Chapter 19 (12/23/14)

525K 17K 6.1K
                                    

Chapter 19

 

 

[Jillian’s POV]

 

Dalawa sila. Dalawa. At ‘yung isa, mamamatay nang dahil sa akin.

            Kanina pa ayaw mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Cassy. Habang kumakain kami ni West, lumilipad ang isip ko. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil masyado akong naging pre-occupied sa sinabi ni Cassy. Mukhang napansin niya rin naman ito kaya hindi na rin siya nagsalita. Nang matapos kami, inihatid niya lang ako sa apartment ko at tuluyan nang nagpaalam sa akin.

            At ngayon, kasalukuyan akong naka-upo sa sofa ko at hindi mapakali.

            Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay at sinubukan kong alisin sa isip ko ang mga sinabi ni Cassy. Alam ko namang dapat hindi ako nagpapa-apekto sa mga ganitong bagay eh. Ilang beses na akong hinulaan ng kung sinu-sinong manghuhula sa Quiapo. Ang una ay sinabi sa akin na may mag a-ampon sa akin na mayaman na business man, pero tumandna na ako sa bahay-ampunan, wala pa ring nag-a-ampon sa akin. Yung isa naman, sabi sa akin mamahalin ako ng taong matagal ko nang gusto. Pero eto, nalaman ko na hindi naman pala sa akin naka-tadhana si Luke.

            And now this.

            Posible bang maging dalawa ang taong naka-duktong sa buhay ko?

            Imposible ata yun.

            Napa-hinga ako ng malalim. Bakit ba ako masyadong na-a-apektuhan sa sinabi ni Cassy? Una sa lahat, hindi normal ang pag-iisip niya. Pangalawa, may tiwala naman ako kay Cupid.

            Pero bakit ang uneasy pa rin ng pakiramdam ko?

            “Ba’t ganyan ang itsura mo? Hindi ba masarap ang kinain niyo sa lugawan?” tanong ni Cupid na ngayon ay nasa harapan ko na galing sa who-knows-where.

            Inangat ko ang tingin ko sa kanya at bumuntong-hininga ako.

            “Something’s bothering you,” mahinahon niyang sabi at tumabi siya sa akin.

            I raised my eyebrow, “tinigilan mo na ata ang pagbabasa sa isipan ko?”

            “That thing is blocking your thoughts kaya hindi ko na mabasa,” sagot naman niya habang nakaturo sa compass na nasa leeg ko. “Ngayon, pwede mo bang sabihin sa akin ang ikinaka-bahala mo?”

            Ikinuwento ko kay Cupid ang sinabi sa akin ni Cassy. Mahinahon naman siyang nakikinig sa akin. Nang matapos ako, ngumiti ng malawak si Cupid.

            “That fortune-teller is a fraud,” full of confidence niyang sabi.

            “S-sure ka?”

            Ipinatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ko at tinignan ako ng diretso sa mata.

            “Jillian, hawak ko ang book of soulmates kung saan nakalagay ang mga pangalan ng magkakaduktong ang tadhana. At sa lagay mo, isa lang talaga ang naka-duktong para sa’yo. Wag kang mabahala sa sinabi nung manghuhulang iyon dahil hindi ito totoo.”

            “Pero, pwede bang mabago ang nakalagay sa book of soulmates?”

            Umiling si Cupid, “once your name is written in the book of soulmates, your fate is already sealed. Not unless may makikielam na isang god o goddess. Katulad nang nangyari sa kapalaran ni Ayesha.”

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon