Kabanata 11

57 3 0
                                    

Kabanata 11: Pag-ibig.

"Ate!" Agad na tumakbo papunta sa'kin si Shine nang makita akong nasa sala at nagpupunas ng lamesa. Galing s'yang eskwelahan kanina at ngayon nga ay uwian na.

Pagkatapos kong makipag-usap kay Charles Kevin sa cellphone ay bumaba ako para tumulong kay Mama sa mga gawain, tutal ay wala naman kaming pasok.

"Kamusta ang school, Shine?" Tanong ko sakanya, itinigil ko muna ang ginagawa bago inakay si Shine sa sofa at sabay kaming naupo.

"Ayos lang po, Ate. May new friend na naman po ako, Yessa ang name niya. Sabay po kaming naglunch kanina." Nakangiti siya habang ikini-kwento iyon. Mabuti naman at nadadagdagan ang mga kaibigan niya. Sana ako ay magkaroon din ng kaibigan.

"Gutom ka na ba? Nasa kusina si Mama, maghahain na yun, maya-maya paparating narin daw si Ate 'e." Tinulungan ko siyang hubarin ang sapatos niya. "Magbihis ka muna, bumaba ka pagkatapos ha? Kakain na tayo."

Sunod-sunod siyang tumango bago patakbong umakyat sa kwarto. "Dahan-dahan Shine!" Pahabol kong sigaw dahil baka mahulog siya.

"Cianelle!!" Napaigtad ako nang marinig ang galit na boses ni Mama. Masama ang tingin niya sa'kin nang lumabas siya galing kusina.

Napatayo ako. "B-Bakit po?"

Sabay kaming napalingon ni Mama sa pinto nang pumasok si Ate. Mukha itong pagod at maputla rin siya. Dala-dala ang libro na naupo siya sa sofa. Lumapit ako sakanya at kinuha ang mga librong dala niya bago ito inilagay sa lamesa.

"A-Ayos ka lang ba, Ate?" Tanong ko pero inirapan niya lang ako. Tinapik niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya sa sobrang pag-aalala na baka masyado niya ng pinapagod ang sarili niya dahil sa pag-aaral.

"Cianelle!!" Mabilis akong napalingon kay Mama nang muli akong tawagin nito. Napatayo ako at bahagyang lumapit kay Mama na ngayon ay galit na galit kahit wala naman akong ginagawa.

Mabilis napabaling sa kaliwa ang mukha ko nang sampalin ako ni Mama. Hawak ang pisngi na tumingin ako sakanya.

"M-Ma... B-Bakit po?" Unti-unting nagsitulo ang mga luha ko.

Anong... nagawa ko?

Mabilis niyang inilabas ang bote ng alak na nakatago sa ilalim ng ref sa gilid. Bakit mayroon no'n doon? Parang iyon yung alak na ininom nila Ate. Mabilis na nanumbalik sa isipan ko ang ginawang pambababoy ng classmate niya sa'kin. Napalakas ang iyak ko kaya mabilis kong kinagat ang kamay ko.

"Sayo ba 'to?!" Tanong ni Mama. Dahan-dahan akong lumingon kay Ate na ngayon ay nakapikit na dahil sa sobrang pagod. Ayaw ko naman siyang ipahamak dahil pagod at nahihirapan siya ngayon. Ayokong bumagsak siya ulit sa isang subject at ayokong ipatigil siya ni Mama sa pag-aaral.

Napayuko ako at dahan-dahang tumango. Napasinghap ako ng sabuyan niya ako ng alak. Ang sama ng amoy niyon at para akong nasusuka. Umalis si Mama sa harap ko at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang baso.

"Kailan ka pa natutong mag-inom?! Lintek ka! Hala sige, inumin mo ito! Matibay ka 'di ba?!" Galit na galit niyang sabi bago itinapat sa bibig ko ang baso na naglalaman ng alak.

"M-Ma... 'wag po." Umiling ako.

"Inomin mo!" Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay at pwersahan na pinainom sa'kin ang alak. Mabilis na gumuhit ang alak sa lalamunan ko. Mapait... Sobrang pait.

Panay ang lunok ko habang nakabukas ang bibig ko dahil sa pagkakahawak ni Mama sa pisngi ko. Sobrang higpit ng hawak niya at ramdam kong bumabaon na ang kuko niya ro'n.

Napaubo ako nang bitawan niya ako. Mahigpit ang hawak ko sa leeg habang umuubo at pinipilit na sana mailabas ko pa ang nainom kong alak. Mabilis na nanlabo ang paningin ko at bahagya ring nahihilo.

"Ate! Tapos na po ako magbihis..." Kusang napatigil si Sunshine habang pababa ng hagdan nang makita ang hitsura ko. Basa at nangangamoy alak. Alam ko rin na ang pula na ng mukha ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Halika rito Shine!" Agad na tumakbo ang bata papunta kay Mama. "Umakyat ka sa kwarto mo at 'wag na 'wag kang lalabas! Baka gusto mong ulitin ko pa iyan!"

Sa takot na baka gawin niya ulit ay patakbo akong pumunta sa banyo. Pinunasan ko ang mukha kong may mga alak at tuyong luha. Nagpalit rin ako ng damit bago pumunta sa kwarto.

Papikit-pikit akong nahiga roon habang yakap ang unan. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mata ko. Siguro ay pagod na.

Suminhok ako bago kunin ang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Sakto naman na tumunog ito, may tumatawag. Hindi ko na tinignan ang caller at basta nalang itong sinagot.

"B-Bakit?" Tumawa ako habang sumisinhok pa. Papikit na ang mata ko at gusto ko ng matulog. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak, lalo pa at ngayon lang ako nakainom no'n.

"The hell? Lasing ka ba?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"Lasing? S-Sino lashing?" Ngumuso ako at humigpit ang yakap sa unan nang suminhok ako, bahagya pang naubo.

"Where are you?"

"Nasa bahay. Bakit pupuntahan mo ba hako?" Suminhok ako, "Alam... mo bang may nagkakagusto sa'kin? C-Charles Kevin ang pangalan niya." Huminga ako ng malalim. "Nung sinabi niya sa'kin na g-gusto niya ako ay isa lang ang naramdaman ko, ang pagtibok ng malakas ng puso ko,"

Hindi kumibo ang nasa kabilang linya kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. Wala na akong pake kung sino man 'to. Ang gusto ko lang ay mailabas ang sakit na nararamdaman ko at ang magkwento tungkol sa unang taong nagkagusto sa'kin.

"Si Charles Kevin, s-sabi niya liligawan niya ako. Kahit ayaw sa'kin ng ibang tao katulad ni M-Mama at Ate ay nariyan siya at sinabing gusto niya ako." Lumunok ako. "Oo, tama ang narinig mo. A-Ayaw sa'kin ni Mama at Ate, dahil 'yon sa... secret." I chuckled as I heaved a sigh.

Tumulo ang luha ko at kumawala ang mumunting hikbi sa bibig ko. Kumikibot ang labi ko habang mahigpit ang hawak sa yakap na unan.

"M-Mahal na Mahal ko si M-Mama... Kahit s-sinasaktan niya ako mahal ko parin siya. Kasi k-kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay Nanay ko pa rin siya. S-Siya parin ang nagbigay sa'kin ng buhay." I cried. Para akong batang inagawan ng lollipop. Kinakapos ako sa paghinga dahil sa labis na pag-iyak.

"Kung hindi ako n-nabuhay ay hindi ko makikilala si C-Charles Kevin. Siya ang unang lalaki na nagparamdam sa'kin ng gano'n... bago at alam kong pag-ibig ang tawag do'n." Kahit na puno ng luha ang mukha ay nagawa kong ngumiti, naalala ang mukha ni Charles Kevin na palaging nakangiti kapag ako ang kaharap.

I heard a sigh kaya natahimik ako.

"Damn... I didn't know na gan'yan ang mga nararanasan mo. Now that I already know, I'll promise my self to take care of you at hinding-hindi kita sasaktan. At saka tama ka, pag-ibig nga ang tawag do'n."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now