Kabanata 29

48 2 1
                                    

Kabanata 29: Amusement Park.

"Here," Pagkapasok sa kotse ay binigyan kaagad ni Charles Kevin si Shine ng tsokolate, na naging paborito na yata ni Shine. Dahil sa tuwing makikita niya si Shine ay binibigyan niya ito.

Nakasuot lang ako ng white bohemian dress na ang haba ay hanggang tuhod, at pinaresan ko nalang ng doll shoes na puti. Ang kay Shine naman ay isang simpleng yellow dress at pinaresan niya rin ng puting doll shoes para daw parehas kami. Paborito niya talaga ang kulay na dilaw.

Kanina ay nagpaalam kami kay Ate Giselle na aalis. Agad niya kaming pinalabas ng bahay dahil pupunta raw ang boyfriend niya na si Gab at ang iba pa niyang mga classmate. Si Mama ay hindi ko alam kung saan pumupunta, wala akong ideya.

"Ang ganda naman po ng car ninyo."

Napalingon si Charles Kevin kay Shine na nasa back seat habang ako naman ay nasa tabi niya sa unahan. Ngumiti si Charles Kevin bago muling itinuon ang paningin sa daan. Masasabi kong maingat talaga siyang mag maneho.

"Really? Do you want a car like this?"

Nakita ko sa rear view mirror ang mabilis na pagtango ni Shine. "Opo! Alam mo po ba Kuya, 'pag ka laki ko ay bibili rin ako ng car na katulad ng sa iyo at isasakay ko ro'n si Ate para hindi na siya maglakad papunta sa school o kaya naman po sa work."

Namamangha akong napatitig kay Shine. Mag wa-walong taon pa lamang siya pero gano'n na ang mga iniisip niya.

Nakaawang ang aking labi nang lingunin ako ni Charles Kevin. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko, habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela at patuloy sa pagmamaneho.

"Sunshine," lumunok ako, "... Hindi mo naman kailangan gawin 'yon dahil lang sa nakikita mo akong naglalakad papunta sa school. Malapit lang iyon at kayang lakarin kaya dapat 'wag kang mag-alala."

"Alam ko naman po iyon, Ate." Napayuko siya at hindi na muling umimik.

Hindi ko gusto na nag-iisip siya ng gano'n na para bang madali lang gawin ang lahat kapag malaki na siya. Hindi gano'n kadali ang lahat Shine, dahil habang lumalaki ka ay doon mo malalaman kung gaano kalupit ang mundong ating ginagalawan.

"Wow," Pati ako ay nasambit ang katagang iyan nang makababa ng kotse at matanaw ang nasa harapan namin.

"Close your mouth, Love." He chuckled. Mabilis na pumulupot ang kanyang braso sa beywang ko at hinawakan naman niya si Shine sa kamay bago kami tumawid ng kalsada para marating ang kanina ko pang tinitignan na halos hindi na mawala ang tingin ko rito.

"Amusement park." Ani Charles Kevin. "I'm glad you're happy, Love. This is what I'm planning for... Ang mapangiti ka at makita ang kasiyahan sa iyong mga mata."

Naluluha akong ngumiti kay Charles Kevin. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar, sa mga tv at pelikula lang ako nakakakita nito at hindi ko aakalain na makakapunta ako rito, na makikita ko ito ngayon mismo.

"Wow, cotton candy!" Agad na nagtatakbo si Shine patungo sa nagtitinda ng cotton candy, kahit pa hawak siya ni Charles Kevin ay nakaalis pa rin siya.

"Shine!" Agad ko itong hinabol at nang maabutan ay pinagsabihan ko siya na 'wag basta-basta tatakbo at pupunta kung saan kung hindi kami kasama. Mahirap na baka mawala pa siya rito sa dami ba naman ng tao.

Inayos ni Charles Kevin ang kanyang suot na plain v-neck shirt at pinasadahan ng kanyang daliri ang buhok. Napapalunok pa siya habang tinitignan ang nasa harap namin ngayon.

"Gagi, ayoko talaga ang pumupunta rito." Rinig kong bulong niya. Nakangiwi siyang tumingin sa'kin ng makita akong nakanguso sa kanya.

Ayaw niya bang sumakay sa roller coaster?

"Sige na... Love?" Nagpapa cute pa ako para lang pumayag siya habang hila-hila ang laylayan ng shirt niya.

Si Sunshine ay iniwan namin sa nagbabantay ng mga tickets sa roller coaster dahil hindi pa siya pwedeng sumakay dito. Masunurin naman siya kaya nagpa-iwan naman siya. Mabait naman ang babaeng nando'n na pinag-iwanan namin sa kanya.

