid sa kweba! Ang pag-alis ko ng hindi nagpapaalam sa opisina ay considered as AWOL. At ang AWOL ay equals to goodbye job kapag hindi ako nakapag-produce ng katanggap-tanggap na excuse.

            Anong gagawin ko? Paano ko i-e-explain ang sarili ko? Anak naman ng--!!

            “Wag ka ngang mataranta, Jillian. In love naman sa’yo ang boss mo kaya hindi ka nun patatalsikin.”

            “User! Isa pa hindi lang si West ang boss ko ‘no! May mas mataas pa sa kanya!”

            “Okay. In love sa’yo si West kaya hindi ka niya isusumbog sa mas mataas pang boss para hindi ka mapatalsik.”

            Sinimangutan ko si Cupid at pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng matinong damit. Pupunta na lang ako sa office ngayon at bahala na si batman kung ano ang idadahilan ko. Nawa’y patawarin ako ni Sir West. Sana wag akong mapatalsik sa trabaho. At nawa’y maabutan ko pa siya. Past five na at uwian na. Sana nag overtime ulit ngayon si Sir West.

            Dahil nag mamadali ako, simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko at dali-dali na akong lumabas. Kaya lang, napahinto ako bigla nang ma-realized ko na lahat ng gamit ko ay naiwan ko sa opisina. Kahit ang cellphone at wallet ko.

            Paano ako aalis?!

            Nilapitan ko si Cupid at inagaw ko ang chichirya na kinakain niya.

            “Uy ano ba! Ibalik mo sa akin ‘yan! Nag i-stress eating ako dito eh!”

            I glared at him, “MAS STRESS AKO! Dalhin mo ako sa office namin!” utos ko sa kanya.

            Oo, ako na. Ako na ang nanguutos sa isang Olympian God.

            Napaayos ng upo si Cupid, “wala akong kotse. Hindi kita madadala.”

            Pinanliitan ko siya ng mata.

            “Oo na! Ito na nga, dadalhin ka na sa opisina mo!”

            Napangiti ako. Marunong naman pala makuha ang isang ‘to sa tingin.

            Cupid offered me his arm at isinukbit ko naman ang kamay ko doon. Maya-maya lang ay nag liwanag na ulit sa kapaligiran namin, at sa isang iglap lang ay nandito na kami sa elevator ng building ng opisina ko at paakyat papunta sa office.

            “Ituro mo nga sa akin ang technique na ‘yan. Laking tipid nito sa oras at pamasahe.”

            “Mga Gods and Goddesses lang ang may kakayahan ng ganito. Hindi ka isang Goddess kaya wag kang umasa.”

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon