Kabanata 4

59 4 0
                                    

Kabanata 4: Pain.

Mabilis napabaling sa kaliwa ang mukha ko nang sampalin ako ni Ate pagkapasok pa lang ng bahay. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Shine na kasama kong umuwi.

"Anong iningingiti mo ha?! Pagsilip ko palang sa bintana, nakita kitang nakangiti? Bakit? Dahil ba nalaman mong hindi ako pinapasok ng Prof dahil na-late ako?! Tangina, Cianelle! Sinabihan kana ni Mama na maghugas ng pinggan kagabi hindi ba?! Sutil ka talaga!" Muli niya akong sinampal kaya nabitawan ko ang kamay ni Shine. Napatingin ako sakanya at nanunubig na ang mga mata niya, malapit ng umiyak.

Yumukod ako para ngumiti sakanya. "P-Pasok ka muna sa kwarto natin ha? Susunod si Ate... Don't worry, s-strong si Ate," mabilis na nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha. Lumunok ako bago tanguan si Shine. Nakahinga ako ng maluwag nang sumunod siya sa'kin.

Ayokong nakikita niya kami ng ganito. Ayokong nakikita niya na nag-aaway ang dalawa niyang Ate.

"Ano, Cianelle?! Hindi ka makaimik? Dahil hindi mo alam na bumagsak ako sa isang subject dahil hindi ako nakapasa ng project! Hindi ko maiwanan ang hugasin dito dahil kakain ako, yung pinagbabaunan ko, mga nilalagyan ko ng tubig! Tangina mo! Hinding-hindi ka kakain ngayon! At mas lalong hindi ka papasok bukas!"

Tumulo ang luha ko, sunod-sunod na tumulo. Akala ko... Pag-uwi ko ay nakangiti parin ako kasi sa wakas, sa tagal ng panahon nakakain ako ng cotton candy na matagal ko ng gustong bilhin.

Nang sandaling nagkasama kami ni Charles Kevin ay doon ko lang naramdaman ang totoong saya. Ang totoong sarap ng buhay...

"Ano pang itinatayo mo riyan Cianelle?! Umakyat ka sa kwarto at magkulong! Huwag na huwag kang lalabas!" Sigaw ni Mama na kalalabas lang galing kusina.

Napasabunot si Ate sa kanyang buhok at padabog na umupo sa sofa.

Nangangatal ang bibig na tumango ako bago tumakbo papuntang kwarto. Pagkarating ko roon ay nakasara ang pinto pero hindi ito naka-lock. Napadausdos ako paupo sa lapag bago inilagay ang dalawang palad sa mukha ko.

Umiyak ako, umiyak ng umiyak. Ang bigat sa dibdib at hindi ako makaimik masyado dahil baka marinig ng bunso naming kapatid na si Shine. Nasa loob lang siya ng kwarto. Ang tahimik na pag-iyak ko ay nauwi sa hagulhol. Gusto kong sumigaw sa labis na sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong pumunta sa tahimik na lugar at doon ilabas lahat ng sakit at sama ng loob.

Pinakalma ko ang sarili bago punasan ang mga luha na kung hindi ako pipikit ay hindi parin titigil sa pagtulo. Ang sikip ng dibdib ko pero nagawa ko parin ngumiti.

"A-Ayos lang 'yan, Shan. A-Ayos lang 'yan." Pilit kong pinapakalma ang sarili habang tinatapik ang sariling balikat. Huminga ako ng malalim bago humarap sa pinto at pihitin ang seradura nito. Nang silipin ko sa loob ay nakita ko si Sunshine na nagsusulat habang nakadapa sa kama.

Napatingin siya sa'kin nang maramdaman ang presensya ko. Mabilis siyang bumaba ng kama at walang pag-alinlangan na yinakap ako. Pinilit ko ang sarili na 'wag maiyak sa harap ni Shine. Ayokong nakikita niya akong umiiyak. Ayokong nakikita niya akong nahihirapan.

"A-Ate..." She stuttered. Tumingala siya sa'kin kaya kinarga ko siya at sabay kaming naupo sa kama. Inalis ko ang aking bag at inilapag sa aking tabi.

I smiled at her, alam kong ngayon ay namamaga na ang mata ko. Ayos na iyon, kaysa naman makita niya akong umiiyak.

"Sabi ko naman sayo 'e, strong si Ate."

"P-Pero po namamaga iyong mata mo. Umiyak po ba ikaw?" Tanong niya. Umiwas ako ng tingin.

"Hindi ah! Strong kaya si Ate, hinding-hindi ako iiyak." Umiling-iling pa ako para kumbinsihin siya. Kinuha ko ang aking bag saka kinuha ro'n ang cotton candy na ibinigay sa'kin ni Charles Kevin. Ibinigay ko iyon kay Shine. Namilog ang mga singkitin niyang mata at napatingin sa'kin.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now