Chapter 24

10.8K 234 1
                                    

MILLER' SERIES 1
BE MY LADY
By...emzalbino
CHAPTER 24...

Nang makauwi na ng ancestral si Eloisa ay deritso siya ng kanyang kwarto at doon ay muli niyang inilabas ang kanynag dinaramdam,..panay ang yugyog ng bakikat nito na,..hindi maampat ang pagtulo ng kanyang luha na halos pumikit na ang kanyang mga mata sa sibrang mugto nito...

Ngunit ilang sandali lang ay humihikbi nalang siya ngunit walang luha ng lumalabas sa mga mata nito at maya maya ay biglang tumayo sa pagkakasalampak mula sa kama at tinungo ang ward robe saka kinuha lahat ang mga gamit niya doon...

"Mahal na mahal kita Darylle,kaya kahit na napakasakit para sa akin na gawin ito ay wala akong magagawa dahil ayokong maging kontra bida sa pamilya mo, ayokong ako ang maging dahilan ng mitsa ng kaguluhan sa iyong pamilya at lalong ayaw kong maging kabit lang dahil may pangarap ako na magkaroon ng isang simpleng pamilya na makakasama ko habang buhay at mamahalin ko ng tapat".....ani Eloisa na pinipigil nito ang pagtulo muli ng kanyang luha...

Matapos niyang inimpake ang mga gamit niya ay saka muling naupo sa kama at noon ay hindi na naman niya mapigil ang pagdaloy ng luha...Maya maya ay may naalala siya kaya't dinukot niya ang bulsa ng kanyang suot na pants saka minasdan ang tseke na nagkakahalaga ng tatlong daang libong piso na pilit na binigay ng mommy ni Darylle.

"Hindi ko ito kailangan dahil hindi ko ipinagbibili ang aking dangal at higit sa lahat ay ang aking pagmamahal,.. Kusa kong ibinigay kay Darylle ang buo kong pagkatao at ang aking puso dahil mahal na mahal ko siya kahit na alam kong ito ay may iba ng nagmamay ari sa kanya,..Kahit na ako ay mahirap lang ay hinding hindi ko ito matatanggap at kahit na anong mangyari ay hindi ko kayang ipagbili ang pag ibig ko kahit na gaano man kasakit itong nangyari sa akin"......ani Eloisa saka inilapag sa ibabaw ng kama ang tseke at punahid ng kanyang palad ang luha sa pisngi nito at saka binuhat nito ang kanyang munting bag at huminga ng malalim ng nasa may pinto na siya.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang buong silid at ng matuon ang paningin niya sa kama at maalala niya ang nangyari sa kanila ni Darylle ng una siyang angkinin ng binata sa kamang iyon ay hindi niya napigilan nag muling pagbalong ng luha nito kaya naman hindi niya mapigil ang hindi mapahagulgol habang pababa na siya ng hagdan...

Nagtataka si nanay Darya dahil sa nakikitang dala dala ni Elousa ang malaking bag at ito ay umiiyak na panay ang yugyog ng valikat nito at ang mga mata ng dalaga ay magang maga na sanhi ng kaiiyak...

"Eloisa anak bakit anong nangyayari sayo? Bakit may dala dala kang bag at iying mga mata ay mugtong mugto?......nababahalang tanong ni nanay Darya  ngunit imbis na sagutin ni Eloisa ay mas napaiyak pa itong lalo at tuluyang yumakap sa matanda na panay ang iyak nito..

"Eloisa sagutin mo ako! Ano nga ba ang nangyari sayo at ganyan ang hitsura mo at bakit may dala kang bag? Uuwi kana ba sa inyo?.....muling alalang tanong ni nanay Darya..

"Nanay Darya aalis na po ako at pakisabi nalang kay Fely na tatawagan ko na lang siya pag nagkaroon ako ng iras pero sa ngayon ay gusto ko munang lumayo at mapag isa"....tanging sagot ni Eloisa sa matanda.

"Pero bakit nga?....

"Basta nanay Darya, at salamat po sa lahat ng kabutihang ipinakita ninyo sa akin, sa amin ni Fely at hinding hindi ko iyon makakalimutan kahit sa buong buhay ko"......ani Eloisa saka muling niyakap ang matanda at hinagkan sa pisngi nito...

"Eh ano ba ang nangyari huh?....pilit na tanong ni nanay Darya ngunit umiling iling nalang si Eloisa habang yakap ang matanda.

"Aalis na po ako nanay Darya at muli ay salamat".....ani Eloisa saka binitbit na nito ang kanyang bag habang sinusundan siya ni nanay Darya ng tingin na puno ng awa sa mukha nito...

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now