Chapter 2

14.1K 257 4
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
By...emzalbino

"Anak ang layo ng Batangas dito sa atin ah"...ani aling Lourdes sa anak..

"Inay kahit na malayo kung doon naman nakasalalay ang ating ikagiginhawa bakit hindi!...sagot naman ni Eloisa sa kanyang inay..

"Eh kailan ba ang interview?..maya maya ay tanong ni aling Lourdes..

"Two weeks pa po inay bago ang interview kaya makakapag ipon pa ako ng pamasahe ko at ng sa ganoon ay hindi ko na po problemahin ang pera"...masayang saad ni Eloisa sa kanyang inay saka niyakap niya ito ng buong lambing..

"Nasa sa iyo ang desisyon anak at kung iyan ang alam mong makakatulong sa iyo at sa atin ay papayag ako basta kaya mo at kung hindi ay wag mong pu pwersahin ang iyong sarili para hindi ka mapahamak"...tanging wika ni aling Lourdes saka niyakap din ang kanyang anak..

"Salamat po inay at wag na wag kayong mag alala dahil lagi ko pong tatandaan ang mga bilin ninyo kung sakali mang matangggap ako sa aaplayan kong ito"...umaasang wika ni Eloisa sa kanyang inay...

.....

Samantala ay halos hindi maalis alis ang mga ngiti sa labi ni Mayeth dahil sa wakas ay dumating na ang matagal niyang pinakami mithi ang alukin siya ni Darylle ng kasal at ngayon nga ay walang pagsidlan ng tuwa ang kanyang nadarama dahil doon at sa tuwing mapapatingin siya sa kumikinang na diamond ring sa kanyang kamay ay hindi siya makapaniwala na magiging kanya na si Darylle panghabang buhay...

"So anak kailan mamamamhikan ang mga pamilya ng iyong nobyo?...tanong ni don Orlando Falcon sa anak, ang isa sa kilalang negosyante sa Batangas...

"Well papa, ayon kay Darylle ay sasabihin daw niya mamayang gabi dahil nasa Maynila pa ang mga magulang niya at mamayang hapon ang balik nila"..sagot ni Mayeth habang nakatingin lang sa harap ng tv..

"Okay kung ganon para mapag usapan na agad ang inyong kasal!..saad ng papa ni Mayeth.."Ay siya nga pala iha, iyong bagong gawang hotel ng resort hermosa ay tapos na yata?...maya maya ay tanong ni don Orlando sa anak..

"Opo papa!, Bakit po?,..sagot naman ni Mayeth sa ama..

"Ah wala anak natanong ko lang!...turan ng ama ni Mayeth at nagkibit balikat lang ang dalaga..

Gaya ng sinabi ni Darylle kay Mayeth ay ng dumating na ang mga magulang nito ay sinabihan niya na mamamanhikan na nga sila sa pamilya ni Mayeth kaya nagulat ang mga ito ngunit ng maglaon ay saka natuwa naman ang mag asawang Duane at Margaux dahil naisipan narin ng kanilang panganay na kambala ng mag asawa dahil ang edad nitong biente otso ay sapat na para magtaguyod ng isang pamilya dahil alam naman nila na responsableng anak si Darylle...

"Are you sure Darylle na pakakasalan mo si Mayeth?...hindi naman makapaniwalang tanong ni Darlene na noon ay nakikinig lang ngunit ng hindi makatiis ay sumingit na sa usapan..

"Yes of course!..mabilis na sagot ni Darylle sa kakambal..

"Talaga lang huh!...nakataas ang kilay na sabi ni Darlene..

"Why? What's wrong with it?...nagtatakang tanong ni Darylle kay Darlene..

"Wala lang! Hindi lang kasi kami vibes ng fiancee mo!...tanging sagot ni Darlene saka kibit balikat na tinungo ang sariling kwarto habang tangan tangan nito ang popcorn puff na pinaluto sa kanilang katulong..

"Hay naku iho wag mo ng pansinin ang sinabi ng kapatid mo,ala mo na nga na may pagka mataray ang babaeng iyan eh at parang nahahawa na sa mga kaibigan niya na puro happy life lang gusto nila sa buhay! Halika na at baka naghihintay na ang nobya mo at nakakahiya kung maghihintay sila ng matagal"...ani Margaux sa kanyang panganay na si Duane..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now