Chapter 15

12.9K 257 3
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

"Eloisa sakay na!....muling ulit ni Darylle habang walang kakurap kurap na nakatingin sa dalaga.

"Huh!....tanging sambit ni Eloisa dahil sa pagkakabigla.

"Diba uuwi kana? Sabay kana sa akin dahil pupunta rin naman ako sa ancestral house"......pagdadahilan ni Darylle ngunit ang totoo ay nais lang nitong maialis sa lalaking kausap ni Eloisa.

"Eloisa sumabay kana lang kay sir para hindi kana mag abala pang maghintay ng dyip eh ang hirap pa namang hintayin"......segunda naman ni Raymond sa sinabi ni Darylle.

"Yup!....maagap na sabi ni Darylle.

"Ah eh okay lang ba sayo na iwan na kita rito?....ani Eloisa kay Raymond.

"Oo naman! Next time na ulit tayo mag uusap at babalik na rin ako sa loob para makapag palit narin at salamat sa time na ibinigay mo sa akin, sana magkaroon tayo ng mas mahabang oras para makapag kwentuhan o kaya ay mamasyal? Sige Eloisa ingat ka lagi".....ani Raymond saka pasimpleng hinawakan nito ang kamay ng dalaga at bahagyang pinisil ngunit hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Darylle.

"Eloisa hop in!....parang nagmamadaling sabi ni Darylle at ng tingnan ni Eloisa ang binata ay pormal nag mukha nito na salubong ang kilay kaya naman agad na tumalima at sumakay sa nakabukas ng pinto ng kotse.

"Raymond salamat sa bulaklak na bigay mo at sa chocolates!....pahabol na sabi ni Eloisa kay Raymond na tumango lang ang binata.

Nang maikabit ni Eloisa ang kanyang seatbelt ay ipinatong nito ang bulaklak sa kanyang kandungan saka bahagyang napatingin sa katabi ngunit tahimik ito at pormal na pormal ang mukha na hindi malaman kung galit dahil naiilang namang tingnan ni Eloisa ng matagalan.

Ipinasya nalang ni Eloisa na manahimik at ibaling sa labas ang atensiyon dahil naiilang siya kay Darylle dahil sa naganap sa kanila kinagabihan.

Parang gustong sumabog ang dibdib ni Darylle sa sama ng loob dahil sa nakita niya kanina na magkausap ang dalawa at ng hawakan ni Raymond ang kamay ni Eloisa at bahagya pang pinisil nito.

Alam niyang wala siya sa lugar para mag react ng ganoon ngunit hindi niya kayang kontrolin ang panibughong nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Muli niyang sinulyapan ang dalagang katabi na abala sa pagsulyap sa labas at naagaw ng kanyang pansin ang bulaklak na nasa kandungan nito at dahil doon ay mas lalo na namang nadagdagan ang kinikimkim na sama ng loob kaya walang sabi sabing kinuha niya iyon na ikinagulat ni Eloisa.

"Ba..bakit?....takang tanong ni Eloisa ng bigla nalang kunin ni Darylle ang bulaklak na bigay ni Raymond sa kanyang kandungan.

"Sa likod mo nalang ito ilagay baka matinik kapa niyan"....alibay ni Darylle saka pabagsak nitong inilagay sa may back seat ang bulaklak na bigay ni Raymond.

"Okay lang naman sa akin dahil wala nang tinik ang mga rosas"....sagot ni Eloisa.

"No it's better to put there, nakakailang na tingnan sa harapan at pwedeng tingnan iyong mga bigay niyang chocoltes baka expired na?.....

"Huh! Hi..hindi pa naman siguro dahil sabi ni Raymond eh kabibili lang niya"......nagtatakang sagot ni Eloisa.

"I just want to check".....pormal na wika ni Darylle at dahil sa seryoso ang mukha nito ay walang nagawa si Eloisa kundi ilabas ang mga tobleron mula sa kanyang bag at ibinigay kay Darylle..

"This is not good for you, i will buy another one for you, ibibigay ko nalang ito sa katulong namin"....ani Darylle.

"Pero bigay ni Raymond ang mga chocolates na iyan?....nag aalalang turan ni Eloisa.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant