Chapter 54

389K 14.6K 8.4K
                                    

Chapter 54


[Jillian's POV]


"West, stop.."

Medyo humiwalay ako sa kanya. He's still holding me close. Ramdam ko pa rin ang hininga niya sa mukha ko.

"Stop? Really?" he whispered and then, he claimed my lips again.

Nakasandal na ako sa poste na nasa tabi namin. Hindi ko alam kung paano ako napasandal dito. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

Ang tanging nasa isip ko na lang ay, gosh, West is kissing me and I am kissing him back.

"Jillian.." bulong ni West. Malapit na malapit na ang labi niya sa tenga ko. Ramdam ko ang pag hinga niya sa leeg ko.

Gosh ano ba! Akala ko alak lang ang nakakalasing pero bakit pakiramdam ko na-ha-high ako kay West ngayon? Ano ba!

"W-West, we shouldn't be doing this."

"Really?"

"O-oo!"

"Bakit ayaw mong alisin ang dalawang kamay mo sa batok ko?"

Oh damn it!

Hindi ko napansin na I'm still pulling him closer to me. Shit naman.

"Should I stop, Jillian?" he breathed then he planted a kiss on my lips.

Damn! Damn!!! West naman eh!

He grinned, "ba't hindi ka nagsasalita?"

Hayop! Paano ako magsasalita kung bago pa ako makasagot sa kanya hinahalikan na niya agad ako?!

At anong meron sa mga kamay ko? Mukhang na-glue na ata sa batok ni West. Hindi ko magawang tanggalin!

Ano ba! I should push him away. Dapat itigil 'to. Mali 'to! Mali! Mali!

Oh what the hell. He's kissing me again. And I'm kissing him back again!

Ano ba! Nakakainis naman eh? Ba't ba ang weak ko. Ano ba!

"W-west.."

Humiwalay siya at tinignan niya ako ng diretso sa mata.

"W-West... I-I want to..."

I want to stop. Please. Let's stop this. Mahihirapan lang tayo lalo.

"What do you want Jillian?" he asked softly.

Napapikit ako.

"I want to go home."

Mas lumayo sa akin si West then he smiled at me.

Yung genuine smile niya na kayang-kayang tunawin ang puso ko.

Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Then I'll bring you home."

Napalunok ako.

Hindi kaya iba ang iniisip ng isang 'to?!

"Let's go Jillian."

Tell him uuwi ka mag isa. Tell him na maiiwan siya dito at ikaw, aalis ka na. Na hindi ka niya pwedeng ihatid kasi---holy crap! Mag-isa lang ako sa bahay. At baka halikan ulit niya ako. At baka kung saan pa ito mauwi.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon