Chapter 50

366K 13K 2.2K
                                    

Chapter 50


[Jillian's POV]

"Jillian, paano ba ako makaka-move on sa'yo?"

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko habang yakap-yakap ako ni West.

Itinakip ko ang mga kamay ko sa bibig ko para hindi makagawa ng ingay. Nagpapasalamat ako na nakatalikod ako sa kanya dahil hindi niya nakikita ang mukha ko.

Ayokong makita niya na umiiyak ako. Ayoko. Mag iisip lang siya. Aasa lang siya.

Pero leche ang sakit talaga.

"Jiliian..."

Humiwalay ng pagkakayakap si West sa akin at naramdaman kong ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. Pilit niya akong pinapaharap pero tinatabing ko ang kamay niya.

"Jillian please..."

"Ano pa bang gusto mong mangyari West?"

"Humarap ka naman sa'kin."

Umiling lang ako. Ayokong magsalita dahil maririnig niya ang pagkabasag ng boses ko.

"Jillian—"

"Aalis na ako."

Dire-diretso akong naglakad pero bigla niyang hinatak ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin habang diretso siyang nakatingin sa mata ko.

Para akong matutunaw kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

He gently touched my cheek at pinunasan niya ang luhang tumulo rito.

Mali.

Sa aming dalawa, alam kong mas nasasaktan siya. Mas may karapatan siyang umiyak.

Pero bakit ganun? Sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya, nagagawa pa rin niyang punasan ang luha sa mata ko.

Hinawakan ko ang kamay ni West na kasalukuyang nakahawak sa pisngi ko at ibinaba ko ito.

"West, tama na..." halos pabulong kong sabi.

Ang bigat sa dibdib.

"Sorry... sorry ah? Sorry k-kung hirap na hirap akong maka move on sa'yo. Ginawa ko na lahat eh. Pero wala. Mas gusto ko na ngang piliin magpaka-tanga sa'yo eh. Gusto kong i-try ulit na ligawan ka. Baka sakaling magkaroon ng chance. Baka mag-iba ang ihip ng hangin at magustuhan mo rin ako."

"Pero West---!"

"Gusto mo si Kuya Zyron?"

Hindi ako naka-imik.

Wala akong nararamdaman para kay Zyron pero kapag sinabi ko ito kay West, alam kong ipagpipilitan niya na ligawan ako.

At oo, sinungaling ako kung sasabihin kong hindi iyon ang gusto kong mangyari. God knows kung gaano ako kabaliw na makasama siya. Gustong gusto ko sa pucha, mahal ko talaga ang isang 'to.

Walanghiya.

Sabi ni Cupid mababaw lang daw na connection ang nagagawa naming mga mortal. Pero tignan mo 'tong nararamdaman ko para kay West, sobrang lalim at habang tumatagal, palalim nang palalim.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon