Chapter 7

12.3K 296 0
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Kinabahang nagmamadaling nilisan ni Elois ang lugar kung saan ay nabangga nito ang lalaking nagmula sa loob ng stock room...

"Siguro isa siya sa mga boss namin rito na gaya ni mam Lizel"....wika ni Eloisa sa sarili habang papalabas ng hotel..

"Oh bakit ganyan ang hitsura na para kang natuka ng ahas?.....takang tanong ni Fely sa kaibigan..

"May nangyari kasi eh"...tipid na sagot ni Eloisa..

Bakit ano bang nangyari?....alalang tanong ni Fely kay Eloisa..

"Kasi kaninang papalabas na ako at saktong natapat ako sa may stock room ay hindi ko napansin na may lalaking papalabas din mula sa may stock room kaya nagkabanggaan kami at iyong hawak niyang kape ay tumapon sa suot nitong puting damit kaya sa taranta ko ay pinahid ko ng aking panyo ang damit niya ngunit kinuha niya ito at siya ang pumahid sa namantsahang damit niya".....pagsasalaysay ni Eloisa sa kaibigan..

"Huh eh sino iyong lalaking iyon?.....takang tanong ni Fely..

"Hindi ko nga rin alam kung sino siya!....kunot noong sagot ni Eloisa..

"Ngayon mo lang ba nakita?...muling tanong ni Fely..

"Oo"...tipid na sagot ni Eloisa sa kaibigan..

"Gwapo ba siya?....may panunudyo na tanong ni Fely dahil parang napansin niyang biglang namula ang mukha ni Eloisa..

"Gu-gwapo at may pagka mistiso"....alanganing sagot ni Eloisa sa kaibigan na noon ay halos mapatili...

"What! Gwapo?...nanlalaki ang mga matang balik tanong ni Fely..

"Oo gwapo sabi ko nga sayo at wag kang tumili rin dahil baka may makakita saiyo at sabihin pang may teleleng ka riyan"..

"Eto namang si Eloisa napaka kj, Hmp! Kung ako lang ang nakabangga ng lalaking iyon kukunin ko agad ang name niya para magkakilala kami"....natatawang biro ni Fely sa kaibigan..

"Heh! Kung ano ang pinagsasabi mo! Tara na ngang umuwi at baka naghihintay na sa atin si nanay Darya at nakakahiya naman sa kanila kung paghihintayin natin sila ng matagal"....ani Eloisa at hinila na ang kamay ng kaibigan na noon ay nakangiti parin...

...

Samantala...

"Naririto kana pala! Oh bakit anong nangyari sa damit mo?....tanong ni Jake kay Darylle ng makalapit na ito ng tuluyan sa binata..

"Ah wala, Nabangga ako ng empliyada"...sagot ni Darylle..

"Sinong empliyada?....muling tanong ni Jake..

"Hindi ko kilala but she's quite pretty at nagmamadaling umalis kanina nang malingat ako sandali ng tumawag ka sa akin, Siguro ay natakot sa pagkakamantsa ng kape sa suot kong damit dahil sa pagkataranta niya kanina ng malamang natapon ang hawak kong kape sa damit ko ay namumula ang mga kanyang mukha at halos manginig ang kamay niyang habang pinapahid ang aking damit kaya lihim akong natatawa"....paglalahad ni Darylle kay Jake..

""Well ganoon ba?....ani Jake....."Hmm you've seen around already,so what do you think sa pagkakagawa at pagkakaayos ng bawat sulok ng hotel na ito?.....nakangiting tanong ni Jake..

"Very good and i like it! Kaya nga hindi na ako nagpupunta rito kahit pa ilang dipa lang ang layo sa opisina ko dahil i know your taste".......buong paghangang sabi nito sa binatang architect...

"Ha ha ha!...natutuwang halakhak ni Jake..."Thanks"...

"Welcome and i hope na mas marami ka pang mapakitang kagalingan na gaya ng ipinapakita mo sa amin and im so glad na nakilala kita"....saad ni Darylle at saka tinapik tapik nito ang balikat ni Jake...

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon