Kabanata 10

56 4 0
                                    

Kabanata 10: Hihintayin Kita.

"Ma... Ako na po," Lumapit ako kay Mama na naghuhugas ng pinggan. Pagkababa ko kanina ay narito na siya sa lababo at naghuhugas.

Wala kaming pasok ngayon dahil may seminar daw ang mga teacher, sigurado akong pati narin sina Charles Kevin ay walang pasok.

Speaking of... Hindi parin ako makapaniwala na gusto niya ako. Kasi sa dami ng mga babae sa school ay ako ang nagustuhan niya. Ang daming mga sexy at maganda pero ako parin ang pinili niya.

"Anong iningingiti mo riyan? Huwag mong sabihin na may boypren kana ha, Cianelle?!" Napalunok ako nang tignan niya ako ng masama.

Lumakad si Mama papuntang lamesa at pinunasan iyon. Nakatalikod siya sa'kin nang magsalita siya. "Baka nakakalimutan mo? Kailangan mo makapagtapos ng pag-aaral? Pag mag-trenta ka pa pwede mag-asawa! Tandaan mo yan, hinding-hindi ka aalis sa poder ko hangga't wala kang napapatunayan."

Napayuko ako. Trenta... Ilang taon pa bago mangyari 'yon. Mukhang hindi ko ma-enjoy ang pagka-adult ko. Mukhang gano'n rin ngayon na teenager ako. Wala pa ako sa legal age pero pinagbabawalan niya na akong mag boyfriend.

"O-Opo, Ma..." Naitikom ko ang aking bibig bago ipagpatuloy ang hinuhugasan ni Mama kanina.

Hindi ko parin nakakausap si Ate Giselle hanggang ngayon, ilag rin ako sa kanya. Mukha ngang napapansin niya na hindi ko siya kinikibo at tinitignan man lang kahit na narito kami pareho sa bahay.

Pagkatapos ng gawain sa baba ay pumunta ako sa kwarto, kauupo ko lang sa kama ay narinig ko ang cellphone ko na nag ri-ring.

"Hello?" Pagsagot ko sa tumawag.

Nangunot ang noo ko nang walang sumagot at tanging mabibigat lang na hininga ang naririnig ko sa kabilang linya.

"Miss..." I smiled when I heard his voice.

"Bakit, Charles Kevin?" Tanong ko. Kinuha ko ang unan at yinakap ito bago humiga sa kama.

"Pwede ka bang lumabas?"

My forehead creased. "H-Hindi ako lumalabas ng bahay... B-Bakit?"

"I... want to see you," Huminga siya ng malalim before he cleared his throat. "...now."

Napabangon ako dahil sa sinabi niya. "H-Ha? Eh hindi ako pwedeng lumabas. At saka sira ka ba Charles Kevin? Ang layo mo kaya, bakit mo naman ako gustong m-makita?" Sunod-sunod kong tanong.

"Sungit Miss, gusto lang kita makita. Bakit kasi walang pasok? Kung ako naging principal sa school ay gagawin kong may pasok kahit pa sabado at linggo."

"Sira! I-Ikaw lang naman ang may gusto no'n. Ayaw ko kaya na may pasok kapag sabado at linggo. Gusto ko nalang matulog kapag gano'n." Kwento ko. Mas maganda talaga kasi na walang pasok pagka weekends kasi nakakapagpahinga ka. Nagagawa mo lahat ng gusto mong gawin.

"Ayaw mo akong makita kung gano'n?"

Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa cellphone. "Bakit naman kita gustong makita?" Saad ko sa cellphone na para bang nando'n sa harap ko si Charles Kevin.

"Huh! Sakit mo naman, paano kita liligawan kung ayaw mo akong makita?" Kahit hindi ko isipin ay alam kong nakanguso na siya ngayon at magkasalubong ang kilay.

"A-Ano... sabi kasi ni Mama kapag tre---"

"Masunurin na bata..." Matunog siyang ngumisi. "Sa'kin kaya ay susunod karin kapag napasagot na kita?"

"Ha? Bakit naman kita susundin 'e, hindi naman ikaw si Mama."

Nakarinig ako ng tapik. Kasunod niyon ay panay ang bulong niya ng, "Pasensya, pasensya. Pasensya Charles."

"May kausap ka ba riyan?" Tanong ko, muling nahiga sa kama.

"Wala. Mag-isa lang ako rito, may pinuntahan sila Mama ko,"

"Akala ko mayroon 'e, akala ko nag so-sorry ka sa kung sino man ang nariyan."

Napasinghal siya. "It's patience Miss, not sorry. Pasensya gano'n. Ikaw ba may kasama ka d'yan?"

"Saan? Dito sa kwarto ko o sa bahay? Sa kwarto wala, sa bahay mayroon, si Mama."

"Kailangan ko talagang habaan ang pasensya ko rito," bulong niya. Batid kong nakasimangot na siya ngayon. "Anyway, anong oras ka pupunta sa school bukas?"

"Hindi ko alam basta umaga," Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang napagtanto ang sinabi. Natural ay umaga, alangan naman na hapon na ako pumunta 'e, hindi naman na pwede 'yon.

"Miss... Hihintayin kita." he whispered.

The Unwanted [Under Editing]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt