Kabanata 27

46 3 0
                                    

Kabanata 27: Pahinga.

"Hays! Ang boring sa classroom kanina. Nakakatamad pumasok lalo na kapag walang crush sa classroom."

Natawa ako sa sinabi ni Karina na nasa tabi ko. Ano naman kung walang crush? Nakakatamad ba 'yon? Kaya nga nasa school para mag-aral at hindi maghanap ng crush.

"Oh, ba't ka tumatawa? Ikaw ha, porke may Charles Kevin Santiago ka na ah. Mayabang ka na n'yan?" Humaba ang nguso niya habang nanlalaki pa ang mga mata.

"Hindi, paano naman ako magiging mayabang? At saka, bakit ba kailangan pa ng crush para mag-aral?"

Napasinghal siya bago uminom muna ng kape na tinimpla ko kanina. Narito kami sa bahay nila at wala kaming balak lumabas dahil umuulan. Sayang lang dahil hindi kami same ng pinapasukang eskwelahan. Grade-12 na rin siya pero mas matanda siya sa'kin ng ilang buwan dahil nag birthday siya no'ng nakaraang Feb. Sakto sa araw ng mga puso.

Tatlong buwan pa lamang nang magsimula ang klase pero mukhang tinatamad na siya mag-aral. Dahil wala siyang inspirasyon para mag-aral ng mabuti.

"Ano ka ba naman Cianelle? Siyempre dapat kapag nag-aaral ay may crush ka para may inspirasyon kang mag-aral ng mabuti."

"Sus, no'ng nag-aaral naman ako mula junior high school ay wala akong crush, pero ginaganahan naman ako mag-aral. Tamad ka lang talaga,"

"Hoy! Hindi ako tamad 'no!" Asik niya at inirapan ako.

"Kunwari pa, Ate. Mama si Ate oh! Sinasabi ba naman sa kaibigan niya na hindi siya tamad, 'e hindi nga mautusan sa labas na para lang naman bibili ng mantika!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ng nakababatang kapatid ni Karina na hindi man lang napansin na pumasok na pala ng kwarto

Pinandilatan ni Karina ang kapatid. Natawa ako nang matawa ang kapatid niya. Minsan talaga ay ipinapahamak siya ng kapatid sa akin.

Aha... 'di ka pala mautusan paran bibili lang ng mantika ah.

"Nandito na po ako," Pumasok ako ng bahay para lang maabutan ang hindi ko inaasahang bisita.

"Samahan mo kami." Aya sa'kin ni Mama. Nasa hapag-kainan sila. Si Sunshine ay nakatingin lang sa'kin at nagtatanong ang mga mata.

"B-Busog pa po ako," Ang totoo ay gutom na ako pero kailangan kong tiisin para lamang hindi makita ang mukha ng lalaking kinamumuhian ko.

"'Wag kang bastos sa harap ng boyfriend ng Ate mo, Cianelle." Lumapit sa'kin si Mama at padarag akong hinila upang umupo. Una kong nasilayan ang mukha ng lalaki. Nangangatal ang bibig ko at halos hindi ko na maibuka ang bibig ko. Gusto ko na lang pumikit upang hindi siya makita... Ang lalaking nagtangkang manggahasa sa akin.

Sa plato lang ako nakatingin habang nag-uusap sila. Wala akong gana kumain pero dahil ayaw akong paalisin dito ni Mama hangga't hindi ko nauubos ang pagkain ay wala akong nagawa kun'di lunukin ito.

"Ate, kamusta po school niyo?"

Napatingin ako kay Shine na nasa gilid ko habang ako ay naghuhugas na ng mga pinggan. Pagkatapos kumain kanina ay iniwanan nila ako sa lamesa kaya alam ko na ang ibig sabihin niyon.

"Hindi dapat ako ang tinatanong mo n'yan. Dapat, ako ang nagtatanong sa'yo. So? Kamusta ang school my Sunshine?"

Ngumiti siya bago yumuko. Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"'Wag mong sabihin na may crush ka na?" Tanong ko sakanya, nakangiti at inaasar siya.

Mabilis siyang napalingon sa'kin at nalalaki pa ang mga mata. "M-Mayroon po."

Napangiti ako. Hindi niya talaga ugali ang maglihim. Sa mura niyang edad ay natutunan niya na na masama ang nagsisinungaling at nagse-sekreto kahit na puwede naman sabihin.

Kumuha ako ng bula sa palanggana at ipinahid sa ilong niya. Namilog naman ang labi at mata niya.

"Ate!" Gumanti siya kaya natatawa kong pinunasan ang ilong ko na ngayon ay may bula na.

---

Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa school. Naabutan kong nasa labas ng classroom si Janine, mukhang may hinihintay. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy sa pagpasok sa classroom.

Umupo ako sa silya at inilabas ang notebook at ballpen na gagamitin mamaya pag pumasok na ang teacher namin. Mabilis akong napalingon kay Janine na salubong na ang kilay at panay ang tipa sa cellphone niya. Bakit ba pinagtutuuanan ko siya ng pansin? Hindi ko rin alam.

Napabuntong-hininga ako nang pumasok ang teacher namin. Nag pa-quiz siya agad, mabilis kong nasagutan iyon dahil nakapag review ako no'ng isang araw.

Lunch break na nang marinig ko ang pag tunog ng cellphone ko. Si Charles Kevin ay tumatawag.

"Love..." Ramdam ko sa tinig niya na mukha siyang pagod. Mukhang madami na talaga siyang ginagawa. Paano kaya kung kaming dalawa na ang college? Edi mawawalan na kami ng time sa isa't isa dahil sa sobrang busy.

"Hmm? Kumain kana ba?" Tanong ko. Bahagya kong nilambingan ang boses ko. Sa totoo lang ay Miss ko na siya, sobra.

"Yup, ikaw ba?" Matamlay talaga siya.

"Patapos na. Are you okay? Pahinga ka muna ha, 'wag mong masyadong pinapagod ang sarili mo."

"Ayan, napangiti mo na ako. Yes, love, para sa'yo ay magpapahinga muna ako tas game na ulit mamaya." Saad niya.

Napangiti rin ako bago kunwaring hinalikan ang cellphone na hawak ko. "I love you."

"Gagi, kinikilig ako." Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.

Mabuti na lamang at narito ako sa garden ng school, nakakahiya na may makakita sa akin na parang tanga na hinahalikan ang cellphone.

"I love you more, love. Ingat ka d'yan ha, sunduin kita mamaya." Aniya.

"'Wag na, magpahinga ka nalang. Kaya ko naman umuwi mag-isa 'e."

"Tulad ng sinasabi ko palagi... Ihahatid kita, masigurong ligtas ka lang."

"Hihintayin kita, Charles Kevin."

Pagkasabi no'n ay pinatay ko na ang tawag at bumalik na ulit sa classroom. Nagsimula ang pang-hapon na klase at mabilis na natapos ito. Nasa labas na ako ng Gate at hinihintay na lang si Charles Kevin na dumating. Malayo pa man ay tanaw ko na ang kotse niya. Pumarada ito sa gilid at bumusina pa.

Paglabas pa lang ng kotse ni Charles Kevin ay patakbo akong lumapit dito at yinakap siya. Gumanti siya ng yakap at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Ito ang pahinga..." He whispered.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now