Kabanata 31

45 2 0
                                    

Kabanata 31: Unbelievable.

Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa'kin kung bakit umiyak si Mama no'ng gabing iyon. Kung may problema naman siya ay puwede niya namang sabihin sa'kin. Handa akong makinig, nabawasan lang ang sakit na dinadamdam niya.

"Wow, bago 'yan ah?" Napalingon ako kay Karina na hindi ko alamna nakatingin na pala sa'kin.

Ngumuso ako, bahagyang nagtatampo. "Kasi naman..."

"Ano ka ba, Cianelle! Paran 'yon lang,"

"Anong paran 'yon lang? Hindi kaya siya pumayag na sumakay ulit kami do'n sa mga rides. Ano ngayon ang sasabihin ko kay Shine?"

Kahapon ay tinanong ko si Charles Kevin kung puwede pa kami sumakay at pumunta sa Amusement park. Nakakatampo kasi ayaw niya na daw pumunta ro'n. Eh, bakit pa niya kasi kami dinala doon? Tuloy ay hindi na namin makalimutan iyong lugar na 'yon.

"Sabihin mo, hindi pumayag. 'Yon lang, sus. At saka, hello? Ikaw ba naman ma-trauma sa mga sinakyan mo do'n, uulit ka pa ba?"

Umiling ako, iyon nga, kung ako ang nasa sitwasyon ni Charles Kevin ay siguradong hindi na ako babalik do'n. Ang kaso, hindi ako si Charles Kevin kaya patuloy pa rin ako.

"Iyon naman pala e, umuwi ka na nga." Aniya. Tinataboy na ako. Wala akong nagawa kun'di tumayo. Grabe ha, hindi na talaga niya ako pinapatagal sa bahay nila.

Sayang at hindi kami same ng pinapasukang eskwelahan pero alam kong sa college ay nagbabalak siyang gayahin ako at same din ang kuhanin naming kurso. Ngayon ay natitiyak kong matalik ko na siyang kaibigan.

Nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na ako. Galing akong eskwelahan at dumaan muna sa bahay nila Karina. Sakto at naroon pala siya dahil wala silang pasok. Sana all.

"Nandito na po ako," Pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa'kin ang nakangising mukha ni Shine.

Ano na naman ang ginawa nito?

"Bakit?" Sa curious ko ay tinanong ko siya.

Ngumiti ulit siya, nagulat nalang ako nang bigla nalang siyang tumalon-talon. Para siyang nang-gigigil dahil sa saya na ayaw niya pang sabihin kung ano iyon.

"Ate! Pumayag na po si Kuya Charles!" Sigaw niya. Agad akong lumapit sa kanya pero bago ko pa matakpan ang bibig niya ay narinig ko ang boses ni Mama.

"Sinong Charles?"

Napa-angat ako ng tingin. Naitikom ko ang bibig ko nang masama na ang tingin sa'kin ni Mama.

"Sinong Charles, Cianelle? Boyfriend mo ba?"

Marahas akong umiling sa takot na baka iyon nga ang isipin niya. Kahit na gusto ko ng ipakilala si Charles Kevin kay Mama ay hindi pa puwede sa ngayon.

"H-Hindi po, c-classmate ko po." I gulped. Parang may bumara sa lalamunan ko nang sabihin na classmate ko lang siya. Parang isa iyong kasalanan ko sa kanya.

Lumiit ang mata ni Mama na para bang sinusuri kung totoo ba ang sinasabi ko. "Siguraduhin mo lang, Cianelle. Nag-usap na tayo tungkol dito."

Napayuko ako. Alam ko po... Hindi ko makakalimutan na bawal pa akong mag-boyfriend ko mag-asawa nang hindi ako tumutuntong ng trenta.

Naglakad si Mama papunta sa kusina at doon nanatili. Sa wari ko ay magluluto pa lamang siya ng panghapunan. Wala pa si Ate kaya inaya ko muna si Sunshine na umakyat sa kwarto namin. Dahil sa ingay niya ay napagalitan ako.

"Ate, sorry po." Ngumiti ako sa kanya.

"Okay lang, sa susunod ay 'wag mo na babanggitin ang pangalan ni Charles Kevin kapag narito si Mama o Ate ha?"

Ngumiti rin siya. "Promise, Ate. Hindi na po."

Tatayo na sana ako sa pagkakaupo sa kama nang may naalala ako.

"Ano pala 'yong sinabi mo kanina na pumayag na si Charles Kevin? At saka, paano mo siya nakausap?"

Umiwas siya ng tingin at kinagat ang hintuturo. Ngingiti-ngiti siyang tumingin sa'kin.

"Hindi mo'ko madadala sa pangiti-ngiti mo, Shine. Ano iyon?"

"I used your cellphone po, yung sinabi ko ay secret,"

"Sabihin mo na. Sige ka, 'pag hindi mo sinabi ay ibabalik ko iyan na stuffed toy mo kay Charles Kevin."

Agad niyang hinagilap ang stuffed toy na larva at nakita niya 'yon sa may cabinet katabi ng kama. Yinakap niya iyon na para bang ayaw niya ng mawala ang stuffed toy.

"Shine," pagtawag ko.

Nakanguso siyang lumingon at saka naupo ulit sa kama. "Kasi po..."

"Kasi po?"

"Kasiposinabikonahindisiyamakakahugsayokapaghindisiyapumayag." Sa bilis niyang magsalita ay isa lang ang naintindihan ko. Hindi makaka-hug si Charles Kevin sa'kin.

Napapikit siya pagkatapos niyon. Ano'ng hug?

"Bakit mo sinabi 'yon? Ayaw na 'di ba niyang pumunta doon?"

"Ate! Promise last na."

"Sure?"

"Sure!"

"E, ano pa iba mong sinabi? Hindi naman 'yon basta papayag kung gano'n lang ang sinabi mo. Kaya niya na kahit isang araw ay hindi ako mayakap, kahit nahahawakan naman niya iyong kamay ko."

Ngumuso siya. "Secret, Ate."

"Shine, walang secret 'di ba?"

Nakasimangot siyang tumango-tango. "Ano po... Ang sabi ko ay..."

Tumaas ang dalawa kong kilay habang naghihintay sa sasabihin niya. Nakakbitin naman 'e.

"Sabi ko po ay hindi ka na niya puwede i-kiss kapag hindi siya pumayag." Napayuko siya habang ako ay nakanganga, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Kiss lang pala katapat mo ha. Isang Charles Kevin? Na blackmail ng isang bata? Unbelievable.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now