Kabanata 40

51 3 0
                                    

Kabanata 40: New Year, New Pain.

"Gusto ko pumunta d'yan! Ayain mo na ako, sige na para pumayag si Mama."

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Karina. Nang sabihin ko sakanya na maraming handang pagkain dito sa bahay ni Lola ay agad siyang nagpumilit na pumunta rito.

"Ano ka ba. D'yan ka na lang, New Year kaya, dapat magkakasama ang buong pamilya," I said.

"E may lechon d'yan sa inyo. D'yan nalang kaya ako matulog? Promise, 'di ko uubusin yung lechon niyo,"

Napangiti ako, kahit man na hindi ko siya nakikita ay alam kong nagpapaawa na ang mga mata niya. Naisipan ko kasi siyang tawagan bago ang countdown. Isang oras nalang ay mag-iingay na ang paligid.

"Hindi mo uubusin? Sisimutin mo lang gano'n?" Natatawang tanong ko.

"Hoy!" Sigaw niya. "Grabe ka sa'kin, hindi nga ako makaubos ng isang piraso man lang na siopao tapos gan'yan ka sa'kin?" Nagkunwari pa siyang suminghot na parang umiiyak.

"Wow, hindi makaubos ng siopao? Baka hindi makaubos ng isang tray? Kapag kumakain ka ng siopao akala mo naman palaging inaagawan ka, kaya lumulobo pisngi mo e."

"Cianelle! Kailan ka pa natutong husgahan ako?" Muli ay umakto siyang umiiyak.

"Ngayon lang,"

"Kanina mo pa ako nilalait ah!" Asik niya.

"Karina! Sino na naman ang kaaway mo d'yan? Bumaba ka rito at tumulong ka." Rinig ko sa kabilang linya.

"Ikaw ah, hindi ka pala tumutulong panay kain kalang."

"Tumutulong kaya ako!" Sigaw na naman niya.

"Karina! Bumaba ka sabi dito e!" Muli kong narinig sa kabilang linya.

"Mama naman kasi e! Bababa na po! Pasensya na, kausap ko kasi boyfriend ko!" Narinig kong sigaw ni Karina.

"Sige na, Cianelle. Mamaya tatawag ulit ako sa'yo, siguraduhin mong sasagutin mo ha!"

"Oo na, 'wag ka ng pasaway sa bahay niyo. Bagong taon na oh, magbago kana raw." Sabi ko sakanya.

"Pwede magbago ugali ko pero kagandahan ko hindi. Narito na 'to since birth." Hula ko na umiirap na siya ngayon kaya muli ay natawa ako.

"Oo na! Maganda ka naman talaga—"

"Sino 'yan? Si Kenzo?" Rinig kong tanong sa kabilang linya.

"Mama! Aish!" Huli kong narinig bago naputol ang tawag.

Kilala ng Mama ni Karina si Kenzo? Nagtatrabaho pa kaya si Kenzo sa restaurant?

"Boyfriend kaya ni Karina si Kenzo?"

"Sino si Keso?"

"Ay kabayo!" Napatalon ako sa gulat nang bigla nalang may bumulong sa kanang tainga ko. Humarap ako sakanya at hinampas ang braso niya.

"Hanzen naman! Bakit ka ba nandito?!" Sigaw ko. Tumawa naman siya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Pinapapunta na sa rooftop ang lahat, Cianelle. Ikaw ang bakit narito pa?" Tanong niya.

"Wala, kinausap ko lang ang kaibigan ko." Sagot ko at nauna na sakanyang lumabas ng kwarto.

Hindi na masyadong masakit ang braso ko kaya alam kong malakas ang pagkahampas ko kay Hanzen.

Pagdating namin sa rooftop ay nakahanda na ang lahat. Hindi ko natuloy ihakbang ang mga paa ko palapit sakanila. Did I belong here? I don't.

"Bakit?" Tanong ni Hanzen nang makitang tumigil ako sa paglalakad. Lumipat siya sa harap ko. "May problema ba? Masakit pa ba braso mo?"

