Chapter 25

11.1K 228 1
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Nang makarating si Darylle sa mansiyon nila ay kaylalaki ng hakbang nitong tinungo ang main door at bigla niyang binuksan ang pinto na ikinagulat ng mag asawang Margaux at Duane na noon ay naroroon at nanunuod ng t.v.

"Oh Darylle bakit ba bigla kang umuwi?......napatayong biglang tanong ni Duane kay Darylle na noon ay namumula sa galit ang mukha nito.

"May problema ba dahil bakit ganyan ang hitsura mo?.....dugtong ni Margaux sa sinabi ni Duane at nag alalang tinitigan nito ang mukha ng anak na mababakas ang galit at pagkadismaya na para bang naiiyak ang hitsura nito.

"Mommy you asking me if what is my problem right? Here! Heto mommy! How could you do this to me lalo na kay Eloisa huh mommy? Papaano mo nagawang bayaran siya para lang layuan niya ako? Alam mo ba mommy sa ginawa mong ito ay para mo na rin akong pinatay! Alam mo ba kung gaano ko siya kamahal!? Hindi mo alam mommy dahil ako lang ang nakakaramdam nun, Ako lang mommy!"......sigaw ni Darylle sabay balibag nito ng hawak na tseke sa harap ng mag asawa na noon ay nagulat sa ginawang iyon ni Darylle habang namamalisbis ang mga luha nito..

"A-anak gi-ginawa ko iyon para sa ikabubuti ng lahat!......parang naiiyak na paliwanag ni Margaux.

"Papaano ninyo nasabing ikabubuti ng lahat samantalang sinaktan mo ako! Sinaktan ko si Eloisa! At ininsulto mo pa ang kanyang pagkatao sa ginawa mong pagbayad sa kanya para layuan lang niya ako!....nanggagalaiting siga ni Darylle na hindi na nito makontrol pa ang sama ng loob na nadarama.

"It's not my intention to insult her, binigyan ko lang siya ng tseke para gamitin niya sa pagsisimula ng panibagong buhay niya dahil naaawa rin ako sa kanya at kaya ko siya kinumbinsing lumayo nalang para hindi siya magiging kawawa pagdating hg araw kung patuloy ang inyong relasyon dahil magiging isang kabit mo lang siya pag ikinasal na kayo ni Mayeth at iyon naman ang ayaw kong mangyari anak dahil babae rin ako at ang kapatid mo kaya naaawa rin ako sa kanya na gawin ko lang siyang libangan".......muling paliwanag ni Margaux sa anak nito na noon ay halos pagsusuntukin na nito ang pinto ngunit inaawat lang ni Duane.

"Anak kung tutuusin ay tama naman ang iyong mommy na just let her go dahil hindi naman pu pwede na dalawa ang babaeng ibabahay mo, at saka wag mong lulukuhin si Mayeth pag kasal na kayo para hindi maging magulo ang inyong pagsasama"......wika naman ni Duane.

"Hindi kailanman magiging kabit si Eloisa dahil walang magaganap na kasal sa pagitqn namin ni Mayeth and you can not force me to marry Mayeth kahit na naikalat na sa buong mundo dahil mas may karapatan si Eloisa sa akin dahil,..dahil"......hindi masabi sabi ni Darylle ang nais sabihin dahil nag aalala siya na baka magbunga ang nagyari sa kanilang dalawa ni Eloisa at wala ito sa kanyang tabi.

"Dahil ano Darylle?......kinakabahang tanong ni Margaux.

"Because she already gave herself to me, at natatakot ako na baka magbunga ang nangyaring iyon sa amin na wala ako sa tabi niya at ayaw kong maging bastardo o bastarda ang aking magiging anak kung sakali man pero dahil sa ginawa mong ito mommy ay para mo na ring sinabing hindi mo matatanggap ang aking magiging anak kung sakaling magbunga ang tapat naming pagmamahalan ni Eloisa!....

"How could you do this to Mayeth huh! Bakir mo pinakialaman si Eloisa samantalang nobya mo na si Mayeth! Paano ko nagawang bilugin ang ulo ng dalawang babae na walang kalaban laban sayo!.....nanggagalaiting sinampal ni Margaux si Darylle sa nalamang iyon kay Darylle.

"Minahal ko si Mayeth ng buong puso ko noon mommy, daddy at ni sa panaginip ay hindi ko man lang inisip na paglaruan o saktan ang kanyang damdamin ngunit ng makita ko si Eloisa ay biglang nagbago ang lahat, pinilit kong alisin siya sa isip ko ngunit hindi ko kaya dahil sa tuwing pinipilit kong burahin siya sa aking diwa ay mas lalong nagsusumiksik siya sa aking isipan hanggang sa tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya and lately ay nalaman kong mahal ko na siya,.Hibdi ko vinalak na manakit ng damdamin ng iba lalo na sa mga babae but tao lang ako mommy , daddy na nagmamahal, i can't ignore Eloisa's charm hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin ang damdamin ko sa kanya and im so lucky enough dahil pareho kami ng nararamdaman hanggang sa kapwa kami nadala sa bugso ng aming damdamin and now we're suffering a heart pain dahil sa kagagawan mo mommy, ni hindi mo man lang hinintay ang desisyon ko! Hindi mo man lang ako kinausap ng masinsinan at inalam muna ang katotohanan na aking nararamdaman!......nagpupuyos sa galit na sigaw ni Darylle.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now