Muling napalunok si Charles Kevin bago nag-aalangan na tumango.

"Aaahhh!! Fuck! Damn it, I really fucking hate this. Ipapasara ko na 'to!" Dinig na dinig ko ang sigaw ni Charles Kevin habang mabilis ang andar ng roller coaster. Ako naman ay tawa lang ng tawa habang nakikisigaw kapag pababa na.

Pagkababa pa lang niya sa sinakyan ay agad siyang napasapo sa bibig. Sinundan ko siya ng bigla na lamang siyang tumakbo.

Napatawa ako nang makita ko siyang sumuka sa gilid na wala masyadong tao. Namumula ang tenga at mukha niya nang harapin ko. Hindi ba siya sanay doon? Ako nga na first time ay hindi sumuka, dahil yata sa excitement na sa wakas at makakasakay na ako roon.

Hinimas ko ang likod niya, "Ayos ka lang ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin pero ngumiti din. "Sus, paran 'yon lang. Ako kaya si Superman. Sinong sumuka? Wala ah? Guni-guni mo lang 'yon--"

Kasunod no'n ang muli niyang pagsuka kaya muli akong natawa. Guni-guni pala ah.

"Kuya! Sa'n po kayo nagpunta ni Ate? G-Gusto ko pong sumakay doon." Tinuro ni Sunshine ang mga kabayong sinasakyan ng ibang bata at gumagalaw. Napatingin ako sa itaas no'n at nabasa ang salitang Carousel.

Pinasalamatan ko ang babaeng saglit na nagbantay kay Shine at lumapit na kami sa tinatawag na Carousel. May mga batang nakasakay roon at mga nakangiti habang ang iba naman ay kasama ang magulang nila.

"Gusto mong sumakay d'yan?" Charles Kevin asked. Tumango si Sunshine habang malaki ang ngiti.

Nang samahan ni Charles Kevin si Shine papunta sa bilihan ng tickets ay umalis muna ako roon upang bumili ng tubig para kay Charles Kevin dahil sa pagsuka niya kanina. Masakit sa lalamunan iyon.

Pagbalik ko ay naroon na siya. Masuyo niya akong yinakap na para bang pagod na pagod siya, 'e roller coaster ride pa nga lang ang nasasakyan namin.

"I really hate that roller coaster, Love. Ayoko na do'n." Para siyang batang nagsusumbong. Mas lalo niyang isiniksik ang mukha sa aking leeg. Napangiwi ako nang makita may mga nakatingin pala sa amin. Kaya imbes na sabihin iyon sa kanya ay sinabi ko na lang na uminom na siya ng tubig. Agad naman siyang lumayo sa'kin at kinuha ang bote ng tubig.

I looked at Sunshine who's smiling from ear to ear habang nakahawak ng mahigpit sa pole. Gusto niya talaga na makasakay ro'n, ramdam ko na matagal na niyang gustong sumakay doon.

"Yummy!" Magiliw na sigaw ni Sunshine nang matikman ang ice cream na in-order ni Charles Kevin sa isang store. Nagpahinga muna kami matapos ang ilang rides na sinakyan namin. Hindi matapos-tapos ang reklamo ni Charles Kevin sa mga rides. Halos isinusumpa niya ang mga ito na hindi na raw siya doon sasakay kailanman.

Ang palad niyang pumulupot sa beywang ko ay pumirmi at bahagya pang pumisil. I looked at him, he's already staring at me, smiling widely. Kung dati ay hindi ko kayang ngumiti, ngayon ay halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti habang nakatitig kay Charles Kevin.

"I love you..." He uttered, but before he could reach my lips someone's interrupted.

"Kuya! Ate! Gusto ko po no'n!" Napahiwalay siya sa akin nang marinig ang tinig ni Sunshine.

I chuckled. "Better luck next time, Love."

Sumimangot naman siya at nagpahila na kay Shine na kanina pa hila ng hila sa laylayan ng shirt niya.

Sumunod ako sa kanila. Tumigil kami sa isang tiang'ge. Maraming nakalinya at may pagpipilian ka talaga. Itinuro ni Shine ang isang stuffed toy na larva, iyong kulay dilaw.

Malawak ang ngiti ni Shine habang pabalik kami sa mga rides, yakap-yakap niya ang stuffed toy na animo'y ayaw niyang pakawalan.

"Ready?" I looked at Charles Kevin.

He gulped as he looked at the rides. Nag-aalangan man ay tumango siya.

Napangiti ako nang mabasa ang huling sasakyan naming rides. Viking...

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now