Kabanata 1

167 8 0
                                    

Kabanata 1: Cianelle

"Cianelle! Kanina ka pa nariyan sa kwarto mo! Ang bagal mo kumilos!" Nabitawan ko ang aking ballpen nang marinig ang sigaw ni Mama sa sala. Alam kong pagagalitan na naman niya ako, kasalanan ko naman talaga na hindi ako maagang nakatulog kagabi.

Hindi ko kasi natapos ang takdang aralin kaya ngayon ay namo-mroblema ako baka hindi ako papasukin ng subject teacher namin mamaya. Ang istrikto pa naman n'on.

"Pababa na po!" Mahina ngunit pasigaw kong sabi bago nagmamadaling bumaba ng hagdan na kahoy. Maliit lang ang bahay namin pero dalawang palapag ito.

Agad akong napailag nang bigla nalang may lumipad na notebook sa pwesto ko. Kahit hindi ko tignan ay si Mama iyon. Palagi niya 'yon ginagawa kapag nagagalit na siya dahil ang bagal ko kumilos. Kaya paminsan-minsa'y may pasa ako sa braso, iyon ay dahil sa may spring na notebook na palagi niyang ibinabato.

"S-Sorry po... Ginagawa ko pa po kasi ang assignment ko." usal ko, hindi makatingin ng diretso sakanya.

"Assignment? Hindi ba dapat ay ginawa mo na iyan kagabi!"

Napayuko ako.

"W-Wala po—" Wala po kasi akong oras dahil naghahanap ako kahapon ng mapapasukang trabaho, gusto kong magka-pera para hindi na kayo mahirapan kapag may gastusin sa eskwelahan...

Gusto ko sanang sabihin iyan pero baka sa pangalawang pagkakataon ay libro naman ang ibato niya sa'kin.

"Lintek!" galit niyang saad. "Lumabas ka na ng bahay at ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo!" sigaw niya pa bago tumalikod.

Wala akong nagawa kun'di kunin ang bag ko sa lamesa at isinukbit iyon. Napabuntong-hininga akong lumabas ng bahay habang bitbit parin ang notebook na sinusulatan ko ng assignment. Humigpit ang hawak ko sa ballpen.

Habang naglalakad papuntang eskwelahan ay hindi ko maiwasan maluha sa mga isipin na ayaw akong makita ni Mama. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang kamukha ko ang tatay ko? Ang lalaking nagbigay ng sakit at paghihirap kay Mama. Hindi ko lubos maisip na sa akin niya ibinubunton ang galit na para sana sa aking ama.

Gusto ko siyang sumbatan sa pang-iiwan niya kay Mama pero anong magagawa ko kung nagtatago siya at ayaw na magpakita pa?

Umiling-iling ako habang hinahayaang maglandas ang mga luha sa aking pisngi. Ganito na lang ba palagi?

"Late kana, Neng." Napatingin ako sa guard na nagbabantay nang saraduhan ako nito ng Gate. Kinabahan ako bigla dahil baka hindi na niya ako papasukin.

"K-Kuya... Hindi pa naman po akong masyadong late, h-halos sakto lang po ako," nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa labis na kaba. Kasalanan ko naman kasi kung bakit ako late.

"K-Kuya, sige na po papasukin niyo na po ako. P-Promise po, hindi na ako mali-late bukas." Napabuntong-hininga siya at naiiling na binuksan ang Gate. Halos takbuhin ko papuntang classroom para lang maabutan ang unang subject sa araw na ito.

Ngunit nanlumo ako nang makitang nasa loob na ng classroom ang teacher and worst, nakasara na ang pinto at alam kong kahit anong pilit kong pumasok ay hindi niya ako papapasukin sa loob ng silid.

Nakatayo lang ako sa labas ng pinto habang nakasara ito at mahigpit ang hawak sa notebook na sinusulatan ko kanina ng sagot sa assignment.

Hindi kasi ako nakatulog ng maaga kagabi kahit na alas syete na ako umuwi ng bahay dahil naghahanap ako ng mapapasukang trabaho. Mahirap, syempre at hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral. Nasa senior high school pa lamang ako at ang tinatanggap lang ng mga natanungan ko kagabi ay mga college students.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now