Chapter 17

12K 233 0
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By....emzalbino

Hindi napigilan ni Troy ang pagdaloy ng mga luha nito ng maalala ang nakaraan na halos maglumuhod na siya sa paanan ng mag asawang don Orlando at donya Carmen upang makiusap na wag ilayo ang pinakamamahal niyang babae at ang magiging anak nila ngunit ni kahit kaunting awa ay hindi man lang siya punagbigyan at bagkus ay binantaan siya na pag hindi niya nilayuan si Mayeth ay ipapalaglag nila ang dinadala nito kaya kahit na masakit sa kalooban ay nagpakalayo layo si Troy para sa kapakanan ng kanyang mag ina lalo na sa naging bunga ng pagmamahalan nila ni Mayeth..

"Kinaya kong lahat ang sakit na dulot ng kalupitan ninyo, tiniis ko ang sobrang pangungulila na kahit masilayan ko man sana nag aking anak ay hindi ninyo pinagbigyan,naging maramot kayo, ngunit ang lahat ng mga ginawa ninyo sa akin ay siyang naging inspirasyon ko upang makamit ko ang aking kinalalagyan ngayon dahil ipinangako ko sa aking sarili na balang araw ay magtatagumpay rin ako sa aking mga pangarap at ngayon ay nasa kamay ko na nag tagumpay, ay nangangako rin ako na sa pagbabalik ko ay kukunin ko lahat ng aking pag aari kahit harangan mo ako ng bala".......bulong ni Troy sa kawalan saka pinahid ang mga luhang naglasdas .

....

Nagmamadaling nagbihis si Eloisa dahil baka mabutan sila nila tatay Lito at nanay Darya at ayaw niyang makita silang magkasama ni Darylle.

Nang makabihis na ay naglagay lang siya ng kunting pulbos sa mukha at nagwisik lang ng baby cologne at sinuklay ang mahabang buhok saka humarap kay Darylle na noon ay kay luwang ng ngiti dahil kanina pa niya ito pinapanuod habang inaayos ang sarili...

"Beautiful!.....sambit ni Darylle na biglang napatayo at lumapit kay Eloisa. Habang pinanunuod niya ang dalaga na nag aayos ng sarili ay napapangiti si Darylle dahil kahit pulbos lang ang gamit nito sa kanyang mukha ay nagmistulang isang diyosa si Eloisa kaya naman hindi niya mapigilan ang gawaran ng halik ang mapupulang labi ng dalaga na kahit lip shiner lang ang gamit nito ay makikita mo talagang nakakaakit itong pagmasdan..

"Nambola ka pa!.....nakangiting sagot ni Eloisa.

"Nope baby, hindi kita binubola dahil lahat ng mga sinasabi ko sayo ay pawang katotohanan lamang at kung sakaling may sumalungat ay makakatikim sa akin".....ani Darylle saka pinisil ang ilong ni Eloisa..

"At kung sakaling ako ang sumalungat, Ano ang ipapatikim mo hmm?.....nakataas ang kilay na sabi ni Eloisa..

"Kung ikaw ang sasalungat sa akin eh alam mo na nag ipapatikim ko sayo ha ha ha"......pilyong sagot ni Darylle saka niyakap ng mahigpit si Eloisa..

"Ah ganun ha? Well tingnan natin kung mapapatikim mo ako sa sinasabi mong iyan?....nagbabantang wika ni Eloisa.

"Then let's go to Tagaytay para doon natin malaman ang lahat ng kasagutan kung sino ang panalo sa ating dalawa"....nanunudyong turan ni Darylle saka inakbayan si Eloisa palabas ng kwarto.

"Hmp diyan ka magaling!....ani Eloisa saka kinurot ang bewang ni Darylle na saktong humarap sa kanya kaya naman nahawakan ni Eloisa ang harapan nito..

"Tingnan mo nga baby ko, Andito palang tayo eh nanghihipo kana"....natatawang biro ni Darylle sabay halakhak nito at pati narin si Eloisa ay natawa narin dahil sa pagbibiro nito.

Masayang nilisan ng dalawa ang ancestral house at bago sila tumuloy sa bahay ni Darylle sa Tagaytay ay sumaglit muna sila sa isang mall upang bumili ng ilang kakailanganin sa bahay ni Darylle.

Nang matapos mamili sa isang grocery sa mall ay inilibot muna ni Darylle si Eloisa sa shopping mall at dinala ang dalaga sa isang bilihan ng mga damit para sa babae...

"Bakit mo ako dinala rito?......takang tanong ni Eloisa kay Darylle..

"Mamili ka ng mga damit at gamit na gusto mo at ako ang magbabayad?....sagot ni Darylle ngunit tumanggi si Eloisa.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon