Chapter 20

11K 217 1
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
by...emzalbino

Hindi ramdam ni Darylle ang hapdi at kirot ng pumutok niyang labi dahil panibugho ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

Hindi niya kailan man pinagtaksilan noon si Mayeth ngunit ng makilala niya si Eloisa ay ewan ba niya at tila nagayuma siya sa ganda ng dalaga hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nito at pati ang kanyang puso..

"Lord hindi ko Po hiniling Sayo na maging ganito kagulo ang aking isipan sa ngayon ngunit alam kong batid Mo kung gaano ko kamahal si Eloisa at hindi ko kayang gawin ang payo nila mommy at daddy na iwan ko siya, hindi ko kaya!....naguguluhang isinubsob ni Darylle ang kanyang ulo sa may manibela na noon ay nasa harap siya ng kanyang bahay sa Tagaytay dahil doon siya tumuloy pagkaalis niya ng kanilang mansiyon...

Nanlulumo siyang pumasok ng kanyang bahay at saka pabagsak na isinarado nito ang pintuan at dumiretso sa kanyang kwarto..

Ibinagsak nito ang katawan sa kama at saka ipinikit nito ang kanyang mga mata sabay hinga ng malalim.

Kinuha niya ang unan at saka itinakip nito sa kanyang mukha kaya naman naamoy niya ang amoy ng buhok ni Eloisa na dumikit sa unan kaya naman napayakap siya rito..

"Oh Eloisa kahit na kahihiwalay lang natin ay miss na miss na kita dahil ang gusto ko ay lagi ka sa tabi, lagi kitang kayakap at kasalo sa masasayang sandali"....malungkot na sabi ni Darylle saka kinuha nito ang cell phone niya sa kanyang bulsa at idinayal ito..

Kring.. Kriinng..kriiiinnngggg...

Ingay ng cell phone ang nagpabalik kay Eloisa sa kanyang kwarto dahil nasa may banyo siya at kasalukuyang nagto tooth brush..

Nang alamin niya kung sino ang tumatawag at nakita niyang si Darylle iyon ay agad niyang dinampot ang kanyang cell phone..

"Mahal ko bakit ka napatawag?....bungad na tanong ni Eloisa na noon ay nakasalampak ng upo sa may kama..

"Na mi miss na kita eh! Naririto ako sa Tagaytay sa bahay natin at kasalukuyang yakap yakap ko ang unan mo baby ko"....malambing na sagot ni Darylle, hindi niya sinabi ang rason kung bakit nasa Tagaytay siya dahil ayaw niyang mag alala ang dalaga. Ayaw niyang maging alalahin siya nito.

"Eh anong ginagawa mo riyan na mag isa?....nakangiting tanong ulit ni Eloisa.

"Eh kasi nami miss nga kita".....ani Darylle sabay buntong hininga.

"Miss din kita mahal ko pero gaya ng sabi mo sa akin ay maghihintay ako hanggang sa maging okay na ang lahat"......muling sagot ni Eloisa ngunit parang kinabahan siya ng marinig niya ang sunod sunod na buntong hininga ni Darylle.

"May problema ka ba mahal ko?....alalang tanong ni Eloisa kay Darylle.

"Wa-wala baby ko, i just missed you so much"........mariing tanggi ni Darylle na noon ay parang gusto niyang yakapin ng mahigpit ang dalaga sa pagsisinungaling niya ngunit hindi niya magawa dahil wala ito sa kanyang tabi kaya ang unan nalang ang kanyang niyakap habang kausap si Eloisa.

"Darylle mahal na mahal kita at hindi ako mapapagod na hintayin ka, kahit na anong mangyari ay nandito ako para sayo dahil ganoon kita kamahal"....

"I love you more baby ko, i will do everything para magkasama na tayong dalawa. Sandaling panahon nalang baby ko at magiging okay na ang lahat sa atin".....naniniguradong wika ni Darylle.

"Salamat mahal ko at gaya ng sinabi ko na maghihintay ako"..,,,saad ni Eloisa..

"Thanks baby ko at i will promise to you na pag natapos na ang lahat sa amin ni Mayeth ay pakakasal rin agad tayo dahil baka bigla kang mabuntis eh ayokong tawaging bastardo o bastarda ang magiging baby natin"......nakangiting turan ni Darylle at dahil sa sinabi niyang iyon ay narinig niyang napahikbi si Eloisa kaya labis na nag alala ito.

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon