Kabanata 35

54 2 0
                                    

Kabanata 35: Sunshine's Birthday.

"Cianelle, paabot ng tupperware," Utos ni Karla, pinsan ni Shine. Not my cousin, dahil hindi ko naman totoong ama si tatay. Isa siya sa may ayaw sa akin. Pero ngayon, mukhang maganda naman ang pakikitungo niya.

Inabot ko sakanya ang tupperware at mabilis naman siyang umalis.

I sighed. No'ng nakalipas na ilang linggo ay madalas kaming magkita ni Charles Kevin. Sabi niya pa ay pupunta ulit kami sa amusement park mamayang gabi, katulad ng ipinangako niya kay Shine.

"Sukdulang mukha mo ay, laging na sa panaginip... Bakit biglang pinagpalit, pagsasamaha'y tila nawaglit... Ang dating walang hanggan, nagkaroon ng katapusan... Hindi magbabago, pagmamahal sa'yo. Sana'y pakinggan mo ang awit ng pusong ito..."

Napalingon ako sa kumakanta sa videoke. Naroon si Hanzen, feel na feel ang pagkanta para ngang ayaw niya na bitawan ang mikropono.

Actually, wala kami sa bahay. Nasa bahay kami ng Mama ni Tatay. Naisipan nilang dito nalang i-celebrate ang birthday ni Shine. She's now 8 years old. Ang bilis ng panahon, dati lang ay pinapalitan ko pa siya ng diaper dahil ako lang naman palagi ang nag-aalaga sa kaniya simula nang mawala si Tatay.

"Ate! Pupunta ba si Kuya Charles, mamaya?" Bulong ni Shine, takot na baka marinig na naman siya ni Mama.

Nakangiti akong tumango bago pahiran ng icing ang ilong niya.

"Ate!" Maktol niya pa. Natawa ako nang gumanti siya.

"Hoy, tama na, mapagalitan tayo ni Lola, gusto mo bang wala ka ng cake?"

"No! Gusto ko po ng malaking cake!"

"O sige, do'n ka muna sa labas dahil surprise 'to," Kumindat ako.

She kissed my cheeks bago lumabas ng kitchen. Ngumiti ako bago ipagpatuloy ang ginagawang paglagay ng icing sa mga cupcakes. Iyong malaki niya namang cake ay mamaya pa ide-deliver.

Kaunti palang kaming narito, wala pa nga sila Tita. Bago siguro magsimula ang party ay narito na sila.

Abala ang mga pinsan ni Shine na nagkakabit ng mga palamuti sa mga dingding. Napangiti ako, ang galing naman nila.

Alas tres ng hapon nagsimula ang party. Ang ganda ni Shine sa suot niyang yellow dress. May mini crown pa siya sa ulo. Malungkot akong napangiti. Sobrang paborito siya ng mga kamag-anak ni Tatay.

Napapaisip ako, kailan kaya ako magiging paborito ng isang tao? Kailan ako magiging importante sa kamag-anak namin.

"Kaya nga Happy Birthday 'e, dahil happy. Bakit ang lungkot mo d'yan? Sumbong kita kay Shine nakasimangot ka,"

Napalingon ako sa nagsalita. Si Hanzen, may hawak siyang hotdog sa stick na may mga marshmallow. Inabot niya sa'kin ang isang hawak niya kaya tinanggap ko iyon.

"Masaya ako, hindi lang halata." Ngumiti pa ako sa kaniya pero hindi iyon naabot sa mata ko. Tuloy ang kinalabasan ay napasimangot ako.

"Alam mo Shan, hindi naman sa ayaw kita o ano. Hindi rin kita sinisisi na kung bakit namatay si Tito. Walang may kasalanan no'n. Tanga lang sila dahil pinapairal nila ang galit nila sa'yo. Pinapairal nila ang galit sa puso, that's why until now they're all mad at you, kasi pinapairal nila ang galit sa puso nila at ikaw ang iniisip nilang may kasalanan sa pangyayaring iyon."

Nanubig ang mata ko. Hindi ko masyadong close ito si Hanz pero kalaro ko siya simula bata kapag palagi kaming pumupunta nila Tatay dito sa bahay ni Lola.

He sighed. "Wala kang kasalanan, stop thinking that they don't want you. Yes, you are unwanted from this family but there is someone who loves your existence."

Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan na mapaiyak sa mga pinagsasabi ni Hanz. Tila ba iyon isang hudyat na kailangan ko ng ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa buhay. But no, not there, not in my Sunshine's birthday.

Pinilit kong alisin ang mga luhang halos ayaw ng matigil. Ayokong makita nilang umiiyak ako, mas lalo na si Shine. Birthday niya 'to, hindi ko dapat sinisira ang masayang pangyayari sa buhay niya.

"Here, wipe your tears, I hate it when I see girls crying," Mas lalong bumuhos ang luha ko nang ilahad niya sa'kin ang panyo. Napansin ko pang may kurba itong pangalan niya.

"Ate!"

Nataranta akong pinunasan ang luha ko at nakangiting humarap kay Shine. She's smiling from ear to ear. Hindi pa ako nakakabawi nang hilahin niya ako sa gitna kung saan ay nagpapalaro na pala.

"Kulang pa ng isa!" Sigaw ni Ate Serra, yes, pinsan rin siya ni Shine. Si Ate Serra ang may pakana ng lahat ng ito pati si Lola. Aniya'y marami daw na kaganapan ang mangyayari sa birthday ni Shine. Heto na nga at may palaro. Mabuti na lamang ay iniwan ko sa table na inuupuan ko kanina iyong hotdog na binigay sa'kin ni Hanzen.

"Music!" Sigaw ni Ate Serra. Nagsimula kaming umikot sa upuan na nakapabilog. Ito ang palaro, trip to Jerusalem. Nasa likod ko lang si Hanz na last na sumali sa palaro. Panay pa ang whistle niya na parang sa kaniya ay easy lang 'to.

Nang tumigil ang music ay mabilis akong umupo sa tinigilan kong upuan. Na-out si Kate, umirap pa siya sa'kin na para bang ako ang may kasalanan kung bakit siya na-out, 'e ang layo-layo ko sa kaniya.

"Akin mapupunta ang prize!" Sigaw ni Hanzen na ikinatawa ng ilan. Ang prize kasi ay isang laptop. Mukhang gaganahan rin akong manalo. Si Ate Serra lang ata ang nagpapalarong pambata na laptop ang premyo.

Nagpatuloy ang laro hanggang sa kaming dalawa nalang ni Hanzen. Inilayo samin ang isang upuan habang nasa isang linya naman kami at nasa likod namin ang dalawa sa pinsan ni Shine.

"Go, Ate!" Kumindat ako sakanya at ngumiti. Kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko kanina.

Pinaikot kami ng pinaikot ng pinsan ni Shine. Sampung ikot bago nila kami pakawalan. Rinig ko na ang hiyawan nila kaya sinipat ko ang upuan. Malapit na ako! Kahit na nahihilo ay natatawa ako dahil kay Hanzen na pasuray-suray na naglalakad.

Sa hilo ay sabay kaming bumagsak sa upuan. Parehas ay magkabilang hita namin ang naupo. Kwits.

"That's it, sa larong 'to dun mo mare-realize na kahit nanalo ka ay may ayaw parin sayo, alam mo kung bakit?"

Napalingon ako sa mga pinsan ni Shine na masama ang tingin sa amin.

"Dahil pinapairal nila ang galit sa kanilang puso," sabay naming saad.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now