Kabanata 23

49 3 1
                                    

Kabanata 23: Khilan and Zhilan.

"Bilisan ang kilos, Karina aba! Kay bago-bago ninyo, ang bagal ninyong kumilos."

Napaigtad ako nang marinig ang sigaw ng Manager dito sa loob ng kitchen. Nagpupunas ako ng mga pinggan, ganon din ang ginagawa ng tinawag n'yang Karina.

Umikot ang mata ni Karina sa asar at padabog na binitawan ang basahan nang umalis ang Manager.

Masama ang mukha na tumingin siya sa'kin. "Nakakaasar talaga 'yon. Palibhasa matandang dalaga!"

"Hoy! Baka marinig ka ng mga nandito at maisumbong ka pa." Sita ko sa kanya. Paano na lang kung may makarinig sa kanya? Baka paalisin na siya sa trabaho. Pag nangyari 'yon ay wala na akong makakasama rito.

Dalawang linggo na nang pumasok ako dito sa isang restaurant upang magtrabaho. Nasabi ko na rin kay Charles Kevin ang bagay na 'to. Nalaman niya kung saan ako nag ta-trabaho kaya alam kong mamaya ay narito na naman iyon. Halos yata araw-araw ay narito siya, hindi lang para makita ako kun'di para na rin sunduin ako.

Sinabi ko na rin sa kanya kung saan kami nakatira. Pagminsan ay naabutan niya si Mama na nasa labas pero hindi siya tumutuloy sa bahay. Takot siya kay Mama. Hindi naman siya napapansin ni Mama na kasama ako kasi aalis siya agad at kapag nakita niya na na nakapasok na ako sa bahay ay maya-maya'y tatawag na siya.

"Kayong dalawa, sa labas na nga kayo at napupuno ang kitchen. Bakit kasi wala 'yong mga in-assign ko do'n." Ang manager na nakataas na naman ang kilay sa'min. Kahit talaga na anong gawin namin ni Karina ay hindi siya natutuwa kahit na sinusunod naman namin siya.

Napapadyak si Karina at naunang lumabas ng kitchen, nakita iyon ng manager kaya tinawag siya. Patay...

"Nagdadabog ka ba?" Lumapit ang manager sa kanya. Tumiklop si Karina.

"Hindi po... Nag ma-martsa lang,"

Nakangiti kong inilapag ang order ng table 4. Nang lingunin ko si Karina ay nakasimangot pa rin ito habang nag se-serve. Maganda si Karina. Mas matangkad sa'kin at chubby. Unang pagkikita namin rito sa restaurant ay ang sungit niya, halos magkasalubong ang kilay niya buong araw. Mabuti na lamang at naging ka-close ko siya. Masungit siya, oo, pero kapag naging ka-close mo siya ay masisira ang buhay mo. Katulad ng akin.

"Cianelle! Halika dali. Nakikita mo ba ang nakikita ko? Omg! Ang gwapo! Tiyak na may 6 pack abs iyan!"

See? Nalulumot ang utak ko dahil sa bibig n'yang ganyan kung magsalita. And take note, isinigaw niya pa 'yon. Mabuti na lamang at hindi kami narinig no'ng lalaki.

Kakalabas lang namin ng restaurant at ito ngayon si Karina. Panay ang hampas sa'kin dahil kinikilig. Maga ang braso ko kapag kasama ko siya 'e. Mapanakit.

"Ang ingay mo na naman." Asik ko. Pag talaga nakakakita siya ng mga gwapo ay parang nagpupuso na ang mga mata niya.

"Siyempre may bibig ako. Alangan naman na manahimik lang ako rito? Tignan mo naman ang nakikita ko! Anghel na bumaba sa langit yata 'yan 'e."

"Palagi ka naman masalita 'e, pero pagdating sa Manager tiklop ka,"

"Tiklop..." Ngumuso siya. "Ikaw kaya sigaw-sigawan no'n, hindi ka titiklop?"

"Basta ako, tahimik lang."

"Tse! Kapag naman nariyan si Charles ay tiklop ka rin. Hmp." Magkakrus ang braso na umiwas siya ng tingin.

Nagpaalam na sa'kin si Karina na uuwi na kaya uuwi na rin ako. Nakakapagtaka lang na wala pa si Charles Kevin. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan lumingon sa likod. Malapit lang naman ang bahay namin sa restaurant na pinapasukan ko.

"Ay counted!"

Imbes na mainis sa ginawa niya ay ngumiti ako. Sabi na nga ba at hindi ako kailanman pababayaan ni Charles Kevin na umuwi mag-isa. Lumingon ako pero unti-unting nawala ang ngiti ko.

"Hi." Tumaas-baba ang dalawa n'yang kilay. Nagawa niya pang ngumiti sa'kin.

Nakaawang lang ang labi ko habang nakatingin sakanya, hindi makapaniwala. "B-Bakit?"

Mayabang s'yang tumingin sa'kin. "Hays, akala ko ba ang Kuya ko ang crush mo pero bakit natutulala ka sa kagwapuhan ko? Minor pa po ako, 'wag kang ganyan."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang yabang niya naman. Hindi na ako magtataka kung ganyan din ang ugali ng Kuya niya. Hindi naman talaga ako natulala sa kanya. Nagulat lang ako kung bakit siya narito sa harap ko, at kung bakit ginaya niya iyong ginagawa sa'kin ni Charles Kevin dati.

"Ang feeling mo!"

"Totoo naman ah? Siguro ako na crush mo 'no? Tsk." Umiling siya.

Bakit nga ba ako hindi pa umaalis sa harap ng batang 'to? Na kapatid no'ng photographer sa school nila Charles Kevin. Nakakapikon ang pagmumukha ng batang 'to. Ano na kaya ang ginawa niya sa pangalan at edad ko na inilista niya pa.

"Asa ka! Siguro ay parehas kayo ng ugali ng Kuya mo! Mayabang." Sumimangot ako.

Bumungisngis lang siya.

"Paano mo nasabi?"

Gulat akong napalingon sa likuran ko. "A-Anong g-ginagawa mo dito?"

"Ulitin ko. Paano mo nasabi na mayabang ako?"

Humakbang siya kaya napaatras ako. Isinilid niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at tumitig sa'kin. Ngayon ko lang napagmasdan ang kanyang mukha dahil ngayon ko nalang ulit siya nakita matapos ang graduation nila Charles Kevin. Mas tumangkad siya, pumuti, pero gano'n parin ang katawan. Makapal ang kanyang kilay at maitim ang mga mata. Singkit at alam kong kapag ngumiti siya ay mawawala ang mata niya.

"Okay. Si Kuya talaga ang crush mo," Nang lingunin ko ang bata ay nakasimangot na siya.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. "S-Sandali, b-bakit ba kayo narito?"

Napatingin ako sa Gate ng bahay na kaharap namin. Bumukas ito lumabas ang may edad ng lalaki. Nakatingin na ito sa dalawa kong katabi.

"Sir Khilan," lumingon siya sa Kuya ng bata. "Sir Zhilan, kanina pa po kayo tinatawag ni Sir Francis."

Napapadyak ang bata na sinasabing Khilan ng matanda. At ang kanyang Kuya ay Zhilan pala ang pangalan. Ang mas ikinagulat ko ay ang bahay na kinatatayuan namin ngayon ay ang bahay na hinintuan namin ni Charles Kevin no'ng mga araw na ayaw ko pa sakanya ipaalam ang aming bahay.

Dito sila mismo nakatira, malapit sa may bahay namin!

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now