Kabanata 13

50 4 0
                                    

Kabanata 13: Lucky

Sa nagdaang buwan ay parang boomerang lang ang nangyayari. Paulit-ulit. Panay ang pagpapadala sa'kin ng bulaklak ni Charles Kevin sa classroom kahit na sinabi ko naman na hindi pwede, dahil tulad nga ng sinabi ni Mama ay bawal pa akong mag boyfriend.

Isang buwan na lamang at patapos na ang school year. Naging busy na rin si Charles Kevin dahil graduating, pero kahit gano'n napupuntahan niya parin ako sa classroom at sabay kaming kumakain ng street food. Kahit namang hindi ko sabihin ay alam kong iyon ang paraan niya ng panliligaw.

Dati, hindi pumasok sa isip ko na sagutin siya, pero ngayon mukhang oo na. Mukhang may balak na akong sagutin siya.

"Pasok ka, 'wag kang mahiya, mga classmate ko lang ang narito." Ani Charles Kevin. Inakay niya ako papasok sa classroom nila, napatingin sila sa'min bago naghiyawan. Ang iba pa ay may makahulugang tingin.

"Nice, kaya pala ako pinapagawa mo ng research ha." Saad ng pamilyar na lalaki, sa pagkakaalam ako ay isa siya sa kasama ni Charles Kevin nung hindi niya ako pinapansin. Lumapit ito sa'min at nakipagfist bump kay Charles.

"Ulol, parang hindi ako ang gumawa no'n ah?" Ngumiwi si Charles Kevin. Tumango ako sa kaibigan niya nang akbayan ako ni Charles Kevin at pinaghinila ako ng isang upuan. Pagkatapos ay nagpaalam siya na kakausapin muna niya ang kaibigan niya.

Pictorial nila ngayon for graduation pero isinama niya parin ako. Hindi ko pa lubos na kilala ang mga classmate niya.

Nang ilibot ko ang aking paningin ay may mga babaeng masama ang tingin sa'kin. May iba naman na nakangiti sa'kin.

"Hi," May lumapit sa aking babae at inilahad ang kanyang kamay. Kilala ko siya at hinding-hindi ko malilimutan ang mukha niya. Dahil siya lang naman at iyong isa pa niyang kaibigan ang nakita ko na kasama ni Charles Kevin no'ng mga panahon na hindi niya ako pinapansin.

Gusto ko mang magsungit ay nginitian ko nalang siya. "Hello,"

"Ikaw ba 'yung kine-kuwento ni Charles Kevin? Girlfriend ka ba niya?" Sunod-sunod na tanong niya.

Umiling ako. "H-Hindi po." I bit my lower lip. Papunta sa pwesto namin si Charles Kevin. Kahit na madaming gwapong lalaki rito sa classroom nila ay siya parin ang pinaka gwapo para sa'kin. Sobrang gwapo niya sa suot niyang business attire. Totoo ngang bagay sakanya ang magpatayo ng isang kompanya.

"Hoy gago, ano na namang ginagawa mo sakanya? Lumayo ka nga, dun ka sa kaibigan mong lutang." Pagtataboy niya sa babaeng lumapit sa'kin. Hindi ko parin alam ang pangalan niya.

"Hoy! For your information, hindi siya lutang, nahawa lang siya sayo. Aba! Baka nakakalimutan mong kaibigan rin kita? Edi tayong tatlo ay lutang." Anito, naka pameywang na. Siguro iyong isang babaeng kasama nila ang tinutukoy niya. Iyong inakbayan rin ni Charles nang panahong hindi niya ako pinapansin.

"Kayo lang, 'wag nyo'ko idamay hoy! Mahiya ka naman sa ka-gwapuhan ko."

"Pucha! Anong gwapo riyan? Mukha ka ngang panot na C.E.O sa kompanya!"

Napaawang ang labi ni Charles Kevin kaya napatawa ako. Naitikom ko lang ang bibig ko ng lumingon siya sa'kin, hindi makapaniwala na tinatawanan ko siya.

"Pinagtatawanan mo na ako?" Nanlaki ang mga mata kong umiling.

"H-Hindi... Ano, kasi..." Napakagat ako sa ibabang labi dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Nawala ang kaba ko nang ngumiti siya at tapikin ako sa ulo. "As long as it made you laugh, then I'll be a clown just to see you laughing everyday. I'll be a panot na C.E.O sa kompanya."

I chuckled. Ngumiti ako sakanya at kinindatan siya. Natulala siya sa'kin bago unti-unting ngumiti na agad ring napakagat sa ibabang labi at nag-iwas ng tingin.

"Naku po, Charles! Hahaha." Napalingon siya sa kaibigan nang bigla itong dumating, iyong lalaking kausap niya kanina.

Lumingon si Charles Kevin sakanya. "Shut up."

"Woah, easy man. Ganyan ka pala kapag kinikilig, ano Shara?" Lumingon siya sa babaeng lumapit sa'kin kanina. Shara pala ang pangalan niya.

"Sinabi mo pa, Karl. Bakla talaga." Ani ng babae, nakangisi.

"Bakla... Sabihin mo hindi ka lang gusto ng Kuya ko. Tss, kunwari pa akala mo ba hindi ko alam ha? ha?" Pang-aasar ni Charles Kevin kay Shara. Bigla namang namula ang pisngi ng babae bago hinampas sa balikat si Charles Kevin.

"Oh shut up, Kevin Santiago."

"Yuck, ayaw kita maging sister-in-law." Ani Charles Kevin na nagpairap sa babae.

"Mama mo!"

"Mama mo na rin? Ew, kilabutan ka."

Tumawa ang kaibigan ni Charles Kevin na si Karl. Lumapit sakanya si Shara para lang hampasin siya sa braso.

"Huwag ka ngang tumawa, naaasar ako sa pagmumukha niyong dalawa." Lumingon siya sa'kin kaya naitikom ko ang bibig ko. Gusto ko mang tumawa ay hindi ko magawa dahil baka katulad nila Charles Kevin at Karl ay hampasin niya rin ako. Mukha pa namang mabigat ang kamay niya.

"B-Bakit?" Mahinang tanong ko.

Ngumiti siya. "Kapag sinaktan ka nitong kumag na 'to sabihin mo sa'kin ha? Sasampalin ko yan unlimited."

"Ouch," react ni Karl.

Tumango ako. Ngumiti ako sakanya bago ibinaling ang tingin ko kay Charles Kevin na ngayon nga ay magkasalubong ang kilay at nakanguso.

"Payag ka na sampalin niya ako unlimited? Sakit mo naman." Aniya, nagtatampo.

"Kung d-deserve mo naman bakit hindi?" Sobrang lumanay ng boses ko pero nakangiti ako sakanya. Umawang ang labi niya sa naging turan ko.

"Siguro naman ay hindi mo siya sasaktan kasi kung oo, handa na ang kamay ko para sa pisngi mo." Seryosong saad ni Shara, bakit parang... concern siya sa'kin? Dati na bang may sinaktan si Charles Kevin kaya ganito nalang ang pagtrato niya sa kaibigan? I sighed.

"Wala ka namang sigurong balak na saktan siya ano?" Tanong ulit ni Shara. Tumingin si Charles Kevin ng makahulugan kay Karl na nag-iwas naman ng tingin.

He licked his lower lip before turning his gaze at me. "Wala... Hindi, hinding-hindi ko siya sasaktan dahil alam ko na palagi nalang siyang nasasaktan. Wala akong balak na saktan ang taong nagparamdam sa akin na mahal ako at minamahal pa." He smiled sweetly.

Sa sinabi niyang 'yon ay napanatag ako na hindi nga niya ako iiwan. Na nand'yan siya palagi kung kailanganin ko man. I'm so lucky to have this man in my life. Thank you, God.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now