Kabanata 25

56 3 0
                                    

Kabanata 25: Girlfriend

"Ito kaya ang isuot mo? O kaya ito? Pero ito, try mo kaya? Ay! Mas maganda ito!"

Hindi na magkanda-ugaga si Karina sa kapipili ng damit na isusuot ko. Kada kuha niya sa isang damit ay itatapon niya rin iyon sa kanyang kama at kukuha ng panibago para ilagay sa harapan ko na parang bang sinusukat at kung bagay ba.

Naghahanap kasi si Karina ng damit na ipapasuot sa akin, aniya'y dapat daw maganda ako sa date namin ni Charles Kevin. Today is our 5th monthsary. Ang bilis ng panahon. Dati ay sinusundan niya lang ako palagi, sinasama kung sa'n niya man gusto pumunta. Ngayon ay boyfriend ko na siya at ngayon nga ay pang limang buwan na namin bilang mag girlfriend/boyfriend.

Sa mga nagdaang buwan ay mas naging close kami ni Karina. Panay rin ang sumbong niya kay Charles Kevin ng mga ginagawa ko kapag wala siya. Puro kalokohan ang babaeng 'to pero nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko siya. Sana ay hindi na mabuwag pa.

"Cianelle! Bilisan mo na kaya? Alin ba dito isusuot mo?"

"Sino ba talaga ang magsusuot, Karina? Ikaw o ako?"

"Ako? Okay sige, ako na lang ang date ni Charles. Ito isusuot ko." Ipinakita niya sa'kin ang damit.

Napataas ang kilay ko. Seryoso ba siya? Nakakaasar siya minsan.

"O chill ka lang. Nagbibiro lang ako, halika na nga at ng maayusan na kita." Hinila niya ako at pinaupo sa kama bago kunin ang gamit niya sa pag makeup. Ang sabi ko sakanya ay hindi na kailangan ng gano'n kasi nga kakain lang naman kami sa labas ni Charles Kevin katulad ng mga ginagawa namin no'ng mga naunang monthsary namin.

Katulad rin lang ng bahay namin ang kanila Karina, pero mababait ang mga kapatid niya sa'kin lalo na ang Mama niya.

"Ang ganda mo talaga," Aniya, natulala na.

Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Ikaw din naman."

Mayabang niyang hinawi ang kanyang buhok. "Of course. Kapag talaga nagkagusto na ako sa isang lalaki ay iyon na rin ang pakakasalan ko." Kumindat siya.

Kasal? Minsan sa isip ko ay hindi sumagi iyon. Pagmamahal lang ang nais ko at wala ng hi-higit pa ro'n. Nakikita ko ba ang sarili ko na maikasal kay Charles Kevin? Ang sabi ni Mama ay trenta pa ako pwedeng mag-asawa. Mahihintay kaya ako ni Charles Kevin?

Pagdating sa restaurant na pinag-usapan namin ay wala pa ro'n si Charles Kevin. Mukhang late dahil masyado na s'yang busy sa college. Napapansin ko, unti-unti ay nawawalan siya ng oras sa akin. Kahit naman na ako ay graduating ay busy rin pero kailanman hindi ako nawawalan ng oras sa kanya.

"Hindi dapat pinaghihintay ang babae."

Napalingon ako sa nagsalita. "Zhilan... A-Anong ginagawa mo rito?"

"Sa tuwing magkikita tayo ay palagi nalang iyan ang nasasambit mo. Wala bang hi o hello d'yan?" Biro niya.

"S-Sorry." Napayuko ako, oo nga ano? Bakit palagi nalang iyon ang nasasambit ko.

He chuckled. "You're so cute. No, uhm... You are pretty."

"Salamat. Hindi naman ako palaging naghihintay 'e, nauna lang talaga ako ngayon." Paliwanag ko.

"Okay? Kapag ba sinabi kong maganda ka ay magpapasalamat ka ulit?"

Napamaang ako sa sinabi niya. "Ha?"

He chuckled. "Wala, ganda mo talaga."

"Of course. She's my girlfriend."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now