Chapter 27

11.5K 232 1
                                    

MILLERS SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By....emzalbino

TOK...TOK ...TOK......magkakasunod na katok ang ginawa ni Darlene bago bumukas ang pinto ng kwarto ni lolo Baste, pagtingin tingin sa paligid si Darlene na para bang may hinahanap na napansin naman ni donya Amparo.

"May hinahanap ka ba apo?....tanong ni donya Amparo sa dalagang apo na kadarating lang.

"Lola hindi po ba naparito ang mga magulang ni Mayeth?....hindi napigilang tanong ni Darlene sa kanyang lola.

"Hindi ah! Bakit mo naitanong apo?.....kunot noo na tanong ni Donya Amparo kay Darlene.

"I saw them just now ng papasok kami ng lift at saktong pasara naman ang lift na kinaroroonan nila kaya ang akala ko ay naparito sila"......saad ni Darlene.

"Baka may kamag anak sila na dinalaw".......singit naman ni Wayne.

"I don't think so!.....kibit balikat na sabi ni Darlene....

"Sina mommy at daddy nga pala lola, hindi pa ba sila pupunta rito?......maya maya ay tanong nito saka napatingin sa kanyang tito Wayne na noon ay katabi niyto ang pinsang si Rayne na abala sa pagdudotdot ng cell phone nito.

"On the way na sila papunta rito sa ospital"...,..sagot ni Wayne sa pamangkin.

"Eh si Darylle, hindi ba pupunta rito?.....maya maya ay muli na namang tanong ni Darlene.

"Hay naku apo tawagan mo na kaya ang kapatid mong iyon dahil nagkasagutan daw yata sila ng iyong mommy dahil sa isang babae, at parang nahihibang na daw ang kakambal mong iyon sa babaeng nagngangalang Eloisa dahil kinomprontta ng mommy iyong si Eloisa and then hindi naman intensiyon ng mommy na suhulan iyong babae sa perang ibinigay nito ngunit ayon sa mommy mo ay nagalit ang kakambal mo dahil sa ginawang iyon ng mommy mo, Kasi naman umalis daw iyong Eloisa at iniwan nito ang tseke na binigay ng iyong mommy, pero ang nais ng mommy mo ay gamitin nung babae sa pagbabagong buhay nito kaya niya binigyan ng tseke ngunit ng makita daw yata ni Darylle ang tseke na iniwan ng babae ay nagwala ito at sinugod ang mommy mo at daddy mo sa mansiyon at doon nagsisigaw at sinabi pa nitong ikakansela daw ang kasal nila ni Mayeth. Kaya problemado ang iyong mommy at daddy dahil sa lalaking iyon at ngayon ay hindi nila alam kung nasaan ang kapatid mo!......iiling iling na saad ni donya Amparo sabay buntong hininga ito ngunit si Darlene ay napatanga sa mga sinabi ng kanyang lola Amparo..

"What lola! Si Eloisa umalis?.....hindi makapaniwalang ulit ni Darlene sa sinabi ng kanyang lola.

"Oo! Bakit kilala mo ba ang Eloisa na iyon?.....takang tanong ni donya Amparo samantalang tahimik lang si Kate na nakikinig sa usapan.

"Kilala ko siya at mahal na mahal niya si Darylle at alam kong mahal na mahal din siya ni Darylle kaya hindi ninyo masisisi si Darylle kung magwala man ito dahil kahit sino ay gagawin din ang ginawa niya kung sakaling mawala sa iyo ang babaeng kanyang minamahal".......buntong hiningang turan ni Darlene.

"Ano ang ibig mong sabihin Darlene? May kinalaman ka ba sa nangyayaring ito kay Darylle?.....singit na tanong ni Wayne sa pamangkin.

"Tito! Mas deserve si Eloisa para kay Darylle kesa kay Mayeth dahil si Eloisa ay inosente at walang anumang itinatagong baho unlike si Mayeth na may sekretong pinakatago tago sa atin"......ani Darlene na dahilan ng paglingon ng lahat sa kinaroroonan niya.

"Darlene shut up! Alam naming noong una palang ay malayo na ang loob mo kay Mayeth but you don't have the right to judged her dahil hindi mo kilala ng lubusan iyong tao! Wag mong sirain ang reputasyon niya dahil hindi ka naman niya pinakikialaman, kung sakaling ayaw mo sa kanya para sa kapatid mo ay tumahimik ka nalang dahil wala ka namang magagawa pa dahil siya ang babaeng pinili ng iyong kapatid para makasama habang buhay!.......galit na turan ni Wayne kay Darlene.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now