P-8 (I shall return)

8.8K 104 1
                                    

Nasa loob na kami ng eroplano.

Nasa gilid ako ng bintana kaya nakikita ko ang nasa labas. Hindi ko napigilan ang mapapikit. Iiwanan ko na sila, iiwanan ko na ang pamilya ko at bansang sinilangan ko. Hay, makapag-emo naman ako, wagas!

Iiiwan ko ang mga taong naging mahalaga sa buhay ko. Iiwan ko ang kapatid ko. Doon sa puntong iyon medyo sumikip ang dibdi ko at lumabo ang paningin ko. Parang nahihirapan akong huminga.

Doon sa pupuntahan ko magbabagong buhay ako. Para sa pamilya ko rin ito... Para kanila rin ito. Gagawin ko ito dahil mahal ko si Daddy at mas importante sa akin ang kapatid ko.

At para ito sa isang MISYON. Ang letcheng misyon na hindi ko maintindihan kung para saan. Pinaliwanag naman sa akin ng kalbong iyon pero ni wala akong naalala at naintindihan, basta't umoo lang ako. Basta't para sa pamilya ko gagawin ko ang lahat. Kahit buhay ko pa ang kapalit.Ibang usapan na pag sila ang nainvolve.

"Everything will be alright" sabi ng tinig sa katabing upuan ko.

Lumingon ako at nakita ko si Mr Diaz, nakapikit ang mata at parang kampante sa pagkakaupo nito. Mabuti pa ang taong ito parang walang problema. Pero sino ba ang walang problema?

Binigyan niya ako ng ibang passport para makalabas ng bansa.Hindi ko alam kung kaninong passport ito pero hawig ko naman ang babae. Naglagay lang ako ng wig at salamin sa mata para mukhang ako siya.

Napapikit na lang ako ng tuluyan. Ah.. wag ko na lang munang isipin yun. Ang mas mabuting isipin ko ay ang mangyayari sa akin sa bansang pupuntahan ko. Ang taong makikilala ko at magiging bahagi ng buhay ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako doon. At pinapangako ko na sa pag-uwi ko bitbit ko ang tagumpay. Tagumpay na pabagsakin sila Eliza at Eduard, ang mga taong nagbigay ng pasakit sa akin.

Ang mahalaga nakalayo na ako..

Malayo..

Malayo sa taong gusto akong sirain at saktan....

Napadilat ako pansumandali..

Pero babalik ako.

Babalikan ko rin sila..

Silang nanakit sa amin.

Di ko hahayaang wasakin nila kami.

Tatapusin ko lang ito...

.............. at pangako babalik ako.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon