Chapter 8

12K 275 2
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By..emzalbino

Dumeritso sa sala si Darylle at naupo roon, Ipinasaya niyang hintayin si nanay Darya at tatay Lito upang malaman nito kung saan iyong sirang aircon para maayos na ito...

Maya maya pa ay nahiga siya sa may sofa at iniunat nito ang katawan maya maya ay napapikit siya ngunit sa pagpikit niyang iyon ay biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang imahe ni Eloisa na nasa ibabaw ng kanyang kama kaya naman bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa kanyang sarili..

"No hindi ko kailangang maramdaman ang ganito dahil she's not mine and i have Mayeth already!...sigaw ni Darylle sa isip nito at agad na dumilat ngunit parang hinihila ang kanyang mga mata na pumikit kaya muli niyang ipinikit ang mga mata nito at gaya kanina ay muli na namang lumitaw ang nakakapang akit na ganda ni Eloisa, ang parang anghel nitong mukha na hindi nakakasawang tingnan, ang mapupula nitong mga labi na kaysarap hagkan,ang makikinis at mahahaba nitong legs na parang kaylambot na haplusin at higit sa lahat ay ang katawan nitong kurbada na kahit sinong lalaki ay mapapatingin dahil kayliit ng bewang nito na para bang inihulma lang ang katawan..

Dahil sa isiping iyon ay mas lalo pang nakaramdam ng kakaiba sa sarili si Darylle at panay ang hinga nito ng malalalim kaya bigla siyang tumayo at nagtungo sa kusina saka binuksan nito ang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig at uminom ng marami at ng medyo kumalma ang pakiramdam nito dahil sa malamig na tubig na nainom ay muli siyang bumalik sa sala at muling nahiga sa sofa habang hinihintay ang mag asawang katiwala nila at maya maya lang ay hindi na niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa pagkakahiga sa sofa..

....

Samantala....

Nagmamadali si Mayeth ng marating niya ang lugar na pakay nito at dali daling pinindot ang door bell ng gate at ilang sandali lang ay bumukas na ang pintuan sa may main door at mula roon ay lumabas ang babaeng may edad narin na karga karga ang isang batang babae na nasa edad na pito...

"Manang Auring kumusta na po si Monica?....alalang tanong ni Mayeth sa matandang babae at agad na hinagkan ang batang babae na tinawag niyang Monica habang nangingilid ang mga luha nito at ng hindi na makatiis ay kinuha niya ito mula kay manang Auring saka niyakap ng buong higpit..

"Eh mam sinusumpong na naman ang hika niya at nahihirapan siyang huminga, at kagabi nga ay hindi ko alam ang gagawin ko at buti nalang dahil dumating na agad ang inyong mommy kaya medyo kumalma na aking pag aalala kay Monica dahil isinugod namin siya ospital"....pagsasalaysay ni mamang Auring kay Mayeth..

"Eh nasaan si mommy?....lumuluha nang tanong ni Mayeth sa yaya ng bata..

"Eh mam nagpunta ng grocery para bumili ng mga kailangan ni Monica at sumaglit narin siya sa botika para makabili ng iba pang gamot"....sagot ni manang Auring..

"Ah ganoon po ba?....ani Mayeth saka binalingan nito ang karga kargang bata...

"Tita bakit ang tagal mo akong hindi dinalaw?....anang nanghihina pang bata na parang inaabot nito ang paghinga dahil sa hika nito...

"Busy kasi ako Monica dahil kaydami kong trabaho sa opisina"....sagot ni Mayeth kay Monica saka niyakap niya ng buong higpit at pinaghahalikan nito ang pisngi ng bata..

"I miss you so much sweetie and i love you!....laglag ang luhang saad ni Mayeth habang karga karga parin si Monica at parang ayaw niyang ibaba ito ng mga oras na iyon...

"I miss you too tita and i love you, Sana dalas dalasan mo ang pagdalaw sa akin para hindi kita gaanong ma miss ng sobra".....matamlay ang ngiting sumilay sa labi ng bata habang nakatingin kay Mayeth..

"Don't worry sweetie dahil gagawin ko iyan pagkatapos ng aking kasal and i wish na sana ay makapunta ka roon but i don't know to bring you there"....malungkot na wika ni Mayeth at muli ay hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha nito..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon