Chapter 29 (3/25/15)

467K 14.7K 4.7K
                                    

Chapter 29

 

[Jillian’s POV]

 

“Masarap?” tanong sa akin ni West habang pagkasubo ko ng pasta na dala-dala niya.

            I smiled at him, “the best! Saan mo ‘to nabili?”

            “May bagong bukas na pasta house near our office. Minsan kain tayo doon.”

            “Sure!” masigla ko naman sabi.

            West gave me a bright smile. Hindi ko rin maiwasang mapangiti.

            Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang umiyak ako sa harap ni West. Niyakap niya lang ako ng mahigpit nun. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya tinatanong kung bakit ako umiiyak. Pero nung humiwalay ako sa kanya, kitang-kita ko ang pagaalala sa mukha niya.

            He tried to hide it by smiling at me. Pero kitang-kita ko pa rin na nagaalala siya.

            Isang katangian kasi ni West na sobrang nagustuhan ko---he is too transparent. Hindi siya magaling mag tago ng emosyon.

            Halatang-halata na nag-aalala siya sa akin but he didn’t dare ask me what is wrong kasi nirerespeto niya ako. Alam ko gusto niya na kusa akong mag open up sa kanya.

            This guy---ngayon pa lang alam ko nang sobrang swerte ng nakatadhana sa kanya.

            How ironic. Parang dati lang iniisip ko na ang malas ng taong nakatadhana rito. I misjudge this person. Ang nakikita ko lang ay ang front act niya dati. I never thought that this guy is more than just a terror boss with a cold heart.

            Ibang-iba pala talaga siya doon.

            “Oo nga pala Jillian, about our date tomorrow. If you still not feeling well, it’s okay if we cancel it.”

            “No!” mabilis kong sabi. “I—I mean, okay lang. Go ako syempre. Okay na okay na talaga ako!”

            “Are you sure?” tanong niya habang bakas sa mukha niya ang pagaalinlangan at pag aalala.

            “Oo naman! Sure na sure ako.”

            Ngumiti si West, “okay then. I’ll pick you up tomorrow at around 4am.”

            “Alright! 4am-----4am?! Bakit ang aga?!”

            Mas lumawak ang ngiti ni West.

            “I forgot to tell you, pupunta nga pala tayong dalawa sa Baguio. Mag pack ka na ng gamit for three days and two nights.”

            “Baguio?! Teka, Baguio? Pupunta tayo sa Baguio?!” paulit-ulit kong tanong sa kanya. Hindi ko ma-itago ang excitement ko.

            “Yep. Dahil alam kong gusto mong bumalik doon.”

            Natigilan ako, atsaka biglang napahagulgol na naman ng iyak.

            Anak ng tokneneng! Nagiging emotional na talaga ako!

            “J-Jillian!” natatarantang sabi ni West atsaka siya lumapit sa akin. “H-hey. A-ayaw mo ba? Sorry. Sorry a-akala ko magugustuhan mo eh. Sorry hindi man lang ako nag tanong sa’yo. Please don’t cry!”

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon