Chapter 28

14K 265 1
                                    

MILLERS SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

"Mayeth ikaw nga ba iyan?......garlgal ang boses na tanong ni Troy kay Mayeth na noon ay hindi alam ang kanyang gagawin dahil hindi ito makapaniwala na nasa harapan niya si Troy.

"Pa-paano mo nalaman ang kinaroroonan namin? Kailan ka dumating? S-saan ka nangggaling?.....sunod sunod na tanong ni Mayeth na hindi na nito napigilan nag pagtulo ng luha nito.

"Lumayo ako ng pagbantaan ako ng iyong mommy dahil ayaw kong mawala ang anak natin"......ani Troy sabay tingin nito kay Monica na noon ay mahimbing ang tulog nito......."Tiniis ko ang lahat ng hapdi at kirot sa aking dibdib,nagpakalayo layo ako. Tinanggap ko ang alok ng steph dad ko at itinuloy ko ang pagiging seaman ko. Halos hindi ko makaya ang mga pinagdaanan kong pangungulila saiyo at ang pananabik na makita ang aking anak ngunit tiniis kong lahat iyon dahil nais kong patunayan sa iyong mga magulang na kayo kong itaguyod ang ang mag ina. Hanggang sa lumipas ang ilang taon na andito parin sa aking puso ang pag asa na mabubuo ko ang ang aking pamilya, Ngunit nabalitaan kong ikakasal ka na daw sa ibang lalaki, totoo ba iyon Mayeth? Totoo ba na kinalimutan mo na akong tuluyan?.,.......lumuluhang sabi ni Troy saka nilapitan nito si Mayeth at dahil sa sobrang pangungulila sa dalaga ay hindi na nito nagdalawang isip na niyakap ng mahigpit si Mayeth..

"Tro-Troy"........tanging sagot ni Mayeth dahil hindi nito magawang makapagsalita, nauumid ang kanyang dila at hindi nito magawang masabi ang lahat ng nais niyang sabihin, tanging paghagulgol lang ang kaya niyang gawin.

"Is it true na magpapakasal kana sa iba?......muling tanong ni Troy na nakatitig sa dalaga.

"Si mommy, she wants these".......tanging sagot ni Mayeth.

"Hindi ako makakapayag! Tututulan ko ang balak ng iyong ina! Kukunin ko kayo ng anak natin at magpakalayo layo tayo sa lugar na hindi tayo maaabot ng kapangyarihan ng iyong mommy at daddy".........mariing wika ni Troy.

"Troy!.....

"I missed you Mayeth and i still love you!......madamdaming pahayag ni Troy at hindi na niya hinintay ang sagot ni Mayeth at walang babalang inangkin nito ang labi ni Mayeth na nagulat sa hindi inaasahang gagawin nito.

Hindi makakaila ni Mayeth na kahit sa kabila ng samu't saring pinagdaanan nilang pagsubok ay hindi parin niya nalilimot si Troy, Kahit na anong pilit niyang ibaling ang kanyang pagmamahal kay Darylle ay hindi niya kaya, Kaya sa kalaunan ay nakukunsensiya siya sa ginagawa niyang pagpapanggap bilang isang butihing nobya kay Darylle dahil ang mga ginagawa niyang paglalambing sa binata ay puro salungat sa totoo niyang nararamdaman at ngayong nakakulong siyang muli sa mga bisig at sakop ni Troy ang kanyang labi ay masasabi niya sa kanyang sarili na ito talaga ang lalaking nagmamay ari ng kanyang puso kaya walang alinlangang tinugon nito ang mga uhaw sa halik na labi ni Troy habang ang mga pisngi nila'y naglalandas ang masaganang luha sanhi ng sari saring emosyong nadarama nila ng mga sandaling iyon.

Maya maya ay nagkahiwalay ang kanilang mga labi upang sumagap ng hangin ngunit nanatiling nakayakap sila sa sa't isa.

"Hindi ako papayag na makasal ka sa lalaking iyon Mayeth, Tututulan ko ang inyong kasal dahil para sa akin ka lang, para sa amin ka lang ng ating anak!......ani Troy saka sinulyapan nito ang natutulog na si Monica at lumapit dito....

Walang kasagutang namutawi sa labi ni Mayeth ng mga sandaling iyon dahil hindi parin siya maka get over sa nakikitang iyon sa kanyang harapan, pakiwari niya ay nananaginip lang siya na nasa harapan niya si Troy...

Parang dinadaganan ng malalaking bato ang dibdib ni Troy habang punagmamasdan nito si Monica na tulog na tulog ngunit makikita sa hitsura ng bata ang paghihirap nitong huminga ng normal.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now