Kabanata 44

52 3 3
                                    

Kabanata 44: Left.

"T-Totoo bang p-pinagpustahan niyo lang ako?" Bumabara ang lalamunan ko dahil sa pagpigil sa pagtulo ng luha ko. Sobrang bigat  na ng dibdib ko na gusto kong suntukin para lamang mawala ang sakit dito.

Hindi pa ba tapos ang pasakit sa'kin?

He didn't look at me. Nakayuko lang siya, walang balak magsalita. Nang makita ko siya rito sa quadrangle ng paaralan nila ay agad ko siyang nilapitan. Tinanong kung totoo nga ba ang mga narinig ko.

"Charles Kevin, sagutin mo'ko!" Sa sobrang sama ng loob ay nasigawan ko siya. Napaigtad siya dahil do'n dahil hindi naman talaga ako sumisigaw. Ngayon lang at gusto kong isumbat sakanya lahat. Lahat-lahat ng pagpapaniwala niya sa'kin.

Iyong siya na nga lang ang inaasahan kong kakampi at magtatanggol sa'kin pero sa itsura niya ngayon? Alam kong bibitaw na rin siya.

"K-Kaya ba gano'n nalang ang pagkikita natin kasi s-sinadya mo yun? Sinadya mo akong lapitan para sa p-pustahan na 'yan! M-Magkano ba ha?! Mayaman ka naman ah! Halos nga hindi mo na k-kailangan ng pera kasi isang hingi mo lang sa mga magulang mo, bibigyan ka kaagad nila."

Charles Kevin bakit ganito? Pumunta nga ako sa'yo para magsumbong ng mga nangyari pero mukhang mas masasaktan ako sa'yo.

"Look at me! Bakit hindi ka makatingin? D-Dahil ba totoo? Ha?!" Naikuyom ko ang mga palad sa takot na baka masaktan ko siya. Kahit naman na nasasaktan ako ngayon ay hindi ko parin siya kayang saktan kasi... Mahal ko siya. Mahal na mahal, pero ang pagmamahal niya para sa'kin ay kailanman hindi naging totoo.

"Totoo bang p-pinagpustahan niyo ako?!"

Hindi siya nagsalita pero masakit iyong naging galaw niya. Tumango siya...

My lips parted, napakurap-kurap ako at sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Napakagat ako sa kamay ko upang pigilan ang hikbi pero kusang nanghina ang kamay ko at tuluyang bumagsak. Doon ay pumalahaw ako ng iyak.

"M-Miss..." Sinubukan niyang lumapit pero umatras ako. Hindi ko kinakayang makita ang mukha niya ngayon. Gusto ko siyang sampalin pero natatakot ako... Natatakot akong baka kapag sinaktan ko siya ay magdusa na naman ako sa ibang paraan. Ayoko na ng gano'n.

Bumababa-taas ang balikat ko dahil sa hindi matigil sa pag-iyak. Akala ko ba, hindi niya ako sasaktan kasi palagi nalang akong nasasaktan, na aalagaan niya ako... Na mamahalin niya ako habang buhay. Nagkamali ako... nagkamali akong akala ko mahal niya ako.

"B-Bakit? Bakit mo nagawa 'yon?" Napayuko ako, hindi matigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Kung kanina umiiyak ako ng may boses na kumakawala sa bibig ko, ngayon ay tahimik na lang at halos hindi ko na maibuka ang bibig ko.

"Shan... Huwag ganyan, saktan mo ako kung gusto mo, sampalin mo'ko, suntukin at kung ano pa ang gusto mong gawin. 'W-Wag lang ganyan na tahimik ka. N-Nasasaktan ako..."

Wala, wala akong narinig na love... He used to call me love e, pero bakit ngayon hindi niya ako matawag ng gano'n?

Tumingin ako sakanya. He's staring at me already. Namumula ang mata na para bang pinipigilan ang maiyak. Umiling ako. Hindi... 'wag kang maniwala sa expression niya. Minsan ka ng nalinlang niyan.

Kahit na ayaw ko siyang saktan ay nagkusa na ang mga paa kong humakbang at sa labis na sakit na dinulot niya ay hindi ko napigilang lumapit sakanya at sa natitirang lakas ay sinampal ko siya. Mabilis na napabaling sa kaliwa ang mukha niya.

He licked his lower lip bago napalunok. Dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. Umiwas ako ng tingin. I didn't bother to look at him, instead I turned my back on him.

"Let's end this." Parang may bumara sa lalamunan ko matapos sabihin ang salitang 'yon. I sniffed, pinunasan ko ang luha nang unti-unti akong tumahan, pero naroon pa rin ang sakit.

"Cianelle..." Rinig kong sambit niya. Akala ko magsasalita pa siya pero wala, hindi na nasundan pa ang nauna niyang salita.

Nilingon ko siya pero nanatili ako sa pwesto ko. I heaved a sigh. Ito na ang masakit na salita ang masasabi ko sakanya. At hinding-hindi ko babawiin kahit na magmakaawa pa siya.

"I hate you..."

Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumitig sa'kin bago napalunok. Bumigat ang paghinga niya, tumataas-baba pa ang balikat dahil do'n. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Nanatili siyang nakatingin sa'kin, nakaawang parin ang labi. He looked down as he shook his head.

Huminga ako ng malalim bago humakbang palayo sakanya. Ayaw ko na siyang makita pa kung sakit din naman ang idudulot niya.

Ang sakit naman ng araw na 'to. Wala ba akong pahinga muna d'yan? Tama na muna ang sakit? Gustong-gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Kenzo," sambit ko nang tawagin niya ako.  Wala pa ako sa kalahati sa bahay pero ramdam ko na naman 'yong sakit.

"C-Cianelle. Pasensya na, kailangan ko lang gawin 'to," Saad niya at huli na nang napagtanto ko ang paghawak niya sa magkabila kong pisngi at umastang hahalik pero hindi ko naramdaman ang labi niyang dumikit sa labi ko. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya.

"Cianelle..." Boses ni Karina.

Mabilis na umalis sa harapan ko si Kenzo at tumakbo palayo. Natulala pa ako ng ilang segundo bago dahan-dahang napalingon kay Karina.

Napakurap ako nang makitang lumuluha siya, nakayuko. Napasapo siya sa bibig habang umiiyak. Lumingon siya sa'kin.

"Bakit? B-Bakit ikaw pa?" Humihikbing tanong niya.

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi maproseso sa utak ko kung ano ang tinutukoy niya. Walang pumapasok sa utak ko dahil na rin siguro sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Mas gugustuhin kong ibang babae e, pero bakit ikaw? Ikaw yung kaibigan ko, pero ikaw mismo ang naglihim sa'kin. Hindi mo sinabi na may relasyon pala kayo ni Kenzo."

"H-Ha? Karina, anong sinasabi mo?"

"Cianelle naman, alam mo naman na gusto ko yung tao pero bakit gan'yan ka? Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may relasyon pala kayo? Alam ba 'to ni Charles?"

Napaawang ang labi ko at sa ikatlong pagkakataon, tumulo ang luha ko.

"Hindi niya alam?!" Sigaw ni Karina. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita. Nanghihina ang buong katawan ko na pati ang pagsasalita ay hindi ko na kaya. Sobrang sakit na, bakit parang dumadagdag pa?

"Hahayaan ko ito ngayon pero hindi kita patatawarin sa paglilihim mo sa'kin. Ito lang ang tatanda mo." Seryoso ang mukha niya pero lumuluha ang mga mata niya.

Gusto ko siyang pigilan dahil natatakot ako sa maaaring sabihin niya. Pero baka may pinagdadaanan rin siya katulad ko kaya gan'yan siya.

"Karina..." Halos walang boses ang lumabas sa bibig ko.

"Simula ngayon, hindi na kita kaibigan." Para akong tinusok ng libo-libong karayom nang marinig ang mga salitang 'yon.

Wala na siya sa paningin ko pero heto ako, pilit na pino-proseso ang mga salitang binitawan niya bago niya ako tuluyang iwanan.

Sumigaw ako dahil sa sakit. Mahigpit rin na nakakuyom ang mga palad ko at isinisigaw ko ang lahat ng gusto kong ilabas. Bumibigat ang dibdib ko at nahihirapan na rin akong huminga.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan bukas na ang pagtatapos ko ng senior high school?

March 29. Today, my boyfriend and my most trusted best friend left me.

The Unwanted [Under Editing]Where stories live. Discover now