Chapter 24 (2/1/15)

527K 18K 4.7K
                                    

Chapter 24

 

[Jillian’s POV]

 

“Pasaway,” bulong ni Cupid sa akin.

            I glared at him, “ilang beses mo nang sinabi ‘yan. Hindi ka pa ba nagsasawa?!”

            He just shrugged his shoulders at ibinalik na niya ang atensyon niya sa trabaho niya.

            Kanina pa na-ayos ang desktop ko kaya naman dito na ulit ako nagta-trabaho sa desk ko. At magmula nang makabalik ako, naka-tingin na ng masama sa akin si Cupid at paulit-ulit na ibinubulong sa akin na ang pasaway ko, ang tigas ng ulo ko at ang tanga ko.

            Ewan. Siguro nabasa niya ang nasa-isip ni West at nalaman niyang pumayag akong makipag-date dito sa Sabado.

            Hindi ko na lang din pinansin si Cupid. Alam ko naman na concern lang siya sa akin at inaalala lang niya ang mararamdaman ko kapag ang i-m-match ko na ay si West at ang nakatadhana rito

            Pero kasi…

            I sigh.

            Cupid’s right. Pasaway ako at ang tigas ng ulo ko at ang tanga ko. Seriously, what the hell am I thinking?! Bakit ba ako pumayag na sumama kay West sa Sabado? Ako na mismo ang naglalapit ng sarili ko sa kanya. Kung sakali man mahulog sa akin nang husto si West, alam kong darating ang point na kailangan ko siyang saktan. Maaring magalit siya sa akin nang pang habang buhay. O baka hindi na niya ako pansinin ko kahit gawing kaibigan man lang niya.

            Pero ayos lang. Kasi alam kong once na makilala ko na ang naka-match kay West gagawa na ako nang paraan para pag-duktungin ang kapalaran nila. At magiging masaya na ulit siya nun.  

            Matagal pa ako. Kailangan pa naming mabawi ni Cupid ang pana niya kay Ayesha. Kailangan ko pa i-match si Luke at Elise, si West, si Zyron pati si Cupid at Psyche.

            At natatakot ako na baka hindi ko magawa ang task ko pagka tuluyan nang naging pasaway ang puso ko.

            Napa-buntong hininga ako at tinignan ko si Cupid na seryoso nang nagata-trabaho. Pina-gulong ko ang swivel chair ko papalapit sa desk niya.

            “Sorry,” bulong ko sa kanya.

            Napa-buntong hininga rin siya and his expression soften.

            “Promise, I’ll give you the right guy,” mahinahong sabi ni Cupid.

            I smiled at him as genuinely as I could.

            “I know,” sabi ko while trying my best to keep my voice steady.

            Bumalik ako sa desk ko at nagpaalam ako na pupunta lang sa restroom saglit.

            Buti na lang at hindi na nagagawang basahin ni Cupid ang nasa isipan ko. Kundi malalaman niya na hindi na ako na-e-excite malaman o makilala ang taong ima-match niya sa akin.

            Sa ngayon kasi, isa lang ang gusto ko.

            Dali-dali akong naglakad papuntang comfort room kaya lang bago pa ako makapasok, nakita ko naman si Edgar na palabas sa male’s comfort room.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon