Chapter 15 (12/05/14)

528K 17.7K 6.7K
                                    


Dedicated to JUSTsimplyME-101 salamat sa energetic na mga comments <3

***

Chapter 15

 

[Jillian’s POV]

 

“Cupid, pwede mo bang ipakilala sa akin ang soulmate ni West?” tanong ko sa kanya habang nandito kami ngayon sa Mcdo at kasalukuyang nag i-stress eating.

            “Hindi pwede. Hindi pa nakatakda,” sagot naman ni Cupid habang idini-dip niya ang French fries niya sa hot fudge sundae.

            “Bakit naman? Eh ‘di ba ima-matchmake ko rin naman siya at ‘yung babae?”

            “Hindi pa rin pwede. Mamaya madaliin mo ang kay Luke at Elise at bigla mo na lang i-matchmake si West.”

            Hindi ako umimik. Ganun naman kasi talaga ang plano ko. Gusto ko nang mag jump agad sa lovelife ni West. Paano ba naman kasi parang pinipilipit sa sakit ang puso ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Nasaktan ko siya. Nasasaktan ko siya. At alam kong mas masasaktan ko pa siya. Monster man ang tingin ko sa kanya noon, alam ko ngayon na hindi naman pala talaga siya ganoon. Ang isang taong kung mag mahal ay katulad ni Sir West ay malayong-malayo sa pagiging isang halimaw.

            Mukhang ako pa ata ang halimaw.

            Sabay kaming napa-buntong hininga ni Cupid kaya napatingin ako sa kanya.

            “Miss na miss mo na siguro si Psyche ‘no?”

            Lumungkot bigla ang mukha ni Cupid, “oo. Sobra. Hay, kung hindi nga lang ninakaw ng isa diyan ang pana ko, edi sana matagal na akong nakauwi ngayon at masaya kaming magkasama ni Psyche.”

            Sumimangot naman ako. Bwiset na ‘to. Kino-comfort na nga tapos biglang ganun!

            “Hindi pa rin kayo magkakasama kasi gagawa at gagawa si Ayesha ng paraan manakaw lang ang pana mo!” irita kong sabi sa kanya.

            Bigla naman niya akong nginitian, “ang init ng ulo mo. Joke lang ‘di ba? Tsaka isa pa may tiwala ako sa’yo na maayos mo ito.”

            “Teka lang Cupid, naisip ko lang, kahit magawa kong i-matchmake si Luke at Elise. Si West at ang nakatadhana sa kanya pati si Zyron at ang nakatadhana rin sa kanya, paano kung mas magalit si Ayesha at hindi niya ibalik ang pana mo? Paano na?”

            “Wag kang mag-alala, may alam na akong paraan para maibalik sa akin ang pana ko.”

            “Ano ‘yun? Isinumbong mo siya kay Aphrodite? Kay Zeus? Kay Athena? Kay Hades? Anoooo?”

            “Hindi. Hindi ko pwedeng gawin ‘yun. Pero may hiningan ako ng tulong at kasalukuyan nang ginagawa ang bagay na kakailanganin ko. Sa ngayon, kailangan mo munang gawin ang trabaho mo okay? Mag focus ka doon at hayaan mo muna si West. Magiging okay rin siya. Parte ng buhay ang ma-brokenheart. Hindi naman siya suicidal na tao eh.”

            Sinimangutan ko ulit si Cupid. Nakakainis kasi talaga ang nilalang—este—god na ito eh. May pagka-selfish siya.

            Pero kung sabagay, wala naman ako talagang ibang magagawa kundi ang pabayaan na lang si West.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon