Kabanata 50

72 3 1
                                    

Kabanata 50: Say, cheese!

"Kamusta na raw ang lagay ni Khilan?" Pagbaba ko ng sala ay iyan kaagad ang bungad sa'kin ni Karina. As usual, may hawak na naman siyang pagkain.

"Ang sabi sa'kin kagabi ni Zhi ay ayos na raw si Khilan. Lasing pala kasi ang batang 'yon kaya walang kaalam-alam sa pinag-gagawa. Masasagasaan na pala."

"Masasagasaan? May sumagip ba sa kaniya?" Tanong niya.

Tumalikod ako at pumunta ng kusina. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng gatas. "Hindi ko alam, walang siyang sinabi."

Naglagay ako ng kaunting gatas sa baso at ininom ito. Gumaya rin si Karina kaya napangiwi ako.

Ano bang nangyayari sa babaeng 'to?

"Papasok ka ngayon?" Tanong na naman niya.

"Hindi," Napasimangot ako. "Where are your husband? Akala ko kasama mo siya,"

Sumama naman ang mukha niya at binitawan ang hawak na baso. "Wala akong asawa, nakakainis siya. Tignan mo!" May itinuro siya kaya napalingon ako roon.

Nakita ko si Kuya Willert na nakangiti habang kung saan-saan tumitingin. Baliw. Napalingon siya sa'min at kumaway.

"Good morning!" Aniya, lumapit sa pwesto namin kaya nagbabalak na umalis si Karina.

Bakit ba galit na galit siya kay Kuya?

"Where are you going, mahal?" Tanong ni Kuya sa asawa.

"Sino ka?" Pabiro pang sagot ni Karina pero inis pa rin ang mababakas sa kaniyang mukha. Lumabas siya ng kusina at tumungo sa sala. Naupo ito sa sofa at ayon nga, kumakain na naman siya.

"Ate! Where did you put my bags?" Si Shine na biglang sumulpot rito sa kusina. Ang aga-aga, bags agad hanap. Nagbago na nga talaga siya.

"Nasa kwarto ko," Napairap siya, "...kasi kailangan magpaalam ka muna sa'kin bago ka aalis. At saan ka na naman pupunta?" Tanong ko nang makitang nakabihis na naman siya. Kauuwi niya lang kaninang 2am tapos gagala na naman siya?

"Kay Riya, need ko pumunta sa airport to say goodbye."

"Nagpaalam ka naman na kahapon 'di ba?"

"Yes, pero hindi pa ako kuntento. I want to hug her, Ate."

Ayan na naman siya sa pa-baby niya. Napakagandang bata, hindi ko aakalain na lalaki siya ng ganito. Ang mamuhay ng mapayapa at walang gulo sa pamilya.

Sana ako rin.

"Okay." Saad ko nalang.

"Hi, Kuya, where's Ate Karina po?" Tanong niya kay Kuya Willert na kumakain rin. Hindi pinapansin ng asawa e, anong magagawa niya.

"Nasa sala 'yon ah?"

Napalingon rin ako sa sala at wala nga si Karina roon. Saan na naman 'yon?

Sabay-sabay kaming lumabas ng kusina at hinanap si Karina. Napadpad kami sa may pool only to see her, eating again. Katabi niya si Mama na nag-iihaw.

"Barbecue?" Alok ni Mama.

Ngumiti ako, "Good morning, Ma! Mamaya na po, kapag nariyan na si Daddy."

Sakto naman no'n ang pagbusina ng kotse sa labas ng bahay. Maya-maya pa ay tanaw na namin si Daddy na papalapit rito sa pool area.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now