Chapter 26

12.7K 231 1
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Sa kalituhan ng isipan ni Eloisa ay ipinasya niyang sa Maynila nalang siya dumiretso dahil ayaw niyang makita siya ng kanyang mga pamilya na siya ay bigo sa kanyang pangarap sa buhay at lalo na sa sitwasyon niya ngayon..

Swerte naman niyang nakakita siya ng matutuluyan na kahit bed spacer lang ay laking pasasalamat narin niya dahil hindi gaanong mataas ang upa at mabait ang may ari ng paupahang bahay..

"Iha nag iisa ka lang ba?.....tanong ng may ari ng bahay kay Eloisa na si aling Salud habang binabagtas nila ang makipot na daan patungo sa bahay paupahan ng matanda.

"Upo mag isa lang po ako at kagagaling ko lang po ng probinsiya".......sagot naman ni Eloisa.

"Eh bakit kaba napadpad ng Maynila?.....alanganing tanong ni aling Salud sabay tingin nito mula ulo hanggang paa kay Eloisa.

"Para po matulungan ko ang aking mga magulang sa pagpapaaral sa aking mga kapatid at maiahon kahit papaano ang aking pamilya kaya naparito po ako para humanap ng trabaho"......nangingilid ang luhang turan ni Eloisa dahil sari saring emosyon na naman ang sumagi sa kanyang isipan lalo na kay Darylle.

"A-akala ko ay anak mayaman ka iha! Ano nga pala ang pangalan mo?.....hindi makapaniwalang saad ni Aling Salud saka kinatok nito ang isang kwarto at ng bumukas ito ay may dalawang kababaihan sa loob ng kwarto.

"Hindi po ako anak mayaman, isang hamak lang na anak mahirap po ako ngunit hindi po ako nagsisisi kung anuman ang buhay na mayroon kami ngayon at laking pasasalamat ko po sa Apnginoon dahil binigyan niya ako ng mga magulang at kapatid na laging nasa tabi ko upang damayan ako sa lungkot at kasiyahan sa buhay"......turan ni Eloisa na noon ay tulouyan ng nalaglag ang luhang pinipigil nito sa pagdaloy.

"Oh siya, siya, tama na iyan! Halika sa loob at ipapakilala kita sa iyong mga ka room mate,..Nancy, Leny! Siya si Eloisa ang bago ninyong ka room mate, kadarating lang niya mula sa kanilang probinsiya kaya alam kong pagod siya at kaya dito sa inyong kwarto ko siya nilagay dahil alam kong mababait kayong dalawa"......wika ni aling Salud sa kanyang mga borders.

"Opo aling Salud wala pong problema sa amin!.....ani Nancy na nakangiti kay Eloisa.

"Oo nga po aling Salud at salamat naman dahil may bago kaming kaibigan ni Nancy at hindi na kami maiinip dito sa kwarto pag wala kaming pasok dahil may ka kwentuhan na kami".......masayang wika naman ni Leny saka lumapit ito kay Eloisa at hinila ito paupo sa kanyang katre.

"O siya sige maiwan ko na kayong tatlo rito dahil baka may bumubili na sa paninda ko sa may labasan eh malugi tuloy ako"......pamamaalam ni aling Salud sa tatlo.

"Opo aling Salud at maraming maraming salamat po at heto po pala ang paunang bayad ko sa inyo".......ani Eloisa saka nito dinukot ang pera sa kanyang pitaka at ibinigay ang isang libo at limandaang piso.

"Salamat Eloisa at may ipandadagdag na ako sa aking mga lutong ulam na paninda".....nakangiting turan ni aling Salud sa tuloy tuloy na itong umalis ng paupahan.

"Eloisa heto ang katre mo,swrte mo dahil kaaalis lang ng isang ka room mate namin kaninang umaga kaya dito ka napunta dahil kung sa isang kwarto ka napunta ay puro mga suplada ang naroroon lalo na si Quennie"......nakaingos na wika ni Nancy.

"Oo ah Eloisa! Lalo pa at makita ka niya na mas maganda ka sa kanya, Hay naku tiyak na pag iinitan ka niya dahil ayaw na ayaw niyang may nakakalamang sa kanya lalo na sa kagandahan, pero sa totoo lang naman eh puro lang naman make up ang nagpapaganda ng mukha niya na kung hindi na niya lagyan ng makukulay at makakapal na kulerete ang mukha niya ay wala ng papansin na mga lalaki sa kanya!......natatawang saad ni Leny..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon