Kabanata 7

51 4 0
                                    

Kabanata 7: Bagay kayo.

"Ako nalang ang crush mo, para hindi kana abnormal, Hahaha." Tumawa siya bago naupo sa bench. Nasa garden parin kami at alam ko sa sarili kong ayaw ko pang umuwi. Lalo pa't kasama ko si Charles Kevin. Ewan ko pero habang kasama ko siya ay pakiramdam ko ligtas ako, na kapag naririnig ko ang tawa niya ay palagi siyang nariyan. Ang ngiti niyang nagpaparamdam sa'kin na masaya ang mabuhay.

"Kapag ba talaga walang crush ay abnormal?" Tanong ko bago naupo sa tabi niya.

"Oo, kaya kung ako sa'yo, sayo na'ko." Kumindat siya pero sa huli ay yumuko rin dahil sa sobrang pag-ngiti. Baliw talaga siya.

Pulang-pula ang mukha niya nang lumingon sa'kin. Huminga siya ng malalim bago inayos ang uniporme at tumitig sa'kin.

"Baliw ka," Saad ko sa sinabi niya. Anong sakin na siya? Eh mayroon na nagma-may-ari sa kanya ah? Dalawa pa ngang babae 'yon.

"Bakit ka absent kahapon? May nangyari ba?" Tanong niya sa seryosong tono. This time ay alam ko ng hindi na siya mabibiro kaya naitikom ko ang bibig ko.

Bakit ba niya tinatanong? Ano ko ba siya? At saka bakit ba gusto ko rin sabihin sa kanya ang nangyari?

"W-Wala naman... Galit ka pa ba?"

Napasinghal siya pero kalaunan ay napanguso rin. "Hindi... nagtatampo ako, suyuin mo nga ako, Miss."

"Ha?" 'yan lang ang nasabi ko. Suyuin siya? Bakit naman kaya siya nagtatampo? May nagawa ba ako?

"Hatdog." Huminga siya ng malalim bago tumitig sa'kin. "Bakit hindi ka kasi nagreply? May load ka naman." Maktol niya. Napangiti ako ng ngumuso na naman siya.

Napakamot ako sa batok ko. "Ano kasi... Nakalimutan ko,"

Nanlaki ang mga mata ko ng irapan niya ako pero napatawa rin sa huli. Mukha siyang bakla sa ginagawa niya.

Natigil ako sa pag-ngiti nang hindi na siya sa mukha ko nakatingin.

"Anong nangyari d'yan?" Napatitig ako kay Charles Kevin nang magsalita ito. Napaawang ang labi ko nang makita ko kung saan siya nakatingin.

Sa lap ko...

Hinila ko ang laylayan ng palda para matabunan ang tinitignan niya. Mariin at madilim ang mukha niyang tumingin sa'kin.

"Anong nangyari d'yan?" Seryosong-seryoso ang mukha niya at bahagya ring umiigting ang panga. Namumula ang labi niya dahil sa maya't maya niyang pagbasa nito.

"Tell me, Cianelle." I stiffened when I heard him saying my name. Nakatitig lang siya sa'kin at walang nagbago sa reaksyon niya.

"W-Wala 'to, n-nadapa lang ako kahapon k-kaya hindi ako nakapasok..." Pahina ng pahina ang boses ko. Natatakot na baka magalit siya at hindi na naman ulit ako pansinin. Ayoko ng gano'n.

"Siguraduhin mo lang, Miss."

Bakit parang ang seryoso niya naman yata?

"Oo, s-sigurado ako Charles Kevin." Saad ko nalang. Tumungo ako para itago ang mukha ko, hindi ako marunong magsinungaling kaya natatakot akong baka mapansin niya.

Napabuntong-hininga siya bago tumingin sa'kin kaya napatingin rin ako sakanya. Tumaas-baba ang kilay niya bago ilahad ang kamay sa harap ko.

"Bakit?" Nakakunot ang noo kong saad.

"Tara sa labas, kakain tayo." Aniya.

"Wala akong pera,"

"Ako rin." Ngumiwi siya. "Magagawan natin ng paraan 'yan." Siya na mismo ang humawak sa kamay ko kaya wala akong nagawa kun'di magpatiyanod.

Nakarating kami sa lomihan, malapit parin sa school. Maraming estudyante, uwian na kasi. Halos lahat ng nandito ay magka-kaibigan.

"Hello po, gusto ko po ito i-try." Turo ni Charles Kevin sa chart na nakadikit doon malapit sa menu ng lomihan. Parang gusto ko iyon tikman. Lomi na may maraming sahog at challenge talaga 'yon. Pag nakatatlo kang mangkok ay pwede ka pa nitong bigyan ng 100 pesos dahil nagawa mo ang challenge na 'yon.

"Oh, ikaw ulit. Hindi ba kasama mo iyong dalawang babae nung---"

"Hindi po ako yun!" Napatingin ako kay Charles Kevin nang biglang tumaas ang boses niya, parang nagde-depensa.

Bumaling siya sa kaliwa saka bumulong. "Pucha, ipapahamak pa yata ako nito." Bulong niya bago muling ngumiti sa tindera.

"A-Ako rin po, gusto ko rin po i-try." Nakangiting saad ko sa tindera. Nagtataka namang lumingon sa'kin si Charles Kevin at ang matanda.

"Sigurado ka, hija? Maraming sahog iyon tapos..." Hindi niya natapos ang sasabihin nang nakangiti lang ako sakanya.

Walang nagawa ang matanda kun'di, tumango. "Sige, basta kapag hindi naubos ay babayaran niyo ang kinain ninyo."

Napalunok ako nang makita ang presyo niyon. Sana lang ay maubos ni Charles Kevin, saakin ay walang problema dahil gutom naman ako 'e.

"At pag naubos namin ay makakalibre na kami rito hanggang isang linggo, 'diba po?" Tanong ni Charles Kevin.

Tumango-tango ang tindera. "Tama,"

"Halika, Miss." Ani Charles Kevin at hinila ako para makaupo kami sa upuan. Maya-maya pa'y nariyan na ang lomi na kakainin namin.

"Pucha... Kaya mo pa?" Nakaawang ang labi ni Charles Kevin na tumingin sa'kin.

Nakakadalawa pa lang akong mangko at ngayon nga ay inilapag na sa harap ko ang isa pang magkok ng lomi. Samantalang siya ay nakakalahati palang ang pangalawa niyang kinakain na lomi.

Pinunasan ko ang bibig ko. "Oo..."

Ngumiwi ako bago humigop ng sabaw. "Bilisan mo, matatapos na ang oras oh." Saad ko bago nagsimula ulit na kumain. Mahirap na baka pagbayarin pa kami dito.

Nakaawang lang ang labi niyang nakatingin sa'kin. Manghang-mangha sa nakikita.

"Oh, heto na ang isang daan. Nakakatuwa naman at naubos mo talaga, hija." Iniabot niya kay Charles Kevin ang 100 pesos.

Nakangisi namang tumango siya sa'kin, nagmamayabang.

"Burpp.." Napahawak ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga matang napatingin kay Charles Kevin. Lumiit ang labi niya, pinipigilan ang ngumiti. Hindi naman niya iyon maitatago dahil ngayon palang ay nakikita ko na ang dimple niya.

"Bagay kayo." Ani nang matanda kaya sabay kaming napalingon sakanya. Nakangiti na siya ngayon habang nakatingin sa'min. Nakangiti siyang napabuntong-hininga bago ulitin ang sinabi niya kanina.

"Bagay kayo..."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now