Chapter 58

381K 13.9K 4K
                                    


Chapter 58


[Jillian's POV]

Malaki ang room na nakuha namin sa hotel-resort na 'to. Malawak. Maraming breathing space. Kasya na nga ang apat na tao.

May dalawang queen size bed. I occupied the one near the window.

Medyo malaki ang gap sa pagitan ng mga kama namin ni West.

Nandoon siya sa kama niya at iniaayos ang mga gamit niya.

Napaiwas agad ako ng tingin.

Ang laki ng room pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ang sikip at hindi ako makahinga? Bakit ang init? Nakapatay ba ang aircon?

Nilingon ko si West. Naka jacket siya.

Ako lang ba ang naiinitan?

Parang mali ata ang desisyon ko na pumayag akong mag-isang room na lang kami ah.

"Jillian gagamit ka ng bathroom?"

"E-eh?"

Napalingon ulit ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil busy siya sa pagliligpit ng gamit niya.

"Papasok ka sa bathroom?" paguulit niya sa tanong niya sabay tingin sa akin.

Napaiwas agad ako ng tingin.

"H-hindi.. hindi. Mamaya maya na ako. Uhmm, una ka na."

"Okay."

Narinig ko ang mga yapaka niya at pagsara ng bathroom door. Nang makapasok na siya sa loob, napahinga ako ng malalim.

Whew. Anong nangyayari sa akin? Bakit ang hirap huminga?!

Tinanong niya lang ako kung gagamit na ako ng bathroom, kung saan saang direksyon na pumunta ang utak ko.

Kasi naman nasa iisang kwarto kami! Tapos isa lang ang bathroom! Tapos---!

Ayoko na!

Gumapang ako sa kama ko at pinulupot ko ang comforter sa katawan ko.

Ano ba naman! Bakit ba ako ninenerbyos? Wala naman kaming gagawin. Tiwala naman ako kay West! Pero kasi naman eh.

Napa-ayos bigla ako ng upo.

Wait. Erm, may dala kayang damit si West sa loob ng banyo? Paano kung lumabas siya diyan na nakabalabal lang ang towel sa hips niya? Tapos magbibihis siya sa harapan ko?

Holy shit.

Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nag init ang mukha ko. At naiinis ako sa utak ko becaue I am actually anticipating it.

Ba't ba ako na-e-excite?!

Itinaklob ko ulit yung comforter sa ulo ko. Mas safe rito. Wala akong makikita. Hindi magkakasala ang mata ko at hindi magpapasaway ang puso ko. Oo. Mas safe rito.

Narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom at automatic na inalis ko ang pagkakataklob ng comforter sa akin.

At nakita ko si West na bihis na bihis.

Feeling ko namula ang buong mukha ko. Yes. Nararamdaman ko ang paginit ng mukha ko.

Jillian naman kasiiiii!!!

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon