Kabanata 24

47 3 0
                                    

Kabanata 24: Picture.

"Cianelle! Hinahanap ka ni Kenzo," Napanguso ako dahil sa sinabi ni Karina. Si Kenzo talaga ay ayaw humiwalay sa akin at palaging nakadikit.

"Nasa'n siya?" Tanong ko nalang kay Karina. Kakapasok niya palang dito sa kitchen, nagpunas kasi siya ng mga table. Papalubog na rin ang araw kaya malapit na itong magsara.

Ang sabi ni Karina ay nasa labas daw si Kenzo kaya pinuntahan ko na.

Hanggang ngayon ay pala-isipan parin sa'kin kung bakit doon nakatira ang dalawang 'yon. Si Khilan at Zhilan. Nagkataon lang ba talaga 'yon? Nakakapagtaka na simula nang mag-aral ako ay hindi ko kailanman sila nakikitang lumalabas ng bahay na 'yon.

I sighed. Mabilis na lumipas ang araw, noong pumasok kami rito ni Karina sa restaurant na ito ay saka naman na sumunod sa amin si Kenzo.

Moreno si Kenzo Jann, mabait, oo. Sa sobrang bait ay kapag napapagod kami ni Karina ay pinapaypayan niya kaming dalawa. Palaging namumula ang pisngi niya kapag kaharap ako. Katulad nalang ngayon.

"A-Ano, ang sabi ng manager ay p-pwede na daw tayong umuwi," Pulang-pula ang mukha niya. Hindi ako manhid para hindi makaramdam.

Alam kong may gusto siya sa'kin at alam kong kailanman ay hindi ko masusuklian iyon. Dahil sapat na si Charles Kevin para sa akin. Kahit pa maging hindi kami para sa isa't isa ay hinding-hindi na akong iibig pang muli.

"Talaga? Ibig sabihin ay madami pa tayong oras para mamasyal!" Pagsabat ni Karina habang may hawak pang basahan.

"Sira! Gagastos ka na naman." Ani ko. Bakit hindi nalang siya nag-iipon? Pagminsan ay pinipilosopo niya pa ako. Aniya'y nag-iipon naman siya sa tindahan. Iyon nga lang ang mga ibinibili niya sa tindahan ay hindi na maibabalik pa.

Binili mo na tapos babawiin mo? Ang duga naman n'on.

"Oo nga, Karina. Mabuti pa ay ipunin mo nalang 'yan," Saad ni Kenzo at ngumiti sa akin kahit pa si Karina ang kausap.

Hindi ko rin ito maintindihan si Kenzo 'e, noong sinabi kong may boyfriend na ako ay hindi niya nalang iyon pinansin na parang walang naririnig at ngingitian niya nalang ako.

"Ka-galing ah! Pag ako kausap mo hindi ka nauutal pero kapag si Cianelle ay kanda-ayos ka ng tindig at pinamumulahan pa ng pisngi,"

Muli ay namula ang pisngi ni Kenzo. Naitikom ko ang bibig ko at napatingin sa kanilang dalawa. Unti-unti ay napangisi ako. Ano kaya kung ipagtulakan ko silang dalawa? Tutal ay parehas silang single. Napatango-tango ako. Good idea.

"P-Paki mo ba," Asik ni Kenzo kay Karina kaya napangiwi ito. Umiwas ng tingin si Karina at maya-maya lang nakita ko na ang tinatago niyang ngiti.

Sabi na nga ba at magandang ideya ang naisip ko.

"Ah, Cianelle. P-Pwede ba akong magpa-picture?" Muli ay namula ang pisngi niya.

Pagbibigyan ko siya sa ngayon, pero sa susunod ay hindi na. Dahil alam kong silang dalawa na ni Karina ang magkakatuluyan. Sisiguraduhin ko 'yan.

Tumango ako. I tied my hair into a ponytail at inilagay ito sa bandang gilid. Naglagay ako ng iilang hibla ng buhok ko sa harapan ng aking mukha at inayos ang damit. Gano'n din ang ginawa ni Kenzo. Napalingon ako kay Karina at nakasimangot na siya. Huli ka, balbon.

Ibinigay ni Kenzo ang cellphone niya kay Karina. Nakasimangot niya naman itong kinuha kaya napatawa ako. Lumingon siya sa'kin na nanlalaki ang mata, nahalata siguro na kanina ko pa siya pinagmamasdan. Wala ka ng takas sa'kin, Karina, alam ko na sikreto mo. Don't worry, tutulugan kita.

"Oh pwesto, ang sagwa niyo tignan." Ngumiwi si Karina, muli ay napatawa ako. "Ayusin mo nga mukha mo, Kenzo! Bakit ba pulang-pula ang mukha mo! Ilugar mo naman ang pag b-blush mo, mukha kang bakla."

Ang sakit niya magsalita ha. Kaibigan ko ba talaga 'to? Pfft.

Umayos ng tayo si Kenzo at matapang na tinitigan si Karina. "Edi mula d'yan sayo, patungo dito sa pwesto ko ay nag b-blush ako!"

Naitikom ko ang bibig ko upang pigilan ang matawa. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan. Bakit hindi nalang si Karina ang gustuhin niya?

"Tse! Umayos kana nga!" Sigaw na naman ni Karina.

Lumapit sa akin si Kenzo habang namumula parin ang mukha. Tumaas ang gilid ng labi niya kaya ngumiti rin ako.

"1, 2, 3!"

Bago pa mag-click ang camera ay bigla nalang may tumabi sa'kin at nag-pose para sa picture. Kasunod niyon ang pag-flash galing sa camera. Nang lingunin ko ay napaawang ang labi ko nang makitang si Charles Kevin ito. Nakalagay pabaliktad ang dalawa niyang kamay sa baba at nakataas ang mga braso. Nakangiti pa siya habang nakapikit ang isang mata, kumindat.

"Charles!" Gulat na tawag ni Karina.

Pati ako ay nagulat kung bakit narito siya. Susunduin niya na kaya ako? Hindi pa naman masyadong gabi ah?

"Patingin," Ani Charles na animo'y hindi apektado sa katabi ko.

Umiling-iling si Charles Kevin at pinatunog ang dila ng tatlong beses. "Wala, mas gwapo parin talaga ako."

Napabuga ako ng hangin. Akala mo naman kung ano na ang nakita niya.

Lumapit ako sa kaniya kaya lumingon siya sa'kin at yinakap ako. "Uuwi ka na?" He asked.

Lumayo ako ng kaunti at tinignan siya bago tumango. Hinalikan niya ang noo ko bago hawakan ang kamay ko.

"Tara na?" Tanong niya.

"S-Sandali lang, kukunin ko ang gamit ko," Paglingon ko kung nasaan ang dalawa ay wala na ang mga ito, pumasok na siguro.

Iniwan ko muna siya saglit para kuhanin ang gamit ko. Nagpaalam ako kay Karina pagkatapos no'n. Magpapaalam rin sana ako kay Kenzo pero hindi ko siya mahagilap kaya ibinilin ko nalang kay Karina na sabihin kay Kenzo na uuwi na ako.

Tumango siya at yinakap ako bago ako lumabas ng restaurant. Kanina pa umalis ang manager kaya hindi na ako nakapagpaalam pa.

"Let's go," Ani Charles Kevin at hinawakan ang kamay ko.

Ang sarap naman sa pakiramdam ng ganito. Iyong tipong galing kang trabaho tapos paglabas mo ay may nagsusundo na sayo at yayakapin ka para lang mawala ang pagod mo.

Ngumiti ako at hinigpitan ang kapit sa kamay ni Charles Kevin. Sana ay kami na nga habang buhay.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now