Umiling ako. "I don't belong here," Usal ko at inilibot ang tingin sa mga taong masayang nag-uusap. Masaya sila, pero kung wala ako dito, mas magiging masaya sila. Wala sana silang naging problema sa pamilya nila.

"Cianelle." Seryosong tawag ni Hanzen. "'Wag mong sabihing hindi ka belong." Hinawakan niya ang balikat ko kaya napatitig ako sakanya.

"Hindi naman talaga dapat ako nandito e," Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong lumuha.

"Nandito ka dapat! Pamilya tayo, kaya dapat nandito ka. Naiintindihan mo ba? Parte ka ng pamilya kaya dapat nandito ka!" Napasigaw na siya dahil sa frustration. "Bakit ba pilit mong itinatanggi sa sarili mo na hindi ka parte ng pamilyang 'to?!"

"Dahil hindi naman talaga!" Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. "Hindi ako belong sa pamilyang 'to! Sagabal ako, pabigat at walang kwentang anak!" Napasapo ako sa aking bibig para pigilan ang paghikbi.

"Cianelle! Mali lahat ng mga sinasabi mo! Maniwala ka, parte ka ng pamilyang 'to, hindi ka sagabal at higit sa lahat, importante ka sa buhay ko, namin, kaya please, stop crying." Mahinahong saad niya at imbes na ibigay sa akin ang panyong hawak niya ay siya mismo ang nagpahid ng luha ko.

Iyak ako ng iyak at punas naman siya ng punas. Inagaw ko sakanya ang panyo at umiling sakanya bago dahan-dahang bumaba ng hagdan para lumabas ng bahay.

Limang minuto nalang at bagong taon na. Maingay na ang paligid dahil sa nae-excite na silang pagmasdan ang fireworks.

Napabuntong-hininga ako bago sinipat ang cellphone kong kanina pa umiilaw. Tumatawag si Charles Kevin pero hindi ko magawang sagutin, feeling ko anytime malalaman niya na umiyak ako.

Matapos kong iwanan si Hanzen sa rooftop ay hindi ko siya nakitang sinundan ako rito sa may garden ng bahay ni Lola. Mas lalo akong naiiyak dahil hindi man lang ako napansin ni Shine na wala ako sa itaas.

Napabuntong-hininga ako at sinagot ang tawag ni Charles Kevin.

"Love! Are you okay? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

Napasapo ako sa aking bibig nang maramdaman ko na naman ang nagbabadyang luha sa aking mata. Parang may bumibikig sa aking lalamunan at hindi ako makapag salita. Gusto ko na lang na umiyak sa harap ni Charles Kevin at yakapin siya at sabay naming pagmamasdan ang makukulay na ilaw sa langit. Iyon nga lang ay kasama niya ang parents niya ngayong bagong taon.

"O-Oo naman, Charles Kevin. Kamusta ka d'yan? Miss mo na ako 'no?" Biro ko pero iyong luha ko ay hindi na matigil sa pagbuhos.

"Of course, love. Pag-uwi ko d'yan iki-kiss kita ng marami, I miss you, love." Naging mahina ang boses niya. Mas lalo akong napahikbi habang sapo parin ang bibig, takot na baka marinig niya ang pag-iyak ko.

"Kahit gaano ko ka gustong makasama ka ngayong bagong taon, tadhana na ang naglayo sa atin. Maybe the next, next year, we'll celebrate the Christmas and New Year together. I promise you that."

"Mahal na mahal kita, Charles Kevin..." Usal ko nang biglang namatay ang tawag. Iyon rin ang time na narinig ko ang mga tao sa rooftop.

"3... 2... 1... HAPPY NEW YEAR!!"

Puno man ng luha ang aking mukha ay nagawa ko paring tumingala para mapagmasdan ang mga makukulay na fireworks. Malungkot man na mag-isa ako ngayon, nabawasan naman ang bigat na nararamdaman ko dahil nakausap ko si Charles Kevin.

It's okay if I celebrated New Year, alone. Mas pipiliin kong mapag-isa kaysa makasama ang pamilyang tinuturing akong iba.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now