Kabanata 39

41 3 0
                                    

Kabanata 39: Engot

"Paabot ng kahon sa may lamesa, Cianelle,"

Kaagad kong sinunod ang utos ni Ate Serra. Katulad ng birthday ni Shine, dito rin naisipan ni Mama na mag-celebrate ng New Year. Sa bahay ng Lola ni Shine.

Abala ang lahat sa paghahanda para mamaya sa pagsalubong ng bagong taon. Katulad rin ng mga taong imbitado noon sa birthday ni Shine ay dito rin sila mag-celebrate ng bagong taon including Hanzen.

"Ate!" Napalingon ako kay Shine na kabababa lang ng hagdan. As usual, nakasuot siya ng yellow dress.

"Bakit?" Tanong ko.

"Hinahanap ka po ni Kuya Hanzen," Sabi niya pero lumapit pa siya para bumulong sa akin. "'Wag ka po masyado lalapit ha? Isusumbong kita kay Kuya Charles."

Natawa ako sa inasta niya. Pinanlakihan niya pa ako ng mata bago lumabas ng bahay, siguro ay makikipaglaro. Ano na naman ba ang nasa isip ng batang 'yon? Napabuntong-hininga ako at ibinigay nalang kay Ate Serra ang kahon na pinapakuha niya.

Pagkarating ko sa garden sa labas ng bahay ay nakita ko roon si Hanzen na nakatayo malapit sa may mga halaman. Nang mapansin niya ako ay ngumiti siya bago ako sinalubong.

"Bakit?" Tanong ko.

"Magpapatulong lang sana ako, may ginagawa ka pa ba?"

"Wala naman na,"

Napakamot siya sa sariling batok. "Si Mama kasi inutos-utusan pa ako. Puwede mo ba akong samahan sa palengke? May mga kulang daw kasing ingredients,"

Napatango ako. "Sige, mabilis lang naman tayo 'di ba? Baka kasi hanapin ako ni Ate Serra para tumulong,"

Sunod-sunod siyang tumango. "Tangina kasi ako pa nautusan, hindi ko nga alam ang palengke rito." Rinig ko pang bulong niya kaya natawa ako. Oo nga pala at hindi na sila taga rito.

Nakarating kami kaagad sa palengke dahil sa tulong ng kotse niya. Napailing nalang ako, ang lapit lang ng palengke tapos gumamit pa siya ng kotse.

"Dapat pala 'di ko na dinala 'to. Paano nalang kung masabuyan 'to ng pinaglanguyan ng isda?" Nakangusong reklamo niya.

"Pinaglanguyan?" Ulit ko sa sinabi niya.

"Oo, 'di ba nilalagay muna nila sa tray 'yong mga isda tapos nilalagyan ng tubig kahit na hindi naman na buhay yung mga isda?" Parang hindi pa siya sigurado sa sinabi sa akin.

"Bakit kasi dinala mo pa ang kotse mo? Ang lapit lang e,"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Ikaw kasi, bakit 'di mo sinabi?"

"Hindi ka naman nagtanong e," sagot ko at nauna ng naglakad papasok. Sobrang dami ng tao na namimili para sa ihahanda mamaya sa bagong taon. Noong Christmas ay sumama ako kay Mama sa palengke, mas madami ang ngayon na namimili.

"Aray," Usal ko nang may mabangga. Napaangat ako ng tingin para lang magulat sa nasa harapan ko. Isang maskuladong lalaki na mahaba ang buhok at puro hikaw ang iba't ibang parte ng mukha, nakakatakot ang mukha niya.

"Bata, hindi ka dapat gumigitna." Madiing saad nito at bigla nalang akong hinawakan sa braso. Napaigik ako nang higpitan niya ang hawak sa braso ko. Maraming napapatingin pero wala naman silang ginagawa, kahit man lang humingi ng tulong.

"N-Nasasaktan po ako. Bitawan mo'ko!" Napasigaw na ako nang ang dalawang braso ko na ang hinawakan niya.

Napaatras ako at pilit na binabawi ang mga braso ko.

Nasaan na ba si Hanzen?

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang may bumato ng apple sa mukha ng lalaking may hawak sa'kin. Nabitawan niya ako at hinawakan niya ang sariling mukha. Nagsalubong ang kilay niya, mas lalo yatang nagalit.

Napaatras ako nang may bumato na naman ng apple. Napalingon ako sa pinanggalingan nito, para lang makita ang taong bumabato.

"Khilan!" Tumakbo ako palapit sakanya. May hawak siyang plastic na ang laman ay puro iba't ibang prutas.

"'Ayun si Kuya oh!" Sigaw niya kaya napalingon ulit ako sa pinanggalingan ko. Napasapo ako sa bibig nang makitang sinuntok ni Zhilan ang lalaking 'yon. Sa likod naman ay naroon si Hanzen na sinipa rin sa likod ang lalaki kaya napaluhod ito.

Dumating ang mga tanod at hinuli ang lalaki. Kaagad namang lumapit sa'min si Hanzen. Sinipat niya ang braso ko kaya napaigtad ako nang hawakan niya ito.

"Tsk."

Napalingon ako kay Zhilan na nakatingin rin pala sa braso kong namumula kaya itinago ko nalang ito. Hindi ko alam kung bakit para siyang galit.

"Mag-iingat ka 'te sa mga tambay dito. Buti nalang may mansanas akong dala, kung wala.. naku! Siguro hindi nahuli yung lalaking 'yon, kaya thanks to me!" Proud na sabi ni Khilan.

"Sinayang mo lang ang prutas, engot," sabi naman ni Hanzen. Agad siyang binatukan ni Zhilan.

"Next time, 'wag mo 'yang hahayaang mag-isa sa palengke." Saad ni Zhilan kay Hanzen bago tumingin sa'kin.

"Aba't! Sino ba kayo?" Naiinis na tanong ni Hanzen sa dalawa.

Tumingin naman sa'kin ang magkapatid. "A-Ano.. kaibigan ko sila," sagot ko.

"Aray, kaibigan," bulong ni Khilan kaya agad siyang binatukan ni Zhilan at inis na ibinigay sakanya ang dala nito. "Aray, mabigat," Reklamo niya.

Tumingin muna si Zhilan kay Hanzen bago nauna nang naglakad.

"Sige na, 'te, mauna na kami." Bumaling si Khilan kay Hanzen. "Ingatan mo Ate ko ha, engot ka rin e, pinapabayaan mo." Khilan glared at Hanzen then smiled at me. Sumunod siya sa Kuya niya at kumaway pa sa'kin. Nang mawala na sila sa paningin ko ay saka ako bumaling kay Hanzen.

"Engot daw ako?" Nagtatakang tanong niya sa sarili. Natatawa kong kinuha ang dala niya pero inilayo niya lang ito.

"Ikaw pala ang engot, Cianelle. Kita mo ng masakit braso mo, magbibitbit ka pa ng mabigat." Asik niya at nauna ng maglakad pero agad namang huminto nang makitang hindi ako sumunod.

"Bilisan mo, hinahanap na tayo ni Mama,"

Napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod sakanya. Kaya pala hindi siya nakasunod sa'kin kanina kasi mag-isa na siyang bumili. Oo nga, ako ang engot kasi pagala-gala lang ako sa loob ng palengke, ayan tuloy tignan mo natamo ko sa braso.

"Mabuti nalang mas engot si Hanzen." Bulong ko. E pano ba naman, napatid pa siya, sasakay nalang sa kotse niya.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now