Chapter 23

10.7K 224 1
                                    

MILLER's SERIES 1
BE MY LADY
"DARYLLE"
By...emzalbino

Walang anumang sagot na namutawi sa labi ni Eloisa at nakatitig lang siya sa palad nitong hawak ni Margaux..

"Eloisa please!.....waring nakikiusap na sabi ni Margaux para tanggapin lang ng dalaga ang chequeng nasa palad nito ngunit parang blangko ang isip ni Eloisa at napakurap lang ito saka muling tiningnan ang ginang at walang sabing lumakad papalayo kaya naman isinuksok nalang ni Margaux ang cheque sa bulsa ng suot na pants ni Eloisa at minasdan nalang niya nag dalaga na papalayo...

Malalaki ang mga hakbang na tinungo ni Eloisa ang toilet saka nagkulong sa loob at doon niya inilabas ang lahat ng sakit at bigat ng dibdib na kanina pa niya nais ipagsigawan..

"Diyos ko patawarin Mo ako kung ano man ang nagawa kong pagkakamali sa buhay ko, Sinunod ko lang Po ang isinisigaw ng aking puso kaya hindi ko na inisip ang anumang pwedeng ibunga ng lahat ng ito! Alam kong nasa akin ang pagkakamali dahil simula't sapul ay alam ko na pag aari na ng iba si Darylle ngunit naging bingi bingihan ako dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, Naniwala at nagtiwala ako sa mga matatamis niyang salita at mga halik, ang mapanukso niyang yakap at haplos na siyang naging dahilan ng pagiging mapusok ko. Mahal na mahal ko Po si Darylle ngunit hindi ko naman Po nais na makasira ng isang pamilya dahil sa maling pagmamahal na aming punagsasaluhan, Sabi ng puso ko ay wag akong sumuko sa pagmamahalan namin ngunit nakukunsensiya ako at nasasaktan na balang araw ay hindi nga tuparin ni Darylle ang kanyang mga pinangako sa akin at ipagpatuloy nito ang pagpapakasal niya kay Mayeth at maging isang kabit lang ako at iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari dahil ang pangarap ko sa buhay ay magkaroon ng isang simpleng pamilya".....lumuluhang ani Eloisa sa mahinang bises na halos hindi niya mabigkas bigkas dahil sa panay ang hikbi nito..

Tumagal si Eloisa ng halos kalahating oras sa loob ng toilet na panay ang pagdaloy ng kanyang mga luha hanggang sa ang mga mata nito ay mugtong mugto na, Pilit niyang kinakalimutan ang lahat ng napag usapan at sinabi sa kanya ni Margaux ngunit hindi niya kayang balewalain at parang pinipiga ang kanyang puso at hinihiwa ito sa sobrang sakit ng mga sandaling iyon...

Inayos niya ang kanyang sarili saka lumabas ng toilet pilit niyang ikinukubli ang kanyang mukha sa mga taong nakakasalubong niya sa daan ngunit hindi siya nakaligtas kay Lizel ng makita siya nito..

"Oh Eloisa anong nangyari sayo at mugtong mugto ang mga mata mo? Umiyak kaba?.....alalang tanong ni Lizel saka mas lumapit pa ito sa dalaga..

"Ah eh kuwan po mam"......hindi makatinging sagot ni Eloisa na hindi malaman ang isasagot.

"Anong nangyari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?....sunod sunod na alalang tanong ni Lizel.

"Me-meron po kasi ako ngayon eh at masakit na masakit ang aking puson kaya hindi ko napigilan ang umiyak habang nasa toilet ako".....pagsisinungaling ni Eloisa sa dalagang boss nito.

"Huh ganoon ba! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin para alam ko? Kung hindi mo talaga kaya ay owede ka ng umuwi ngayon total marami namang pang araw kaya okay lang na umuwi ka para hindi iyang tinitiis mo ang sakit at baka kung mapaano ka pa rito!".....nag aalalang saad ni Lizel kay Eloisa..

"Salamat po mam Lizel"......maluha luhang sagot ni Eloisa.

"Naku wag ka ng umiyak! Sige na, ayusin ko na ang gamit mo at ako na ang bahalang magpaliwanag sa management kesa naman maging alalahanin pa kita rito".....pagtataboy ni Lizel kay Eloisa na noon ay napangiti ito ngunit sa kanyang mga mata ay maaaninag ang pait at sakit na dinaramdam ng mga sandaling iyon...

Agad na tumalima si Eloisa dahil sa totoo lang ay hindi niya kaya ang magtrabaho ng oras na iyon dahil hindi siya makapag concentrate sa kanyang mga gawain at gulong gulo ang kanyang isip..

MILLER SERIES 1...DARYLLE...BE MY LADY......BY EMMZ(emzalbino)...Where stories live. Discover now