Chapter 19

10.6K 229 3
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Biglang kumunot ang noo ni Darylle sa kanyang nakita sa cell phone screen dahil si Mayeth ang caller..

Hindi nito malaman ang gagawin kung sasagutin niya o hindi kaya pinatay niya ito ngunit muli na namang nag ring ang aparato kaya bumuntong hininga na lamang siya..

"Baby sandali lang tumatawag kasi si Jake".....pagdadahilan ni Darylle saka bumitiw kay Eloisa..

"Okay,sagutin mo muna at itutuloy ko nalang ang niluluto at pagkatapos ay ihahanda ko na para makakain na tayo".....sagot ni Eloisa saka hinarap ang niluluto ni Darylle.

"Okay baby thanks, i love you".....ani Darylle saka hinagkan nito ang pisngi ng dalaga at dumiretso sa labas ng bahay upang kausapin si Mayeth..

Nang muling mag ring ang cell phone ni Darylle ay agad na niyang sinagot ito saka medyo hininaan ang boses para siguradong hindi siya marinig ni Eloisa dahil ayaw niyang malaman ng dalaga na si Mayeth ang tumatawag na iyon.

"He..hello babe?.....parang hindi makapagsalitang sagot ni Darylle..

"Babe kanina pa ako tumatawag eh bakit mo pinatay?....sagot na tanong ni Mayeth..

"Ah nagda drive kasi ako at nasa highway ako kaya pinatay ko muna, nakauwi kana ba?....

"Yes babe at naririto ako sa Manila at baka next day ang dating ko diyan sa Batangas"....

"Ga..ganoon ba?...parang nauutal na sabi ni Darylle dahil parang ayaw pa niyang umuwi sa kanilang lugar ang nobya dahil nais niyang gugulin ang kanyang panahon kay Eloisa.

"Oo babe at sa oagdating ko ay mag uusap tayo for our wedding".....saad ni Mayeth at dahil doon ay napaubo si Darylle dahil pakiramdam niya ay parang biglang umurong ang kanyang dila at hindi makapagsalita..

"Ah, eh okay babe, see you".....tanging wika nito ngunit kay lungkot ang kanyang mukha habang binibigkas nito ang kanyang mga sinabi..

"Okay babe bye,see you"......paalam ni Mayeth na hindi na nito narinig pa ang sagot ni Darylle at dahil sa pag aakalang abala ang nobyo kaya pinatay nalang niya ng kusa ang kanyang cell phone..

"Darylle sana ay maging okay ang lahat bago tayo pakasal dahil parang hindi ko kayang iwan nalang basta ang aking anak sa isang tabi"......saad ni Mayeth sa sarili habang nakatanaw sa anak nitong naglalarong mag isa sa malapit sa pool...

Matapos makipag usap ni Darylle kay Mayeth ay parang nanlalambot ang kanyang mga tuhod na naglalakad papasok sa bahay at ng makarating na ng kusina ay nakatanaw sa kanya si Eloisa na kay tamis ng ngiti kaya naman biglang naalis ang pangamba sa kanyang puso lalo na ng gawaran siya ni Eloisa ng isang mahigpit na yakap at walang kasing tamis na halik sa labi nito.

"Eloisa i don't want to hurt you,but how can i tell Mayeth na hindi ko din siya masasaktan?...piping tanong ni Darylle sa sarili saka niyakap ng mahigpit si Eloisa.

"Kain na tayo kanina pa kumakalam ang tiyan ko"....maya maya ay yaya ni Eloisa ng muling humilab ang kanyang tiyan dahil sa pagkagutom...

"Okay baby ko dahil ako'y gutom narin"......sagot ni Darylle saka inalalayang maupo si Eloisa at habang kumakain ang dalaga ay titig na titig si Darylle sa mukha nito....."Hindi ko alam kong ano ang taglay mong karisma Eloisa at napaibig mo ako ng ganito at sa tuwing kasama kita ay parang ayoko ko nang iwan kita kahit na ilang sandali lang dahil pag hindi kita makita ng matagal ay oara na akong mababaliw sa labis na pangungulila sa iyo"........ani Darylle sa isip nito at ng saktong mapatingin sa kanya si Eloisa ay isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa dalaga na sinuklian naman ni Eloisa ng isang mapang akit na ngiti kaya hindi napigilan na pisilin ni Darylle ang pisngi nito.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now