Kabanata 19

43 3 0
                                    

Kabanata 19: Graduation.

"Shine!"

"Ate, suotin niyo na po ito."

"Ayoko, bunso. Magsusuot na lang ako ng—"

"No, Ate. Ito dapat ang isuot mo."

Pinagmasdan ko ang hawak n'yang dress, kulay puti iyon at may mga bulaklak na puti rin ang nakakabit na design, simple lang at pagdating sa may bewang ay buhaghag na ito hanggang sa tuhod.

Maganda naman iyon ang kaso lang ayaw kong suotin kasi hindi ako sanay at pakiramdam ko ay ang igsi niyon sa'kin. Kung saan niya nakuha ang damit na iyan ay hindi ko alam.

Pinipilit niya akong isuot iyon pero panay ang iling ko at tabig sa damit kasi hindi naman kasal ang dadaluhan ko kun'di graduation. Graduation nila Charles Kevin.

Tumayo ako sa kama at lumapit sa aparador ng kwarto namin. Lumipas na ang ilang buwan pero hindi ko parin ito nabubuksan. Hindi ko parin alam ang laman at wala akong balak buksan.

Noong pasko at bagong taon ay isinelebrar namin ito dito lamang sa bahay. Malungkot man dahil hindi kompleto pero naging masaya ako kasi kahit papaano ay naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Mama. Hindi ko lang alam ang kay Ate.

Bukas ay graduation na nila Charles Kevin pero heto ako at nakatanga parin, wala pa akong susuotin. Niyaya niya ako na manood ng graduation nila. Kinakabahan ako dahil alam kong naro'n din ang parents niya.

"Ate Shan!" Humabol ulit sa'kin si Shine tumingin ako sa kanya at isinenyas na 'wag maingay. Baka marinig kami ni Mama sa baba.

"Ate..." She pouted. Malungkot siyang napatingin sa hawak na dress at inilapag iyon sa kama. Mukhang sumusuko na siya na ipasuot sa'kin 'yon.

Tumalikod siya kaya napabuntong-hininga ako.

Nagtatampo siya...

"Shine." Tawag ko, hindi siya lumingon.

"Shine," tawag ko ulit pero hindi parin siya kumibo. Sa sitwasyong 'to ay alam kong hindi ko siya matitiis. Mukhang mapapasubok ako nito.

"Sige na nga, iyan na lang ang isusuot ko—" Hindi pa man natapos ang sasabihin ko ay tumili na siya habang nakangiting lumingon sa'kin.

Lumapit siya sa'kin. "Promise?" Itinaas niya ang kanang palad. Itinaas ko rin ang akin.

"Promise."

——

Ngayon ako nagsisi. Sabi na nga ba at masyadong maigsi ang dress na ito. Panay ang tingin sa'kin ng mga tao habang naglalakad ako papasok sa campus. Madami ng tao at alam kong ano mang oras ay magsisimula na ang grand celebration, ang graduation.

Panay ang hila ko sa laylayan ng dress, hindi ako mapakali habang suot ito. Gusto ko na lang matapos na ang event at makapagbihis na.

Pagdating ko roon ay marami na talagang tao. Nakaupo at ang iba ay nag-uusap. Ang stage ay puno ng dekorasyon. Madaming bulaklak, malalaking kurtina at mga nakapalibot na mesa sa baba ng stage. Doon siguro uupo ang mga teacher's. Ang iba pang magandang upuan ay nasa gilid lang at alam kong para sa visitors iyon. Wala akong kilala rito bukod kay Shara, ang best friend ni Charles Kevin. Lumapit siya sa'kin kaya naupo ako.

"Hi, ang ganda mo." Aniya, nahihiya naman akong ngumiti sakanya.

"S-Salamat. Ang ganda mo rin, n-ngayon lang kita nakitang naka makeup."

Sumama ang mukha niya. "Pinilit ako ng isang 'yon." Itinuro niya ang babaeng magiliw na nakikipag-usap sa mga classmate niya. Lahat sila ay nakasuot na ng toga, sobrang gandang pagmasdan. Sa susunod na taon ay ako naman, ako naman ang magiging proud sa sarili ko dahil finally, makakapagtapos na ako.

"Bagay naman sayo 'e, tsaka... Ang ganda mo kapag may kolorete sa mukha." I smiled.

Bahagya siyang yumuko at bumulong. Nakangiti siyang tumingin sa'kin bago ako tanguan. "Salamat."

Hinanap ng mga mata ko si Charles Kevin nang nagsimula na ang pag paso. Ang alam ko ay STEM siya kaya alam kong nasa unahan siya. Hindi nga ako nagkamali at nakikita ko na siya ngayon.

Nasa pinakadulo siya ng section nila dahil nga S ang first letter ng apilyedo niya. Santiago...

Nakangiti ako habang pinagmamasdan siyang mag-paso habang kasama ang Mommy niya na kamukha niya, mula mata hanggang labi. Parehas ang kanilang ngiti. Lumingon sa pwesto ko si Charles Kevin at ngumiti, mas lalo pa yata s'yang gumwapo ngayon. Lalo pa't nakasuot siya ng white long sleeve na may necktie pa and black slacks na itinuck-in niya rito. Dagdag pa sa angas niya ang belt na nakakabit sa slacks niya. Handsome as ever.

Nahawa tuloy ako sa ngiti niya na halos hindi na mapawi, sobrang saya siguro niya dahil ito na yung pinakahihintay niyang moment sa buhay niya. Ang maka-graduate sa senior high school.

Napawi ang ngiti ko nang mapatingin sa taong kumukuha ng litrato sa pumapaso'ng mga estudyante. Lumingon siya sa'kin nang maramdaman ang presensya ko kaya nag-iwas ako ng tingin. Bakit narito ang lalaking iyan? Bakit siya ang kumukuha ng litrato ng mga graduates? Kung nandito siya ay malamang nandito rin iyong batang kasama niya—

"Hi." Nanlaki ang mata ko nang makita ang batang kakaisip ko pa lang. Iyong batang makulit na pasaway. Sumama na naman siya sa Kuya niya!

The Unwanted [Under Editing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant