Kabanata 48

60 3 0
                                    

Kabanata 48: 25th.

"Late na si Kuya ko, parang tanga kasi ang bagal kumilos."

Napanguso ako dahil sa sinabi ng binata. Katulad ko ay nakanguso rin siya. Kanina pa kami naghihintay rito pero ang tagal talaga ng Kuya niya.

"Hoy, Khilan! May lahi ba kayong pagong? Ang bagal niyo kumilos," Asik ni Karina. Lumapit siya sa'kin at sumandal sa inuupuan kong swivel chair.

"Dinamay mo na naman ako Ate Karina, si Kuya lang naman ang mabagal." Sinamaan ni Khilan ng tingin si Karina.

"Sino may sabing mabagal ako?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa lalaking kakapasok lang sa loob ng opisina ko. He was wearing a pair of black slacks and a simple black tie over a white polo with sleeves. Pawisan ang noo na halata mong tumakbo.

"Mabagal ka naman talaga, Zhilan. May lahi talaga kayong pagong. Bilisan niyo na nga at may meeting pa." Umalis sa pagkakasandal sa'kin si Karina at naglakad sa harap ng table ko. "At saka, don't be late bukas. It's Cianelle's 25th birthday kaya dapat maaga pa lang naroon na kayo sa venue. Bahala kayo, ubusan ko kayo ng pagkain."

"Nguso mo, Ate Karina. Baka nga wala pa kami do'n ubos na pagkain dahil sa katakawan mo." Ani Khilan na nagpatawa sa akin.

Totoo naman, sa lumipas na taon ay naging mas matakaw si Karina. Ewan ko nga riyan at kung bakit naging matakaw, lalo na ngayong buwan.

Napailing ako bago tumayo at lumapit sa glass window. Inilapat ko rito ang aking mga palad at pinagmasdan ang mga bagay na nasa ibaba. Nakakatakot lumapit at manatili rito sa glass window pero hindi mo naman aakalain ang tanawin na makikita mo. Quiet surroundings and beautiful scenery.

Malayo sa mga taong peke. Mga taong nais lamang paglaruan ang damdamin mo.

"Ate! Is it true? Maaga raw tayong pupunta sa venue? I want to sleep pa e."

Napalingon ako sa nakababatang kapatid. Nakanguso na siya at pi-pikit-pikit pa ang mga mata. Antok pa nga.

"Shine, 'di ba I told you na 'wag ng pumunta sa bahay nila Riya?"

"But, I just want to bond with her before she leaves the Philippines."

"Okay, fine. You can go anytime." Pagtatapos ko sa pag-uusap namin.

Hay nakong bata, hanggang ngayon ang kulit pa rin.

-

"Kinakabahan ka ba?" Karina asked. She look beautiful in her dress. Kumikinang pa ito kapag nasisinagan ng ilaw.

Hinawakan niya ang kamay ko. "'Wag kang kabahan. Nandito lang naman ako lagi sa likod mo, hindi ako aalis. Promise." Itinaas niya pa ang palad na nangangako talaga.

Kinakabahan ako dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang party. Ang 25th birthday party ko. I heaved a sigh as I smiled at Karina. Ang bilis ng panahon.

"Ayan! Omg sis, ang ganda mo talaga. Naiiinggit ako, palahi kaya ako?"

My eyes widened because of what she said. Ang bibig niya talaga ay hindi napipigilan sa mga pinagsasasabi niya.

"Hoy!" Sigaw niya. "Hindi sayo 'no, ew. Sa Kuya Willert mo siyempre!" Ngumiti siya at napahawak sa magkabilang pisngi saka tumingala na para bang naroon si Kuya Willert at ini-imagine niya na sila.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now