Kabanata 43

48 3 0
                                    

Kabanata 43: Pain.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n ang trato nila sa'kin. Kadugo nila ako pero kung umasta sila ay para akong ibang tao.

"Saan ka pupunta?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni Mama at nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan. Kinuha ko ang sling bag kong nasa lamesa at isinukbit iyon pero agad ring nahablot ni Mama.

"Ang sabi ko, saan ka pupunta?" Tanong niyang muli.

Simula kagabi ay hindi ko sila pinapansin. Mabuti nalang at wala rito si Shine, kahapon pa. Siguro ay na kila Lola. Mas mabuti na 'yon kaysa masaksihan niya iyong mga nangyari kahapon.

"Malamang sa boyfriend niya,"

Napalingon ako kay Ate nang sumabat ito. Hanggang ngayon ay narito pa rin si Gab at walang ibang ginawa kun'di ang manood. Ano pa nga ba ang aasahan ko? E siya nga mismo, hinarass ako.

"Huwag kang lalabas ng bahay." Madiing sabi ni Mama at itinapon ang sling bag ko sa sofa. Napaawang ang labi ko dahil doon. Naroon ang cellphone ko at kailangan kong pumunta kay Karina ngayon.

Napag-usapan namin na mag-uusap kami ngayon para sa darating na graduation ko bukas. Siya na raw bahala sa ayos ko, pero mukhang hindi magiging masaya ang graduation ko. Oo at kasama ko si Charles Kevin pero pakiramdam ko may mali.

"Ma, hindi po ako makikipagkita. Kailangan ko lang makausap si—" Naputol ang sasabihin ko nang sapawan ito ni Ate.

"Ang boyfriend mo?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Si Karina, Ate! Si Karina ang kakausapin ko!" Inis kong sagot. Nakakaasar na ang pangingialam niya sa usapan namin ni Mama.

I used to be weak but now, hindi ako papayag na basta basta nalang nila akong ganyanin. Tapos na ang pag-control nila sa akin. Tapos na ang paghihirap ko sakanila. Gusto ko ng makaalis sa mga hinanakit nila sa akin. Kung tutuusin, dapat nga ay sila iyong kumakampi sa'kin pero it's looks like sila pa yung humihila sa'kin pababa.

Napatango-tango si Ate. "Ayan. Siguro sa kaibigan mong 'yan ka natutong sumagot at sumigaw sa'min ni Mama!"

Naikuyom ko ang aking kamao. "Hindi pagsagot ang natutunan ko sakanya. Alam mo kung ano?" Lumapit ako sakanya pero pinigilan ako ni Mama gamit ang mga braso niya.

"Ang maging matapang." Seryoso kong saad. Nagulat naman siya dahil do'n. "Ang hindi magpa-api sa taong walang ibang ginawa kun'di ang kamuhian ka. Isa pa, may nakapagsabi rin sa'kin na kahit pa nanalo ka sa isang laban. Hindi pa rin sila matutuwa dahil pinapairal nila ang galit sa puso."

"Katulad mo na pinapairal ang galit sa puso. Bakit ba ipinagtutulakan mo sa'kin na ako ang may kasalanan kung bakit nagkanda leche-leche iyang buhay mo? Niyo?" Umatras ako at hinawi ang kamay ni Mama na hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Alam mo ba Ate kung ano ang sinabi ni Hanzen sa'kin? Tanga ka." Inaasahan ko na ang palad niya kaya mabilis kong nasagi ito. Gulat na gulat ang mga mata niya habang si Gab at Mama ay walang nagawa.

"Ikaw ang tanga! Tignan mo, hanggang ngayon wala kang alam tungkol sa tatay mo—"

This time, ako ang sumapak sa kaniya pero naramdaman ko rin ang palad ni Mama sa pisngi ko. Pareho kaming napaatras ni Ate.

"Cianelle! Napakawalang galang mo talaga!" Sigaw ni Mama at tinulak pa ako kaya napaatras ako. Lumapit siya kay Ate at hinawakan ang braso nito upang pakalmahin.

Napatango-tango ako habang unti-unting lumalabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha. "Right. Sino ba naman ang kakampi sa'kin sa pamilyang 'to,"

"Aping-api na ako pero wala man lang kumakampi sa'kin. Iyong bunso na nga lang ang lumalapit sa akin.. pinagbabawalan niyo pa minsan." Napakagat ako sa ibabang-labi para mapigilan ang tuluyang pagbuhos ng luha ko. "Hindi ako nakaramdam ng pagmamahal sa'yo, Ma..." Lumingon ako kay Mama. Nanatili ang seryoso niyang mukha, wala talagang pake kahit pa lumuha man ako ng dugo rito.

"Ikaw, Ate, kinamumuhian mo'ko kahit na hindi dapat kasi kapatid kita.. magkapatid tayo,"

"Hindi kita kapatid!" Sigaw niya pero hindi ko pinansin at tumingin nalang kay Gab.

Tumulo ang luha ko. Sunod-sunod na tumulo. Hindi ko mapigilan na mapahikbi nang muling naalala ang ginawa niya. Gusto kong magsalita pero ayaw bumuka ng bibig ko. Napasapo ako rito.

Lumuluha ako habang nakaturo kay Gab na madilim ang mukha at sa titig niya pa lang ay pinagbabantaan niya ako. Walang lumalabas na boses sa bibig ko at tanging hikbi ko lang ang naririnig ko.

I shook my head. Hindi ako mapakali habang nakikita ang mukha niya kaya mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Tinawag pa ako ni Mama pero hindi na ako lumingon pa.

Ayoko. Ayoko ng mga nangyayari... Napahagulhol ako nang makalabas ako, lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa eskwelahan. Gusto kong magsumbong. Gustong-gusto kong sabihin lahat ng mga bagay na kinikimkim ko, at isang tao lang ang naisip ko. Ang taong palaging nariyan, lumuha man ako o tumawa, siya ay palaging masaya basta nasa mabuting sitwasyon ako.

Pinagtanungan ko ang mga estudyante sa building nila pero lahat sila ay tinititigan lang ako at ang iba naman ay pinagtatawanan ako. Anong masama kung umiiyak ako habang pumunta dito? Anong masama kung ilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko?! Ano?!

Halos hindi na ako makahinga dahil sa luha at sa bilis na pagtakbo para hanapin si Charles Kevin. Sigurado akong narito siya ngayon, at alam kong sasamahan niya rin ako sa graduation ko bukas. Gagawin niya 'yon. Sasamahan niya ako.

Akala ko tapos na. Okay na, kasi malapit na ako kay Charles Kevin, na.. sa wakas ay mayayakap ko na siya dahil pagod na ako e. Pagod na pagod na ako.

Pero hindi ko inaasahang marinig ang mga salitang hindi ko man lang inisip nung una palang.

"Nanalo raw sa pustahan si Charles?" Ayaw kong makinig sakanila pero pilit akong hinihila ng mga paa ko na sundan iyong mga boses na 'yon.

"Ang alam ko ay isang taon rin iyon. Siya lang yung may pinakamatagal na dare, at tignan mo nga naman, umabot ng year."

"Bakit ba ako naniwala na mahal 'yon ni Charles? Alam ko naman na nagpupustahan lang sila."

"Ano iyong pangalan nga no'ng babae?"

"I heard her name but I'm not sure. Parang Shane?"

"Shane? No. It's Cianelle."

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now