Kabanata 12

57 3 1
                                    

Kabanata 12: I'm here.

Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko na parang binibiyak ito. Nakatulog ako kagabi dahil sa labis na pag-iyak at dala rin siguro ng kalasingan.

I sighed before looking at Shine who's peacefully sleeping. Gusto ko mang hintayin uli siya para sabay na kaming pumunta sa school ay hindi ko magawa. Gusto ko na munang 'wag sila makita.

Nakahanda na ako at pababa na ng hagdan nang makita ko si Mama na nasa kusina habang nagliligpit ng pinagkainan. Nauna na yata si Ate na pumasok. Para akong tuod na nando'n lang sa hagdan. My eyes widened as she looked at me.

"Ang aga mo yata?" Tanong niya na parang walang nangyari kahapon na hindi maganda. Buti pa siya ay mabilis niyang nakakalimutan ang nangyari. Sana ay ako rin.

Hindi ako makatingin ng diretso sakanya. "M-May gagawin po kasi sa school," pagsisinungaling ko. Wala na akong ibang naisip na paraan para makaalis kaagad at 'wag na mapahaba ang usapan namin.

"S-Sige po... Mauna na po ako." Ani ko bago nagsimulang maglakad. Napatigil lang ako nang tawagin niya ako. Natatakot akong lumingon na baka paglingon ko sakanya ay sabuyan na naman niya ako ng alak at pwersahin na painumin nito. Na baka batuhin niya na naman ako ng notebook.

"Cianelle!" Para akong natauhan nang marinig ang boses ni Mama. Napalingon ako sakanya at papalapit na siya sa'kin. Napaatras ako.

"Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo? Bakit ka umiiyak?!" Tanong niya. Doon ko lang napagtanto na nakahawak pala ako sa buhok ko na ngayon nga ay magulo na. Basa rin ang pisngi ko dahil sa luha.

Napaawang ang labi ko. Ganito rin ang nangyari sa'kin sa eskwelahan dahil sa labis na pag-iisip sa lalaking iyon.

"M-Ma..." Usal ko. Nakita kong natigilan siya at lumalam ang mga mata.

Hindi siya nagsalita pero inilahad niya sa'kin ang isang baunan. Mainit pa ito nang hawakan ko.

"B-Baunin mo iyan." Iyon lang ang sinabi niya at bigla nalang tumalikod sa'kin.

Nakatingin ako sa likod niya habang papasok na siya sa kusina. Napabuntong-hininga ako bago inilagay ang baon sa bag. Inayos ko rin ang buhok ko na bahagyang nagulo. Mabuti ngayon ay may baon na ako. Pwede na akong makisabay sa mga classmate kong kumain.

Totoo nga na hindi man maganda ang nangyari sa'yo kahapon ay hindi ibig-sabihin na kinabukasan ay gano'n parin. Dahil kapag lumilipas ang araw ay paganda ng pagandaang mga araw na darating.

Nakangiti akong pumasok ng Gate, binati ko pa ng magandang araw si Kuyang guard na nagulat dahil sa maagang pagdating ko. Sa bagay nung isang araw na pumunta ako ng maaga dito ay iba naman ang guard.

"Ay, counted!" Napasimangot ako, kahit hindi ko na lingunin ay kilala ko na kung sino ang may gawa no'n.

"Sungit, Miss." Agap niya nang makitang salubong ang kilay ko. Paanong hindi ako magsusungit 'e, kay aga-aga ginaganyan niya ako.

"Oh," napatigil ako sa paglalakad nang bigyan niya ako ng isang bungkos na rosas. "Huwag ka ng sumimangot, nakakasira ng araw 'yon." Aniya bago ngumiti.

"Bulaklak?" Tinanggap ko ang mga bulaklak. "L-Liligawan mo talaga ako?" Takang tanong ko.

"Katulad ng sinabi ko nung isang araw ay oo, liligawan kita."

"Pero... sabi ni Mam---"

"Bawal ka pa mag boyfriend? Sus! No problem. Ako yata si Superman, matatag at kaya kang hintayin." Aniya.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now